JAM'S POV
"Ano ba Jam! Para tayong mga gago nito eh! Hanggang kelan ba natin sila susundan"
Reklamo ni Ivan, nagsisisi na ko kung bakit sya pa sinama ko dito,Flashback
Ok! Eto na talaga! Lalakasan ko na yung loob ko para makausap sya,
Kailangan makahingi ako nang tawad bago maging huli ang lahat, bago sya tuluyang mahulog kay Rex, kailangan kong mabawi kung anong dapat ay akin,"Sir Id po" sabi sakin nung guard sa gate nang subdivision nila,
"What? Sa araw araw na napunta ako dito hindi nyo pa ba ako natatandaan?" inis kong sabi sa kanila
"Sorry Sir protocol lang po" paliwanag nya
Wala akong magawa kundi ibigay yung lisensya ko, Habang nilolog nya yung pangalan ko sa logbook nakita kong palabas yung kotse ni Rex, nasa driver's seat nya si Eryl, nag kwekwentuhan silang dalawa kaya hindi nila napansin yung kotse ko,
"Thank you Sir, pwede na po kayong pumasok" sabay soli nung lisensya ko
"Nevermind!" Sagot ko sabay atras nang kotse para sundan sila,
Tumigil sila sa isang amusement park, tahimik ko pa rin silang sinundan, sinigurado kong malayo yung distansya ko sa kanila para hindi nila ako makita, pero sapat na para makita ko sila,
Shit! Paano nya napapangiti si Eryl nang ganun?
Inatake na naman nang selos yung puso ko, nang makitang nakangiti si Eryl, parang ang saya saya nya, dapat ako yung kasama nya ngayon, dapat ako yung dahilan nang bawat pagngiti nya, dapat sana ako yung masaya ngayon kung hindi lang ako naging tanga,
Hindi ko kayang makita syang masaya sa iba kaya bumalik ako sa parking lot, Naisip kong tawagan yung iba para magpasama, para kasing anytime hindi ko mapipigilan yung sarili kong magpakita sa kanila, yakapin si Eryl dahil miss ko na sya, komprontahin si Rex kung ano ba talaga yung intensyon nya,
Sinubukan kong tawagan si Brix kaso unattended, si Third naman may practice, si Brent naman may lakad, si Ivan nalang pag asa ko,
Calling Ivan....
Ivan: Hello tol? Napatawag ka?
Me: Libre ka? Punta ka dito sa Ek
Ivan: Amusement park? libre mo?
Me: Oo, bilisan mo!
Ivan: Ok! Ok! Ok!
Sinend ko sa kanya yung location ko, After ilang minuto may kotseng bumusina at pumarada sa tabi ko, pag baba nung driver si Ivan pala,
"Bat parang aburido ka tol?"
"Kaninong kotse yan?"
"Kay Ivanna tol, coding kasi yung kotse ko"
"Tamang tama para hindi tayo mahalata"
"Nino? Tsaka bat andito ka pa? Tara sa loob"
"Hindi tayo papasok, dito lang tayo may hihintayin tayong lumabas"
"What? Sino?"
Tinuro ko yung kotse ni Rex
"RJA137 kay Rex yan ah! Anung ginagawa nya dito?tsaka bat natin sya hihintayin pwede naman natin sya puntahan"
"Basta wag kang maingay, malalaman mo din"
Makalipas ang ilang oras nakita kong papunta sila sa kotse,amp magkahawak kamay pa, Agad kaming pumasok sa kotse ni Ivan at nagtago para di nila kami makita,
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORY
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sa dinami dami nang taong mamahin mo...