REX'S POV
Isa isa nang nagdadatingan yung mga bisita sa simbahan, handa na rin kami. Ako, si Brent,si Third ,si Ivan si Jam at si Brix. Yung bride na lang yung hinintay na dumating. Maya maya sumensya yung coordinator na andyan na yung bridal car. Pumwesto na kami. Isang isang pumasok yung mga kasali sa entourage. Pinaka huli yung bride.
Habang nag lalakad sya papuntang altar, lahat nang tao sa kanya nakatingin, bakit nga naman hindi, sya yung pinaka maganda ngayong araw na to. Habang tinitingnan ko yung mga mata nya, kitang kita ko kung gaano sya kasaya, makikita mo kung gaano nya kamahal yung taong papakasalanan nya.Eto yung matagal na nyang pinapangarap, matagal na nyang hinihiling, kaya naman lahat nang tao masaya para sa kanya sa araw na toh, lahat nang tao maliban sa akin. Kung sana andito yung taong gusto kong makasama habang buhay baka sumaya pa ako, kung sana binigyan din kami pagkakataon kagaya nito, baka sumaya din ako. Kaso hindi eh.. wala sya dito... wala sya sa tabi ko. at kung pwede lang hindi pumunta dito, hindi ako pupunta. Kaso kasal ni Jam at Natalie .. wala na nga si Eryl.. mawawala pa ba ako.
It's been 3 years since that accident happened, nag sisisi pa rin ako kung bakit ako nagising. Sana hindi na lang ako gumising, kung sa pag gising ko wala ka na. kung sa pagbalik ko sa mundo hindi na kita kasama.
FLASHBACK
''Gummy bear!!! Gising na!! ang tagal mo nang tulog,,, namimiss ka na nila...'' tawag sakin ni Eryl. Alam ko si Eryl yun dahil sa boses nya, pero hindi ko sya makita, puro puti lang yung nakikita ko.
''Gummy...bear...'' sabi ko habang dahan dahang nag mulat nang mata. May nakita akong babaeng natutulog sa tabi ko.
''Gummy bear....'' Sabi ko sabay hawak sa ulo nya, pag angat nya si Mom pala.
''Thank God Rexie gising ka na!'' mangiyak ngiyak na sabi ni Mom. Bakit ilang days na ba akong tulog?
''Mom? Si Eryl? '' agad kong tanong sa kanya nang maalala ko kung bakit ako andito. Hindi agad sya sumagot.
''Mom? Wheres Eryl?'' ulit ko, pero iba yung sagot nya.
''Sandali lang Rexie,... tatawag ako nang doctor'' sabi nya pagkatapos lumabas nang kwarto. Hinanap ko agad yung phone ko para tawagan si Eryl pero hindi ko makita.
Pagbalik ni Mom may kasama na syang dalawang nurse at isang doctor.
''Hes ok.. maganda yung response nang katawan nya sa mga gamut. He need more rest and pwede na syang ma discharge'' sabi nang doctor pagkatapos I check yung mga sugat ko.
''Mom? I'm asking you,, where's Eryl?'' tanong ko ulit.
''She's fine Rex., don't worry, basta mag pagaling ka muna. In 3 days pupuntahan natin sya.'' Sabi ni Mom. Na relieve ako nung marinig kong ok sya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nalaman kong wala na sya.
''Can I borrow your phone Mom? I want to call her or puntahan na lang natin? Anong room ba sya?'' –Ako
''No Rex, you can't visit her. Nilipat sya nang ospital ni Earl'' nagulat pa ako nang biglang magsalita si Jam. Kasunod nya sila Ivan at Brix.
''Guys.... Mabuti nag punta kayo.. kamusta?'' tanong ko sa kanilang tatlo.
''Wag kang mag alala., ayos lang kami. Ikaw ang magpagaling kasi kailangan mong puntahan si Eryl'' sabi ni Jam. Napansin kong tahimik lang si Ivan at Brent na very unusual.
''Oo nga eh, namimiss ko na nga, saan ba sya naka confine? Malamang nagalit si Earl noh? Ok lang ba sya? Nadalaw nyo ba?'' sunod sunod kong tanong, pero si Jam lang yung sumasagot.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORY
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sa dinami dami nang taong mamahin mo...