CHAPTER 20: MADRIGAL'S IDENTITY

7.9K 171 2
                                    


IVAN'S POV
Kanina pa nag umpisa yung game at kanina pa din nagkakalat yung team namin. Nagkakainitan kasi si Jam at Earl. Mabuti na lang at kahit papano nakakapuntos pa rin si Third at Brix kundi tyak tambak na kami ngayon, Halata naman kasing inaasar ni Earl si Jam, malamang may hinala na sya sa ginagawa ni Jam kay Earl, tanga rin kasi tong si Jam, alam na nga nyang andito si Earl dinala pa nya dito si Natalie, sinong matinong Kuya ang di magwawala, harap harapan kung lokohin nya si Eryl,

"Charge Time Out 1A!"
Sigaw nung commitee, nagpa time out yung team namin, habang palapit sa bench kita kong badtrip yung mukha nang coach namin,

"Ano ba Samonte at Madrigal hindi ba kayo aayos? Parang hindi kayo marunong mag laro! Kung may problema kayo wag nyo dalhin dito sa court! Isa pa! Magkalat pa kayo ibabangko ko kayo!" Pagkasabi nya nun inutusan nya yung dalawang reserve player na mag warm up,

Kanina pa kasi sila, kapag nakay Jam yung bola aagawin ni Earl kaya kapag na kay Earl aagawin din ni Jam, tapos kahit libre si Jam ayaw pasahan ni Earl, sakin nya pinapasa eh alam naman nyang dalawa lagi bantay ko, ako kasi ang 3 pointer sa team kaya mahigpit talaga parati bantay ko, dahil ngayon lang naglaro si Earl hindi pa nila alam kung ano kakayahan kaya hindi nila binabantayan,

Sa totoo lang hindi naman talaga ako kasama sa line up nang first five ngayon, injured kasi yung tuhod ko kaya nagpapahinga ako, si Jam,Earl,Brix,Third at Rex ang first five, kaso ang kumag na Rex hindi dumating, nakita ko yun kanina kaso biglang nawala, pina page na namin kaso di talaga sumipot, kaya ang ending naglaro ako nang wala sa oras, si Brent kasi may game nang table tennis ngayon,

Kaso di nila sinabi na referee pala ang role ko dito, taga awat sa dalawang sira ulong to!

Maya maya pumito yung referee, ibig sabihin tapos na yung time out, bago kami bumalik sa court nagsalita si Third, ang captain namin,

"Kung may problema kayong dalawa mamaya sa labas nyo na pag usapan,kahit magsuntukan kayo dun hindi namin kayo aawatin,"

Hindi naman sila sumagot pareho pero kung nakakamatay ang tingin pareho na silang patay ngayon, pareho kasing ang sama nang tingin nila sa isat isa,

Pagbalik namin sa game akala namin ok na, pero lalong lumala, kung kanina nag aagawan lang sa bola ngayon nag 1 on 1 na sila, silang dalawa na ang nagbabantayan, aakalin mo ngang magkaibang team sila,

Kahit malayo silang dalawa kitang kita ko yung galit sa mata ni Earl at asar sa mata ni Jam, ano kayang nangyari sa dalawang toh!!

Malapit nang matapos yung 2nd half hawak ni Jam yung bola, imbes taga 1B yung mag bantay sa kanya, si Earl ang naka bantay, nakita kong bumuka yung bibig ni Earl may sinabi sya, si Jam na naghanda para lagpasan si Earl, pero bago pa sya naka porma tumunog na yung buzzer, tapos na yung 2nd half
32-28 yung score, pabor samin, kung sana matino yung laro nung dalawa baka doble nang score nila yung score namin,

Pagkarinig nang buzzer pumunta agad kami sa bench, nasa magkabilang dulo sila, si Third naman kausap si coach
William na namumula na sa galit, ako nasa gitna, Nakita kong lumapit sa Natalie kay Jam, inabutan nang towel at mineral water, sya na rin yung nagpunas nang pawis ni Jam, hindi na kami mineeting ni coach malamang nabadtrip nah, kaya yung buong free time nakaupo lang kami,

Pag tunog nang buzzer tumayo na ako, ganun din si Jam, pero bago sya bumalik sa court hinalikan sya sa labi ni Natalie,

patay kang bata ka! Gulo toh!

Hindi nga ako nagkamali, pag tingin ko sa side ni Earl naglalakad na sya papunta sa pwesto ni Jam, sinubukan ko syang awatin kaso nakakatakot yung mata nya, kulay pula, galit na galit sya, at bago pa ako nakakilos isang malakas na suntok ang tumama kay Jam, sa sobrang lakas napa upo si Jam at agad nag dugo ang labi,

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon