ERYL'S POV
"Jam can we talk? Yung tayo lang"
Yan agad yung bungad ko pag pasok ko sa HQ nila, mukhang nag uusap silang lima pagdating namin, Napansin ko din na may papel syang itinago sa bulsa nya, anu kaya yun,Bago lumabas sila Third tinapik muna yung balikat nya, ganun din yung ginawa ni Brix at Brent maliban kay Ivan na dirediretcho sa labas, alam ko hindi sila aalis, dyan lang yan sa labas,
"Now explain!" Bungad ko sa kanya, pero tahimik lang sya,
"Im sorry!" Yun lang yung sinabi nya
"Sorry? Yun lang? Pagkatapos nang lahat nang nangyari Sorry lang yung sasabihin mo sakin?"
"Anong kasalanan ko sayo Jam para saktan mo ko nang ganito? May nagawa ba ako? May pagkukulang ba ako? Ano sabihin mo! Ipaintindi mo sakin kung saang parte nang relasyon natin ako nagkamali" hindi ko na naman napigilang umiyak, bumabalik na naman yung pagiging Eryl iyakin ko,
"Wala Ryl wala! It's all my fault, nagpabulag ako sa galit ko, hindi ko pinakinggan yung puso ko, natakot akong ipakitang mahal kita kasi baka iwanan mo rin ako" -Jam
"Iwanan? For almost 8 years minahal kita! From the day we first met! Tapos kung kelan naging tayo saka kita lolokohin, don't you think it's so stupid Jam"-Ako
Nakita kong naguluhan sya, hanggang ngayon kasi hindi nya alam na ako si Monkey Girl na sinalo nya noon,
"Sinayang mo lang yung pagmamahal ko, minahal kita nang totoo, pinakita ko sayong karapat dapat akong mahalin mo pero pinaglaruan mo lang ako, pinagmukha mo lang akong tanga, pinaasa mo lang ako sa isang relasyong ako lang pala ang nagmamahal, sana sinabi mong laro lang to para handa ako,game naman ako sa kahit anong laro wag lang sa puso kasi alam ko talo ako" -AKo
"I'M SORRY RYL! hindi ko sinasadyang saktan ka, balak ko na talagang totohanin yung satin kung di lang bumalik si Natalie, balak ko namang sabihin sayo yung lahat kaso humahanap lang ako nang timing, " -Jam
"Anong timing ba yung kailangan mo ha Jam? Timing para hindi ako masaktan, walang timing para dun, sana sinabi mo na agad para hindi na ko nagulat nung nakita ko kayong naghahalikan" tinatatagan ko nalang yung loob para masabi yun,
"Im sorry Ryl, alam ko sobra kitang nasaktan, alam ko galit ka sakin kung gusto mo kong sampalin ok lang, kung gusto mo kong bugbugin okey lang tatanggapin ko, wag mo lang idamay si Natalie please ako yung may kasalanan sayo hindi sya, tsaka wala syang alam tungkol satin"-Jam
Hindi ako nakapag salita, ang sakit marinig na ipamukha nya sa akin na si Natalie yung mahal nya at hindi ako, sa totoo lang may parte nang puso ko yung umaasang sasabihin nyang narealize nya na ako yung mahal nya, pero hindi nangyari yun,
"Ok lang, expect ko na naman, wag ka mag alala, wala akong balak gantihan kayo, im here for the closure, So ibig sabihin its official, break na tayo, you're free now! Sana maging masaya kayo ni Natalie"
Pagkasabi nun iniwanan ko na sya sa loob, tumakbo ako palabas nang HQ, paglabas ko bigla akong hinarang ni Rex tsaka niyakap, ganun din yung ginawa nung iba,
So tama ako hindi nga sila umalis,
"Rex I want to go home! I want to rest!" Sabi ko kay Rex na agad naman akong inalalayan papapuntang parking lot,
Gusto kong magwala sa sobrang sakit at galit, gusto kong manakit nang tao, ngayon ko lang to naramdaman sa buong buhay ko, parang gusto kong pumatay nang tao, pero saan ako pupunta?hindi pwede sa UG maraming bantay dun sila kuya, biglang pumasok sa isip ko yung isang lugar, tama!
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORY
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sa dinami dami nang taong mamahin mo...