CHAPTER 66: THE BROKEN DEMON

7.1K 115 5
                                    



Earl's POV

"NO! Hindi ako babalik ng Pilipinas!!!" mariin kong sigaw kay Dad. Last week pa kasi nila ako kinukulit na bumalik ng Pilipinas para I handle yung business ni Martin. Nasa UK kasi si Kuya Martin para i handle naman yung negosyo ni Lolo. And speaking of Lolo he's in the Japan right now. Simula kasi nung mawala si Eryl, hindi na rin sya bumalik nang Pilipinas.

"But Earl, you have to face it. She's gone. Wala na si Eryl at hindi natin yun mababago kahit buong buhay mo hindi ka bumalik ng Pilipinas." Sabi ni Dad.

''No! Dad! Don't push me! Hindi ako babalik ng PIlipinas no matter what!" sabi ko sabay talikod sa kanilang dalawa ni Mom.

"Ayaw mo bang makita yung puntod ng kapatid mo? At isa pa yung pinapahanap naming sayo nahanap mo na ba?'' tanong ni Mom.

"Hindi!!! At wala akong balak hanapin sya. Kay Dad na rin nanggaling, wala na si Eryl. So its useless kahit mahanap pa natin yun. Hindi na nun maibabalik yung kapatid ko.'' cold kong sagot bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko.

It's been 3 years yet seems like yesterday. Parang kahapon lang kasama ko pa sya, parang kahapon lang pinapagalitan ko pa sya sa mga kapilyahan nya. Ngayon puro ala-ala na lang yung meron ako. Ala-alang kahit gaano katagal hindi na mabubura.

FLASHBACK

3 YEARS AGO....

Past 11pm dumating ako sa bahay galing sa HQ namin nila Fred. Expected ko nasa bahay na si Eryl, ang sabi kasi nila before midnight nakauwi na sila. Pero pag dating ko si Butler Josh ang sumalubong sa akin.

''Butler Josh, kumain na ba si Eryl?'' tanong ko sa kanya.

''Hindi pa po dumadating si Lady Eryl, Master Earl" sagot naman nya habang hinihanda yung pagkain ko.

''What? Paanong wala pa? kanina pa sila nag text na on the way na sila pabalik ng Manila bakit hanggang ngayon wala pa."

Sinubukan kong tawagan yung cell phone nya pero ring lang ng ring, pati na rin yung cell phone ni Rex. Nagsimula na akong kabahan. Ngayon ako nag sisisi kung bakit hindi ko kinuha yung number ng mga kasamahan nila kaya wala tuloy akong matawagan.

"Josh! Kontakin mo yung mga kasamahan nila Eryl, itanong mo kung nasaan na sila."

''Yes Master Earl!''

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla akong kinabahan, pagtayo ko bigla kong natabig yung basong may lamang tubig kaya nabasag. Lalong nadagdagan yung kaba ko. napatingin ako sa portrait naming tatlo na nakasabit sa pader. Napako yung tingin ko kay Eryl na nasa gitna naming ni Martin. I felt something strange, may mali, may hindi tama.

"Master Earl!!" tawag ni Butler Josh habang humahangos. Hindi ko alam kung saan sya galing pero alam kong tumakbo sya.

"Si Eryl na ba yan?'' tanong ko sabay abot ng telepono.

"Hello..Eryl?'' bungad ko.

''Earl" lalaki yung sumagot. Boses palang alam ko ng si Ivan Monteverde yun.

''Why? What happened?''

''Earl...si Eryl..'' halata sa boses nya na umiiyak sya.

"BAKIT? ANONG NANGYARI SA KAPATID KO? sigaw ko, pero puro iyak na lang yung narinig ko.

''ASAN KAYO?"

"Monteverde Medical" sagot nya. Pagkarinig kong ospital alam ko nang may hindi magandang nangyari.

Agad kong binaba yung phone at tinawagan si Fred para samahan ako papuntang Batanggas. Habang nagmamaneho nag ring yung phone ko. hindi ko sana sasagutin pero nung nakita kong number ni Eryl yung tumatawag agad kong hininto yung kotse para sagutin.

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon