CHAPTER 8: HIS GAME CALLED "LOVE"

8.3K 182 0
                                    

JAM'S POV

JAM! Bakit para kang pusang hindi mapaanak? Anong prolema mo tol?
-Ivan

Hindi ko sya pinansin, wala ako sa mood makipag asaran sa kanya.Iniisip ko pa rin kung anong nangyari kay Eryl, mula kasi nung maaksidente kami hindi ko na sya nakita, mukha namang walang nangyaring hindi maganda kasi wala naman nag hahanap sa kanya, oh baka naman wala talaga syang pamilya,

Si Eryl ba iniisip mo tol? Wag kang mag alala, kinausap ko yung prof nya ang sabi inexcuse daw nang uncle nya
-Brent

Hindi ko din sya pinansin, madami kasing gumugulo sa isip ko, paano nya nagawang makipag barilan nang ganun? Sino yung humahabol sa amin? San sya dinala? Alam ko may tama sya nang bala eh, kaya medyo nag aalala din ako,

"Hindi nyo ba talaga alam kung saan sya dinala at kung sino may gawa nito?"
Tanong ko sa kanila

"Hindi talaga tol, tinawagan nalang kami nang nurse sa ospital at sinabing andun ka, nung tinanong namin kung sino nagdala sayo o kung may kasama ka hindi daw nila alam" -Third

Pero napaka imposible namang pagkatapos nila kaming paulanan nang bala bigla nalang nila kaming iniwan, hindi ba dapat sinigurado muna nilang patay kami bago sila umalis, or unless may dumating para tumulong,

Wala naman akong number nya para itxt o tawagan sya, nakalimutan kong kunin kasi hindi naman talaga ako seryoso sa kanya,

Dahil sa kakaisip biglang sumakit yung ulo ko, napahawak naman ako dun sa parteng may sugat,

"OH Tol! Sabi na kasing wag isip nang isip eh, tara punta tayong clinic, patingin natin yan"
-Brix

Tatanggi sana ako kaso inalalayan na ni Brix yung isang kanang ko, kay Brent naman yung kaliwa, binuksan naman ni Rexel yun pinto,

Nang mapadaan kami sa main gate, nang mapansin kong may pinagkakaguluhan yung mga estudyante, sa pagkaka alam ko naiwan sa HQ yung tatlo, magkakasama naman kaming tatlo, sino pinagkakaguluhan nang mga to?

"Grabe ang gwapo nya talaga noh"

"Oo nga, kasing hot nya yung Empire"

"Baka bagong membro"

Ilan sa mga komento nila, nang silipin ko kung sino yung pinagkakaguluhan nila, Nakita ko yung isang lalaking matangkad, siguro ka edad namin sya, nausap nya yung mga lalaking naka polo, malamang body guards yun, naka uniform din sya nang Don Andrew, malamang taga dito din sya pero ngayon ko lang sya nakita,

"Kilala nyo yun" tanong ko kina Brent at Brix

"Hindi" sabay nilang sagot

Pagkatapos nyang kausapin yung mga lalaking mukhang guards' nagsi alisan na sila, binuksan naman nya yung pinto nang kotse at may bumabang babae,

ERYL...

EARL'S POV
everything's ready na for my first day. Andito ako ngayon sa tapat nang ACAD, kakatapos ko lang mag bigay nang instructions sa mga tauhan ko na i secure yung area,
Hindi pa din kasi kami sigurado na wala nang magtatangkang manakit sa kapatid ko, And speaking of Eryl, she's with me right now, ang tigas talaga nang ulo nya, sinabihan ko na syang wag muna pumasok but she insist, nauna pa sya sa kotse,

Binuksan ko yung kotse at inalalayan sya bumaba,

"Let's go sis, baka malate tayo"

Sumunod naman sya, Nagtataka ako bakit ang daming studyanteng nakatingin samin, ganito ba talaga dito? Kapag gwapo pinagkakaguluhan? Pero sa lahat nang estudyanteng nandun hindi nakaligtas sa mata ko yung tatlong lalaking ang sama makatingin, may benda sa ulo yung isang lalaki habang inaalalayan naman sya nung dalawa, hindi maganda yung kutob ko sa kanilang tatlo, kaya imbes na doon ko idaan si Eryl iniwas ko sya,

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon