CHAPTER 35: A QUESTION OF LOVE, A MATTER OF FRIENDSHIP

6.7K 145 3
                                    

CHAPTER 35: A QUESTION OF LOVE, A MATTER OF FRIENDSHIP

REX'S POV
Ang sabi nya kukuha lang sya ng tshirt pero bat ang tagal? Nakaramdam na tuloy ako ng kaba, mahigit 30 mins na kasi hindi pa nabalik si Eryl, malapit lang naman yung HQ, tshirt lang naman yung kukunin nya, pero ang tagal.

Maya maya nakita kong padating si Brent,

"Tol pinabibigay ni Eryl"sabi ni Brent sabay abot ng tshirt.

"Asan sya? Bat ikaw nagdala?"
Tanong ko,

"Ano kasi tol.. ah may pinuntahan saglit babalik daw" sabi nya sakin habang nakayuko, napano toh?

"Saan?bat di nagsabi?"

Saan naman yun pupunta? Tsaka hindi naman ugaling umalis nun nang walang paalam.

"Hindi ko alam, una na ko tol may pupuntahan ako" nagmamadali syang umalis papunta sa direksyon ng HQ.

Alam ko nagsisinungaling si Brent, halatang halata kasi sya at hindi maganda yung kutob ko sa pagsisinungaling nya, I know something happened kaya hindi sya nakabalik.

Sumunod ako kay Brent sa HQ, papalapit pa lang ako naririnig ko nang nagmumura si Third

"Tang inang gagong yun, may sayad na yata sa ulo"

Pagsilip ko nakita kong nakapalibot sila kay Eryl, nilalagyan ni Third ng oitment yung labi nyang may sugat, napansin ko ding namumula yung pisngi nya, pati kamay at braso nya namumula, Biglang nag init yung ulo ko.

"SINONG MAY GAWA NYAN?" lahat sila nagulat, hindi siguro nila mapansin na pumasok ako

"TINATANONG KO KAYO SINO MAY GAWA KAY ERYL NYAN? "nakatingin lang kasi silang tatlo sakin, si Eryl naman nakayuko.

"TANG INA AYAW NYO MAGSALITA HA?"nasuntok ko na yung pader ng HQ

"Wala to Rex, tara na mag lunch na tayo" sabi ni Eryl tapos tumayo sya tsaka hinila ako palabas pero di ako sumunod.

"HINDI! GUSTO KONG MALAMAN KUNG SINONG MAY GAWA SAYO NYAN? SI JAM BA?" nanggigil na ko sa galit, kaya napasuntok ulit ako sa pader, pakiramdam ko makarinig lang ako ng
"Oo" makakapatay talaga ako,

"Rex tama na please," yumakap si Eryl sakin habang umiiyak, sila Third naman nakatingin lang, malamang gulat sila dahil ngayon lang nila akong nakitang nagkaganito, at alam nila kapag ako nagalit.

"OO tol, si Jam nga"mahinang sagot ni Brix,

"Putcha! Asan sya? Naghahanap talaga sya ng gulo ha! Sige!" Gigil kong sabi

"Tol wag na, hindi naman nya sinasadya, nakainom lang sya
"-Brent

"Rex wag na please, ayoko na ng gulo"-Eryl

"Bitiwan mo ko Eryl,may hinahanap yang si Jam eh, ibibigay ko lang" pilit kong inaalis yung kamay nya sa pagkakayakap sakin pero lalo pa nyang hinigpitan,

"Please Rex, halika na! Ok lang ako'' -Eryl

"OK KA LANG? TINGNAN MO NGA YANG MUKHA MO? MAY PASA KA,MAY SUGAT KA! TAPOS SASABIHIN MO OKEY KA LANG?HANGGANG KELAN KA MAGIGING OKEY KAHIT SINASAKTAN KA NYA? MUNTIK KA NANG MAMATAY NOON DAHIL SA KANYA TAPOS NGAYON SASABIHIN MO OKEY KA LANG! GUMISING KA NGA ERYL!"
sigaw ko sa kanya, hindi ko na mapigilang umiyak, sya naman nakayakap pa rin sakin sakin.

Tangnang Jam ka, iniingatan ko tapos sasaktan mo lang, wag lang tayo magkakaharap ngayon, magkaka alam talaga tayo.

ERYL'S POV
Haist! Buti na lang kumalma na si Rex, Grabe pala magwala toh, parang si Kuya, ang hirap awatin.

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon