CHAPTER 45: ACCEPTANCE
JAM'S POV
I'll never go far away from you....Even this sky will tell you... That I need you so.... For this is all I know.... I'll never go far away from you...
Ang sakit sobra. Hindi ko ma explain yung sakit na nararamdama ko. Akala ko handa na akong marinig sa kanya na mahal nya si Rex, pero hindi pa rin pala, hindi ko pa rin pala kaya.
Simula nung nangyari sa Foundation Day hindi na ako lumabas nang bahay, ayoko kong makipag usap kahit kanino, makarinig nang kahit anong tungkol sa nangyari. Alam kong napunta si Natalie dito sa bahay, parati ko kasing naririnig yung boses nya sa labas, pero ni minsan hindi ko sya pinag buksan nang pinto. Wala naman kasi akong sasabihin sa kanya, madadagdagan ko lang yung sakit na nararamdaman nya kapag nakipag usap pa ako sa kanya.
''Jam, I know you can hear me,'' boses ni Nat, andito na naman sya
''It's ok if you don't want to talk about what happaened, I just want you to know na andito lang ako para sayo, andito lang kami para sayo, wag mong iisipin na nag iisa ka, alam ko masakit yung nararamdam mo, ganyan din yung nararamdaman ko, pero wala tayong, magagawa kundi tanggapin yung katotohanan na hindi tayo mahal nang mga taong mahal natin, kailangan nating tanggapin na hindi tayo yung makakapag pasaya sa kanila, kailangan nating mag move on ipagpatuloy yung buhay, hindi pa naman dito natatapos to Jam, marami ka pang makikitang taong pwedeng mahalin at magmamahal sayo'' – Natalie
Hindi ko alam kung saan sya kumukuha nang lakas nang loob para sabihin yung mga salitang yun, kung tutusin mas masakit yung nararamdaman nya dahil malapit sya sa akin, nakikita nya yung mga ginawa ko. Bakit kasi huli na sya bumalik, bakit kung kelan mahal ko na si Eryl saka pa sya bumalik, bakit hindi sya bumalik nung mga panahon na sya pa yung mahal ko at sa kanya umiikot yung mundo ko.
Hindi ko na naramdaman kung anong oras umalis si Natalie, nakatulog kasi ako. Around 9pm lumabas ako para mag hanap nang pwedeng tambayan, ayoko tumambay sa EP dahil alam ko andun sila Third. Ayoko rin sa CHIMES, dahil malamang andun si STEPHEN, tambayan nila yun. Gusto kong pumunta sa lugar na walang nakakakilala sakin.
Sa kakapaikot ikot ko sa Quezon City nakahanap naman ako, hindi ko nga lang alam kung anong bar toh, mukha namang desenteng bar kaya pwede na. Pumasok ako at dumiretcho agad sa counter, after ilang oras na inom pakiramdam ko hindi talaga ako nalalasing, ganito ba talaga kapag nasasaktan, manhid sa alak, sana pati puso ko mamanhid na lang din para walang maramdaman sakit.
12 midnight kinausap ako nung bar tender
''Sir, ok lang po ba kayo?" tanong nang bar tender, hindi ko sya sinagot.
''Mukhang may problema kayo sir ah'' sai ulit nya, napaka tsismoso naman nang bartender na toh, ipasisante ko kaya kaya Third to, kaso naalala ko hindi nga pala EP toh.
''1 vodka, straight up'' –Ako
''Sir, hindi na po pwede sir, lasing na po kayo'' sagot nung bartender,
''No, hindi pa ako lasing can't you see I'm still talking to you'' –Ako
''Hindi na talaga pwede sir, lasing na po talaga kayo'' – Bartender
''Eh kulit mo pala eh, sinabi nang hindi ako lasing'' alam ko medyo tumaas na yung boses ko, kaya may lumapit saking dalawang bouncer. Akala naman nila takot ako sa bouncer nila, hindi ba nila ako kilala, ako si James Adam Samonte, leader nang Empire... kahit ngayon din kayang kaya ko silang pabagsakin lahat. Pasalamat sya at wala ako sa mood mag makipag away, kaya lumabas nalang ako.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORY
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sa dinami dami nang taong mamahin mo...