CHAPTER 54: UNTOLD FEELINGS

5.7K 124 7
                                    

CHAPTER 54: UNTOLD FEELINGS

ERYL'S POV
It's been 2 months simula nung maging kami ni Rex, at hindi ko yun pinagsisihan, simula nang sagutin ko sya mas lalo syang naging sweet,at maalaga, at mas matindi sya kay Kuya sa magiging over protective. Nung Christmas formal ko na syang pinakilala kina Mom, as expected hindi na sila nagulat.

FLASHBACK

DEC.25 2015 7:00 PM

Ngayon yung usapan naming magdidinner sila dito sa bahay kaya naman nagpahanda ng bonggang bongga si Mom. Sakto naman dahil nandito din si Kuya Martin at Lolo.Nasabi na sa akin ni Kuya na nakita na nila si Dad sa ospital after nung Hades Mansion pero hindi nila ito nakausap at nung nalaman nilang si Mom at Dad ang King and Queen ng Mafia, napagtanto nila na si Lolo si Bloddy Andrew ng Mafia kaya naman sigurado akong magugulat silang lahat.

Unang dumating si Ivan. Naabutan nya ako sa sala na nag aayos ng mga naiwang regalo sa Chrismas Tree.

"Meron ba ko dyan Ryl?" tanong nya. Sasagot sana ako kaso naunahan ako ni Kuya na pababa sa hagdan kasunod si Kuya Martin.

"Makikikain ka na nga, nanghihingi kapa ng regalo. Kalabisan na yata yan" –Kuya Earl.

"Hindi naman Boss Earl. Baka lang meron" –Ivan

"Wag kana ng umasa" sagot ni Kuya sabay diretcho sa kusina. Andun si Mom kasama si Manang. Pag ganito kasing may handaan si Mom mismo nagluluto.

"Eryl yung kapatid mo ba pinaglihi sa sama ng loob?" pabulong nyang tanong sa akin.

"Pag narinig ka nyan yari ka naman!" natatawa kong sagot sa kanya. Ewan ko ba, pero sa kanilang lahat kay Ivan pinaka masungit si Kuya, siguro kasi dahil sya ang pinaka maingay at yun ang ayaw na ayaw ni Kuya.

Ilang sandali pang lumipas nagsidatingan na din yung iba. Sa garden ko muna sila dinala kasi hindi pa handa yung hapunan. At kagaya ng dati wala na naman silang ginawa kundi mag ingay.

"Eryl ang laki pala ng bahay nyo noh?" comment ni Brent.

"Oo Hon, alam mo ba nung una kong punta dito naligaw pa ako" sumbong naman ni Ericka.

"Paanong di ka maliligaw eh wala ka naman talagang sense of direction. Pag sinabing kaliwa, kakanan ka. Di ko alam kung nang aasar ka o talagang hindi moa lam ang kaliwa sa kanan." –Ivan

"May sinasabi ka Ivan?" tanong ni Ericka habang masama yung tingin kay Ivan.

"Wala. Sabi ko malaki nga tong bahay" sagot naman ni Ivan.

Maya maya bigla kaming tinawag ni Butler Josh.

"Lady Eryl handa na po yung hapunan"

"Ok Butler susunod na." sagot ko sabay yaya sa kanila sa main dining room. Eto yung dining room na bihira namin gamitin kasi masyadong malaki.

"Tamang tama gutom na ..." Biglang natigilan si Ivan ng makilala nya kung sino yung mga nakaupo sa mesa.

Si Lolo sa gitna,sa kanan nya si Dad katabi si Mom, si Kuya Martin at Kuya Earl. Bakante naman yung kabilang side kasi doon sila uupo. Kami ni Rex sa tabi ni Kuya Earl.

"Oh bakit natigilan ka? Diba gusto mo ng kumain?" pang aasar ni Kuya Earl. Namumutla na kasi si Ivan sa pinaghalong takot at pagkapahiya.

"Ahh hindi po. Busog na busog po ako" –Ivan

"Eryl bakit di mo naman sinabing Royal Dinner to. Hindi ako handa." Bulong nya sa akin. Natawa lang ako. Pati si Lolo natawa din.

"Ayos lang Hijo. Nagugutom na din ako kaya maupo na kayo" –Lolo. Pagkasabi nun ni Lolo umupo na sila sa kabilang side. Ako naman nasa gitna ni Kuya Earl at Rex,

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon