CHAPTER 18: BROTHER'S LOVE

7.9K 167 0
                                    

CHAPTER 18: BROTHER'S LOVE

EARL'S POV

TOK! TOK! TOK!
Mahina kong katok sa pinto ni Eryl,

8:30 na pero hindi pa rin sya nababa, malamang masama pa rin yung pakiramdam nya, Medyo naguilty din ako kasi nasigawan ko sya kagabi, nag aalala lang naman ako, ako yung kasama nya dito kaya kapag may nangyaring hindi maganda ako ang sisisihin nila Dad,

"Come in"sagot nya

Dahan dahan kong binuksan yung pinto, nakita ko syang nakahiga,

"Sis? Are you okay?" Tanong ko sa kanya

"Yeah Kuya im fine" mahina nyang sagot, umupo ako sa gilid nang kama nya, kinapa ko yung noo nya, hindi na mainit, magaling na nga sya,

"Hindi ka ba papasok?" -Ako

"Can I skip? Pwede bang sa Monday nalang ako papasok?" -Eryl

"May problema ba? Hindi kapa nagkwekwento sakin" -Ako

"Wala Kuya, gusto ko lang mag relax tsaka wala namang gagawin kasi malapit na Intrams" -Eryl

"I don't believe na yun yung dahilan, it's about Jam and his Ex right?"

Hindi sya sumagot

"C'mom sis I know you, I know when youre sad, I know when youre happy and I know when youre hurt, kaya hindi ka makakapag lihim sa akin"

"It's nothing Kuya, Kahit naman bumalik si Natalie wala pa ring magbabago sa amin ni Jam, mahal nya ako at alam ko hindi yun magbabago dahil lang bumalik si Natalie"

"Ganun mo ba sya kamahal para paniwalain mo yung sarili mo sa mga bagay na alam mong hindi totoo?" Tanong ko sa kanya, pwede nyang lokohin lahat nang tao pero hindi ako, sa mga oras na to kitang kita ko sa mga mata nya na iba yung sinasabi nya sa nararamdaman nya,

"Kuya please wag na muna natin sila pag usapan, gusto ko magrelax"-Eryl

"Then,lets go to the mall, bibili ako nang sapatos para sa itrams" -ako

"Ok sige,maliligo lang ako"-Eryl

"Ok hintayin kita sa baba, and by the way sis sorry about last night, I didn't mean to scold you"

Sa lahat kasi nang ayaw ko yung nagagalit sa kanya, ayaw kong matakot sya sakin o maging usual na mag Kuya, mas gusto ko yung aside from kuya mag bestfriend din kami,

"It's ok, kasalanan ko, by the way, Kuya can I ask you something" -Eryl

"Ano?" -Ako

"Pwede ba tanggalin mo yan sa harap nang bintana ko, mula nang dumating yan dumilim na yung kwarto ko" -Eryl

Tumawa lang ako, hanggang ngayon kasi hindi nya pa alam kung saan nya ilalagay yung Hello Kitty na pasalubong ko sa kanya galing Japan,

"It's yours sis,not mine, hindi ko na problema kung san mo ilalagay yan,"-Ako

Nakita kong sumingangot sya kaya lalo akong tumawa, at lumabas sa kwarto nya, pero bago ako lumabas

"Don't worry sis, pag uwi natin wala na yan,bilisan mo,dapat 15mins naka baba ka na,"-Ako

"Talagang matatapos ako nyan kapag hindi kapa umalis sa pinto ko!"-Eryl

Lumabas na ako at dumiretcho sa kwarto para makapag palit, nag suot ako ng light blue na tshirt tsaka black short, hindi naman masyadong malayo yung mall tsaka may kotse naman kaya kahit naka pambahay lang, pag baba ko nasa sala na si Eryl, kung yung ibang babae inaabot nang 2 oras sa pag aayos ibahin nyo yung kapatid ko, kaya nyang mag ayos in 10 mins, naka pink syang hello kitty na shirt tsaka maikling short na white tapos naka pink rubber shoes, naka cap sya na white, simple lang pero ang ganda pa rin nya tingnan,

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon