CHAPTER 47: WHEN FRIENDSHIP WINS

6K 138 4
                                    



ERYL'S POV

OSAKA, JAPAN

One week na akong bored dito sa bahay, wala akong magawa, wala akong makausap at wala akong kasama kundi yung mga house maid naming na puro naman Japanese ang alam na salita. Lahat kasi sila may kanya kanyang lakad, pati si Kuya Earl na wala namang alam sa kumpanya, may pinupuntahan, ewan kung saan nagpupupunta yun, basta parating ako na lang yung naiiwan dito. Dapat talaga hindi ako sumama dito, edi sana kasama ko si Rex ngayon, nag gagala kung saan saan, mabuti nalang may skype kaya kahit paano nagkakausap kami, miss na miss ko na yung mokong na yun. kung bakit pa kasi ako sinama ni LOLO dito, wala naman pala akong gagawin. Paranoid lang talaga tong lolo ko, alam naman nyang kaya kong ipag tanggol yung sarili ko if ever na may manggulo sa Pilipinas.

DING....DONG... DING....DONG.... DING.....DONG....

AMP! Sino yun? Ginawang keypad yung doorbell namin. Kung maka pindot wagas.

''SANDALI LANG!!!!!!'' asan ba mga tao dito sa bahay namin? Sa dami nang mga kasambahay dito kahit isa wala akong makita.

''HI!!'' nagulat ako nang pag bukas ko nang gate si Natalie yung nasa labas.

''HELLO! Anong ginagawa mo dito? Wala si Kuya Martin ngayon'' sagot ko sa kanya,.

''Ah hindi si Martin yung sadya ko, ikaw talaga, actually sya yung nag papunta sakin dito, kasama nya ngayon yung Dad ko, pinaki usapan nya akong sumama dito sa Japan, tsaka ditto muna mag stay sa inyo,ok lang ba sayo?'' Tanong nya, ngayon ko lang napansin na may dala syang maleta.

''Ah, ok sige... sige... pasok ka'' binuksan ko yung gate at pinapasok sya, tinulungan ko syang buhatin yung mga maleta nya.

Pagpasok naming sa bahay,pinalagay ko sa maid yung mga gamit nya sa guess room, dinala ko naman sya sa Kitchen,

''Anong gusto mong miryenda?'' tanong ko sa kanya

''Wag na, kakatapos lang naming kumain ni Dad kasama yung Kuya mo'' sagot nya

Naglabas na lang ako nang dalawang baso, tsaka nagsalin nang juice, tapos nag punta kami sa sala para mag usap.

''Pasensya kana sa doorbell ko ha, yun kasi yung sabi nang Kuya mo,mantika ka daw kasi matulog''

Natawa na lang ako, kahit kelan talaga yung mga kapatid ko may pagka sira ulo, si Earl, ayaw na ayaw nun na nag papadrive ako sa iba, kaya kung mapapansin nyo parating si BUTLER JOSH o sya yung driver ko, mantika daw kasi ako matulog, nirarape na daw ako, wala pa rin akong alam, tapos si Martin naman eto,, magkaron ka nga naman nang mga kapatid na ganito, ewan ko lang.

''Teka, bakit ka nga pala pinapunta dito ni Kuya?" – Ako

''Sabi kasi nya, bored ka na daw, eh next week pa yung uwi nyo kaya pinaki usapan nya si Dad na kung pwede ako sumama, para may kasama ka.''- Natalie

''Pasensya kana Natalie hah, naistorbo ka pa nang Kuya ko, pero kung may importante kang gagawin sa Pilipinas, kakausapin ko si Kuya na pauwiin ka na'' – Ako

'' NO, it's ok, tsaka gusto ko talagang makasama ka, wala to kung ikukumpara sa mga naitulong nyo sa pamilya naming,wala to kung ikukumpara sa naitulong mo sa akin, tsaka pwedeng NAT nalang yung tawag mo sakin, masyado kasing formal yung NATALIE''

''Ok, so Ryl nalang din yung itawag mo sa akin, tsaka yung ginawa ko, wala yun, ginawa ko lang yung tama, una sa lahat hindi dapat madamay yung pamilya nyo dahil lang sa nasaktan ako,pangalawa hindi naman tama na magpakasal ka for the benefits of your company,tsaka isa pa,pareho lang naman tayong nag mahal nang iisang lalaki, sa magka ibang paraan nga lang''

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon