CHAPTER 49: THIRD'S PARTY

5.7K 148 6
                                    


  Ivan's Pov  

Sarado ang buong Empire, dito kasi namin naisipang ganapin yung birthday ni Third, bukod kasi sa kulang na yung oras naming sa paghahanda, masyado ding maraming nangyari nitong mga nakaraang araw, lalo na kina Jam at Rex kaya hindi na kami naka pag plano mabuti. Mabuti na nga lang at nag kayos yung dalawang yung bago dumating tong araw na toh, dahil kung hindi malamang tatamarin narin mag celebrate si Third.

Maliban sa aming anim at kay Ericka, invited din lahat nang nakakakilala sa amin, pati yung mga subordinates namin sa ibang school nagsipag puntahan., bukod kasi sa madaming chicks chance na rin nila to para makakilala sa gangster world. May mga invited din na banda, sikat man o nag uumpisa basta napagtipan ni Third iniinvite nya.

''Nakita mo si Rex?" tanong sakin ni Brent, oo nga kanina ko pa hindi nakikita yun, malamang nag mumukmuk na naman.

''Hindi eh, Baka nag tinatawagan na naman si Eryl' –Ako

''Ewan ko ba dun, parang mamamatay kapag hindi naka usap si Eryl'' –Brent

''Intindihin mo na, pumapag ibig eh, ikaw asan yung pag ibig mo?" –Ako

''Umalis saglit, may pupuntahan daw, ayaw nga mag pasama eh'' –Brent

''Kita mo na, ikaw nga din ayaw mo malayo kay Ericka, eh yan sino naman yung tinatawagan nyan?" tanong ko sabay turo kay Jam. Kanina ko pa kasi sya nakikitang may kinakalikot sa cellphone nya.

''Baka si Nat. Nag rereklamo na rin kasi sya, hindi daw sya tinatawagan ni Nat'' –Brent

''Mga pa chicks kasi sila, si Rex ayaw ligawan si Eryl nung andito kasi ang daming dahilan, si Jam naman ayaw pansinin si Natalie, tapos ngayong nawala sa paningin nila mag hahabol sila. Mukhang mga gago lang di ba?" –Ako

''Loko ka marinig ka nang dalawang yan, gusto mo na namang mag sanib pwersa yan sayo?'' sabi ni Brent habang tumatawa.

''Kaya ikaw wag pa chicks kay Ericka, may isang buwan ka nang nanliligaw hindi ka pa rin sinasagot, kung ako yan matagal na yung tatlong araw'' –Ako

Totoo naman kasi, never pa akong nanligaw nang mahigit sa 3 araw, lahat nang mga nagging gf ko titig palang napapasagot ko na.

''Gago, tulad mo naman si Ericka ko sa mga babae mo, tsaka ayos lang na hindi nya muna ako sagutin para kahit papano na aasar ko pa rin sya, kapag naging kami baka mamaya pag inasar ko breakan agad ako'' –Brent

And speaking of babae maya maya may biglang lumapit sa amin na isang babae, medyo matangkad, at sexy, kahit medyo madilim yung paligid, halata kong maputin sya, syempre expert ako dyan, kulang blonde yung buhok pero syempre alam ko din hair color lang yun.

''Hi'' bati nya sa amin.

''Yes lady, what can we do for you?" –Ako

''Uhhmmm....wala naman, I just wanna dance with you... kung ok lang'' sabi nya habang nag papa cute, syempre tatanggi ba naman ako?

''Yun lang pala eh, it's my pleasure to dance with a gorgeous like you'' sagot ko naman.

''How about you handsome'' sabi nya sabay hawak sa pisngi ni Brent, agad namang umiwas si Brent.

''Kayo na lang baka makalmot ako nang pusa ko'' sagot nya sabay alis, tumawa naman ako nang malakas bago dinala sa dance floor si Blondie.

Habang nagsasayaw kami ang dami nyang tinatanong sa akin, mostly mga personal questions like family, and love life. Asa naman syang sagutin ko sya nang matino. Sa lahat nang ayoko yung nag bibigay nang personal information sa kung sino sino, bukod sa b Empire at sa family ko wala nang nakakakilala sa tunay na ako.

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon