ERYL'S POV
Dahil sa secret weapon ko
napapayag ko din sila kuya na umuwi at sa bahay nalang magpahinga, pero ang kapalit nagmukhang ospital yung kwarto ko, may doctor at nurse din na napunta dito twice a day para i check ako,Andito ako ngayon sa kwarto nag iisip,kahit kasi 3 day na mula nung magising ako hindi pa rin mawala sa isip ko yung panaginip ko na hindi ko ma alala, basta alam ko may kausap ako pero di ko matandaan kung sino o kung anong pinag usapan namin,
Tok tok tok
Naputol yung pagiisip ko nang biglang may kumatok"Pasok!"
"Kamusta?" Bati ni Rex bago tuluyang pumasok, mula nung umuwi ako araw araw syang nadalaw dito, nagtataka nga ako kung bakit pinapayagan sya ni Kuya pumasok sa kwarto ko, bukod kina Kuya at Dad tsaka Butler Josh sya palang ang nakakapasok sa kwarto ko, kung si Jam nga ni minsan hindi nakatungtung sa gate namin eh,
"Ok lang medyo bored buti dumating ka may ka kwentuhan ako" sagot ko sa kanya,
"Asan sila Master?" Tanong nya
"Ewan kung san nagpunta yung dalawang yun"
Nagpa alam kasi si Kuya Earl, pupunta daw sa U.S, pinapapunta daw nang council, malamang may kasalanan yun, ipapatawag ka lang naman nang council kapag may mission o may kasalanan ka, eh matagal na kaming di natanggap nang misyon kaya malamang kasalanan yun, Si Kuya Martin naman pinuntahan saglit yung opisina nya, pero dito daw sya uuwi mamaya,
"May dala akong gummy bears"
Nagliwanag yung mata ko nung sinabi nyang gummy bears,
Bukod kasi sa pasta, gummy bears yung comfort food ko, aksidenteng nalaman yun ni Rex nung nasa ospital kami,Flashback
Ang tagal naman bumalik nung dalawang yun, bibili lang daw nang pagkain mukhang nagluto pa yata, gutom na ko,"Kuya sundan mo nga sila, baka mamaya niluto na ni Kuya Earl si Rex"sabi ko kay Kuya Martin na nagtetext
"Grabe ka Princess! Baka akalain ni Rex cannibal yung pamilya natin"-Kuya Earl
Sa wakas dumating din sila, kaya pala ang tagal eh, ang dami nilang binili, nag dept store pa sila,
"Ang tagal nyo kasi, para kayong nag date"-Ako
"Pano tong si Rex nag dept store pa! Iwan ko na nga sana"
Sabi ni Kuya habang hinahanda yung mga pagkain, malamang gutom na din sya,Inumpisahan ko namang kalkalin yung mga dala nila, sana meron yung hinahanap ko,
"YES!!!!! MERON!!!! buti nakabili kayo nito, miss na miss ko na toh!"
sabi ko sabay taas nung gummy bears"HOY! HINDI SAYO YAN! KAY REX YAN! ALAM MO BANG YAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT KAMI NAG DEPT STORE" sabi ni kuya, tumingin naman ako kay Rex
"Favorite ko kasi yan, kaso isang linggo na kong di nakakakain kaya nanghihina nako, hindi naman sinabi ni Master na gusto mo rin pala yan"-Rex
"Pasensya! Nakalimutan ko! gutom na kasi ako, tsaka bakit ba gustong gusto nyo yan eh para namang goma yan"-Kuya Earl
"Ang daya mo talaga Kuya! Alam mo namang favorite ko toh"sabi ko sabay balik nung gummy bear sa paper bag,
"Di bale hati nalang tayo, madami naman yan, bibili nalang ulit ako mamaya"-REX
"Talaga? Yehey!!!!" Kinuha ko ulit, bubuksan ko na sana kaso nagsalita si Kuya,
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORY
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sa dinami dami nang taong mamahin mo...