SPECIAL CHAPTER: BEAUTIFUL LIFE, SORROWFUL LOVE

4.9K 97 26
                                    

THE BEAUTIFUL LIFE

ERYL'S POV


Kapag ako nag mahal totoo, walang biro, seryoso. Pero minsan kahit gaano tayo ka seryoso mag mahal, may darating sa buhay natin na magpapabago ng pananaw natnin pag dating sa pag ibig. Isang taong susubok kung gaano tayo katatag bilang tao. Isang taong sobra nating minahal, kaya sobra din tayong nasaktan. Pero bukod sa taong yun, may isang tao pang darating. Isang taong magbabalik ng paniniwala natin kung gaano ka magical ang love.

Kung iisipin ang perfect nang araw na to. Pag gising ko text agad ni Kuya Earl yung nabasa ko.

"Princess uwi kana. Miss na kita."

Tapos, nakausap ko si Lolo. Pupuntahan namin yung babae sa panaginip ko. Nakausap ko din si Mommy at Daddy, pati si Kuya Martin. May surprise birthday party daw sila next week kay Kuya Earl. Feeling ko talaga masaya yun. Hate na hate kasi ni Kuya Earl yung mga party. Aksaya lang daw kasi sa oras.

Isa pang nag pa perfect sa araw na to ay yung kasama ko yung mga kaibigan ko. Yung mga taong pinaka malalapit sa puso ko. At higit sa lahat, kasama ko si Rex. Yung taong hindi ko inaasahang mahalin, pero minahal ko. Yung taong nagging dahilan kung bakit ako naniwala uli sa salitang "pag ibig".

Pero may kapalit pala yung perfect na araw na to. Kaya pala perfect tong araw na to dahil ito na ring ang huling araw na makakasama ko sala. Eto yung huling araw na makaka usap ko sila. At eto na rin kung mga huling ala-alang maiiwan ko sa kanila.

Bago yung aksidente, akala ko handa na akong mawala. Akala ko handa ko nang harapin si "Death". Pero nung nasa sitwasyon na ako kung saan isang hakbang ko na lang nasa kabilang buhay na ako, bigla akong natakot. Bigla kong nakita yung mukha ni Mom, ni Dad, ni Lolo, ni Kuya Martine, ni Kuya Earl. Mukha ng mga kaibigan ko. At higit sa lahat, yung mukha ni Rex.

"No! Wag muna! Please give me time para kausapin sila. Kahit saglit lang." bulong ko sa isip ko.

Nang mga sandaling yun alam ko hanggang dito na lang ako. Pero bago ako tuluyang umalis, kailangan kong gawin to. Dahil kung hindi, magugulo yung buhay ng mga taong mahal ko.

Pagmulat ng mata ko, kulay pula yung paligid ko. Dugo! Umaagos na dugo mula sa ulo ko.

"Reexxx" sambit ko sa pangalan nya. Kailangan nyang makaligtas. Hindi pwedeng dalawa kaming mawala.

"Shhhh...She's fine Ryl. Nasa ospital na sya." Sagot sakin ni Jam.

Oo si Jam! Si Jam na unang lalaking minahal ko.

Nang makita ko yung mukha nya, parang bumalik sa akin lahat nang masasaya at masasakit na ala ala. Ganun yata talaga kapag malapit ka nang kunin ni "Death". Maalala mo lahat ng mga significant na nangyari habang nabubuhay ka.

"Thanks! Tell him I love him so much!" sabi ko. Alam ko kasing hindi na kami magkikita. Pero kahit ganun, masaya ako dahil mukha ng unang lalaking minahal ko yung huli kong nakita.

Gustong gusto nang pumikit ng mga mata ko. Wala nang maramdaman yung buong katawan ko. Ang nararamdam ko na lang yung bagay na nakasaksak sa tagiliran ko. At yung pag agos ng dugo sa mga paa ko.

"Jam..call Kuya please." Pakiusap ko.

Syempre magtatampo yung kuya ko kung hindi sya yung huling taong makakausap ko. Yung Kuya ko na nag alaga sa akin simula nung ipinanganak ako. Yung Kuya ko n over protective. Yung Kuya ko na hindi na nagka girlfriend sa kakabantay sakin.

''WHAT HAPPENED TO MY SISTER?'' sigaw nya.

Sabi ko na nga ba galit na naman sya. I know my brother very well. Alam ko na sa nangyaring to sisisihin nya lahat sila. Pero higit sa lahat sisisihin nya yung sarili nya.

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon