CHAPTER 58: Coming Back

5K 112 0
                                    



NATALIE'S POV

Naging successful naman ang operasyon ni Ericka, halos mahigit 12 hours kaming naghintay sa labas nang operating room,, buti na lang at positive naman yung naging resulta, at dahil sa high tech na medication device na gunamit ni Dr. Claud sa kanya, naging mabilis rin yung nanging recovery nya, nakatulong din yung sobrang pagkamiss nya kay Brent kaya nagkaroon sya nang motivation na gumaling agad. After 3 weeks nakabalik na kami nang Pilipinas. Past 9am nakarating na kami sa NAIA 3, sa airport pa lang sinundo na kami nila Rex at Brent. Halata sa mukha nila na may tampo pa rin sila kina Ericka at Eryl, pero nawala lahat yun nang makita nila yung dalawang lumabas galing sa arrival area. Agad na lumapit si Brent kay Ericka, ganun din yung ginawa ni Rex.

''Nget anong nangyari sayo? Bakit parang pumayat ka? Tsaka ang putla mo?'' tanong ni Brent kay Ericka.

Totoong pumayat si Ericka, hindi pa kasi sya pwedeng kumain nang kung anu-ano, may mga ipinagbabawal pa sa kanya na kainin o gawin kasi nga bago yung liver nya.

''Ikaw din Gummy Bear, pumayat ka rin? Ano bang ginawa nyo sa UK ha?'' tanong rin ni Rex.

Si Eryl naman kaya medyo pumayat kasi sya yung nagbantay kay Erick all through out, andun din naman yung Kuya ni Ericka pero si Eryl talaga yung umasikaso nang mga needs nya, kaya sya siguro. Muntik na naman nga silang mag away nang Kuya nya dahil dun. Napupuyat kasi sya tapos minsan nalilipasan pa nang gutom. Gusto ko sana syang tulungan ang kaso may inaasikaso din kasi akong kumpanya.

''Guys.. ok lang kami OK? Tataba rin ulit kami kasi andito na kayo.. we miss you guys...'' sagot ni Eryl sabay yakap nang mahigpit kay Rex. Gumanti naman nang yakap si Rex. Para namang naiinggit yung dalawa kaya nagyakapan rin.

''So ganun? Magyayakapan talaga kayo sa harap ko? kakauwi lang natin dito sa Pilipinas iinggitin nyo na naman ako? Parang gusto kong bumalik na ulit sa UK'' sabi ko habang natatawa. Syempre joke lang yun, pero half meant. Naiinggit kasi talaga ako sa kanila, atleast sila may nag abalang sumundo, samantalang ako ni hindi man lang pinag aksayahang sunduin ni Jam.

''Don't worry Nat., may tamang panahon para sayo.'' Sabi ni Brent. Siniko naman sya ni Rex.

''Ano? Uuwi tayo o tutunganga kayo dyan?'' –Earl

Nakalimutan ko, kasama nga rin pala naming umuwi si Earl. As usual bitter na naman sa mga lovers.

''Ang bitter mo talaga Kuya, KJ ka...'' sabi ni Eryl habang naka nguso.

''Ano? Ok fine! Kung gusto nyong mag lambingan sa gitna nang airport sige, mauuna na ako kasi kanina pa ako gutom!'' sagot nya sabay lakad palabas nang airport. Lahat nang masalabong nyang FA o pasahero napapatingin sa kanya. Hindi naman kasi maipagkakailang gwapo talaga sya.

''Tss.. gutom na naman sya, bago tayo umalis kanina sang damakmak yung kinain nyang burger, tapos wala pang 12 hours gutom na naman. Halimaw yata yung tyan ni Kuya'' sabi ni Eryl habang nakanguso. Tumawa naman kami.

''Tara na nga guys.. baka mamaya sa gutom ni Earl tayo ang kainin nyan.'' Sabi ko sa kanila.

Paglabas namin nang airport, sakto andun na rin yung Kuya Enrico at Ate Monicka ni Ricka. Nang makita si Ericka agad nila itong niyakap. Medyo naluha pa nga yung ate nya. Napatingin naman sa amin si Ericka, malamang nag aalala sya nab aka makahalata si Brent. Buti na lang agad din kamalas sa pagkakayakap yung ate nya.

''Are you ok now sis?'' –Monicka

''Of course ate.. I'm very much Ok'' sagot ni Ericka habang nakangiti. Ngumiti na rin yung ate nya.

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon