CHAPTER 33: STAY WITH ME

7.1K 152 4
                                    


ERYL'S POV

"Kamusta ka Besty" tanong sakin ni Ricka pag upong pag upo namin, parang akala mo hindi nya ko dinadalaw sa bahay eh,

"Ok lang, medyo magaling na"

"Mabuti naman, nga pala alam mo ba trending dito sa campus yung pinost mo na picture nyo ni Rex"

"Oh? Talaga? Bakit naman" Nagtrend yun? Tsk tsk tsk mga tsismoso nga naman.

"Oo, bagay daw kayo, tsaka alam mo ang sabi nila ikaw lang daw ang kaisang isang babae binigyan nang atensyon ni Rexel Ayala! Ang dami ngang nag cocoment na bagay daw kayo, kayo na ba"

Isa pa tong tsismosa, kaibigan ko ba talaga toh?

"Nope! Were just friends, magkaibigan lang kami,"

"Weh! Di nga? Baka namang ayaw mo lang aminin"

Kita mo toh! Magtatanong tas di maniniwala!

Ang totoo nyan, simula nung araw na nagtapat sya pinilit ko munang iwasan sya, kaya nga kay Kuya ako sumabay kanina. Ayaw ko kasing paasahin sya sa isang bagay na hindi sigurado,

Ayokong umaasa sya na mamahalin ko sya kasi ang totoo nyan, aminin ko man o hindi mahal ko pa rin si Jam, nilalabanan ko lang yung nararamdaman ko kasi mas nangingibabaw yung sakit na ginawa nya kesa sa pagmamahal ko,

Ayoko rin namang gawing rebound si Rexel dahil hindi sya deserving para dun,

ang dapat sa kanya yung taong mamahalin sya nang buo at totoo, at sa ngayon hindi ako yun.

"Ms.Madrigal are you sure your okey?" Nagulat ako sa tanong ni Ms.Lim, kanina pa ba ako kinakausap nito?

"Yes Maam! I'm sorry, I'm just thingking about something"
Nakakahiya, lutang na naman ako.

"Ok, as I was saying after this class you have to go to Mr.Villanueva's office, he's looking for you"

Patay! Anu na naman kayang kailangan nang baklang yun, kung hindi nyo pa alam, sya rin ang Dean nang ACAD.

After class dumiretcho na ako sa office ni Mr.V, gusto pa ngang sumama ni Ricka kaso dumating yung ate Danicka nya kaya pinauwi ko na. Pagpasok ko walang tao, mukhang di pa tapos yung klase nya. Naghintay ako saglit, after 30 minutes may pumasok, as in pasok talaga! Walang katok katok,

"Kuya?" Sabi ko nang makita yung kuya kong palahura, kasunod nya si Rex tsaka si Jam at Natalie, pareho kaming natigilan ni Jam nang makita namin yung isa't isa, Para syang pumayat tsaka parang naging wasted yung mukha nya. Agad akong hinila ni Kuya papunta sa kabilang dulo nang couch, nasa kabila naman si Jam at si Natalie na kung maka hawak wagas, parang akala mo nanakawin ko si Jam.

"Why are you here?"tanong ni Kuya, malamang hindi ko alam,

"I don't know, kayo anung ginagawa nyo dito?" Kay Rex ako nakatingin, sa ilang araw na di kami nagkita namiss ko tong mokong na toh, siguro nasanay na rin akong parati ko syang kasama.

Hindi sya sumagot, malungkot yung mukha nya,napansin ko ding may sugat sya sa labi, wala pa naman yan nung huli kaming nagkita.

"Napano yan?"tanong ko

"Nabangga daw nang kotse sis, Oo ka na lang" sarcastic na sabi ni Kuya

"Ang daldal mo talaga Master"
sabi ni Rex, napatawa naman ako.

Hindi sinasadya napatingin ako kina Jam, nagtama yung mga namin, sinadya kong wag lagyan nang emosyon yung tingin ko para ipaalam sa kanya na sobra akong nasaktan sa ginawa nya, nakipagtitigan ako sa kanya at tulad nang inaasahan sya unang nag iwas nang tingin, lalabas sana sya kaso pag bukas nya nang pinto sakto kaharap nya si Mr.V kaya hindi sya natuloy.

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon