CHAPTER 61: 7 MONTHS LATER

5.1K 113 0
                                    




NATALIE'S POV

Ang bilis lumipas nang panahon. Akalain nyo yun. 1 year anniversary na ni Brent at Ericka next week. Si Eryl at Rex naman next month one year na rin. Simula nung nagpasukan parang ang bilis lahat nang pangyayari. Tinanggap ni Eryl yung offer ni King na maging Student Council President kaya sya na ngayon ang President nang SC, tinutulungan namin sya ni Ericka. At tama nga si King, mas naging disiplinado yung mga taga ACAD. Takot lang nila kay Eryl pag di sila sumunod. Sila Third naman nasa basketball team pa rin kasama sila Rex at Jam, at kung last year na disqualified sila sa game dahil sa gulo, this year sila ang champion. Si Earl naman nag quit na sa basketball team, pumapasok pa rin naman sya sa klase pero madalas syang wala. May pinapagawa daw sa kanya si Martin. Inaantay nya nalang yung graduation para formal na syang makapasok sa company nila. Yung iba ganun pa rin. Si Ivan at Brix naman mga single pa rin. Wala pa ring nahahanap na seryosong girlfriend. Naiinis na nga si Eryl sa kanila kasi iba iba na lang parati yung pinapakilala nilang babae.

Tungkol naman sa mga lovers, so far so good. Going strong naman kaming lahat. Minsan hindi maiiwasang mag katampuhan lalo na si Brent at Ericka, pinagsamang pikon at alaskador ba naman eh. Pero naaayos naman kaagad.

''So guys anong plano sa anniversary nyo?'' tanong ni Ivan kina Brent at Ericka.

Andito kami ngayon sa loob nang cafeteria. Nag lulunch. Dahil sa busy kami sa kanya kanya naming activities bibihira nalang mangyari na makapag lunch kami nang kumpleto.

''Bakit nakikiplano ka? Syempre sa aming dalawa lang yun'' sagot naman ni Brent.

''Ang damot nyo naman. Ayaw nyo mag celebrate kasama namin'' –Ivan

''Kaming dalawa kaya yung may anniversary, hindi naman tayo kaya bakit namin ishashare'' –Ericka

''Kahit na! dapat dahil magkaka ibigan tayo share share tayo sa celebration'' –Ivan

''Hindi!! Anniversary naming yun kaya kami lang yung mag cecelbrate'' –Brent

''Damot! Kayo Rex saan nyo icecelebrate yung anniversary nyo'' tanong nya kay Rex na katabi si Eryl habang sumusubo nang spagettie.

''Hindi pa naming napag iisipan eh pero siguradong hindi ka naming iisama'' sagot ni Rex.

''Pati ba naman kayo? Akala ko pa naman iba kayo ni Eryl, yung pala ganun din kayo... madamot!!!'' sabi ni Ivan na kunwari'y nagtatampo. Nagtawanan naman kaming lahat.

''I have an idea guys, what if we go on a vacation. Since magkalapit lang yung anniversary nyo nina Eryl what if pag isahin nalang natin yung celebration'' –Brix.

Nagtinginan kaming lahat. Bakit nga ba hindi, malapit na rin naman yung Christmas Vacation, pwede kaming magbakasyon kahit isang linggo, break na rin kasi masyado na kaming busy.

''Pwede.. pero saan naman?'' –Eryl

''Di ba may Resort kayo sa Batanggas Ivan? Pwede ba tayo doon?'' –Brent

''OO naman. Anytime pwede tayo dun, isang text ko lang ipapasara na agad nila yun resort'' –Ivan

''OA mo Ivan huh! Pwede namang hindi ipasara dib a?'' –Eryl

''Mas Ok na yun para solo natin yun resort'' –Ivan

''Ok sige doon na lang tayo. So set na huh sa Christmas Break. 1 month from now. Walang hindi sasama huh! Uupakan ko kayo'' –Jam

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon