JAM'S POV
Pagkatapos naming mag usap ni Eryl sa HQ dito ako dumiretcho sa Chimes, hindi sa Empire dahil alam kong andun sila Third,Habang binabasa ko yung papel na binigay ni Third kanina,hindi ko maiwasang hindi mapamura,
Tangnang tadhana talaga toh! Napaka mapagbiro, akalain mong yung taong matagal ko nang hinahanap, nasa harapan ko na pala, at ang masakit dun pinagtabuyan ko pa!
Flashback
Hinayaan kong tumakbo si
Eryl palabas pagkatapos naming mag usap, sa wakas tapos na! Hindi ko na kailangang pahirapan sya, sa totoo lang masakit din para sakin ang saktan sya, kasi kahit papano may pinagsamahan kami, aaminin ko hindi lahat nang pinakita ko sa kanya parte nang laro, yung iba dun totoo, at aaminin ko din na kahit papano naging masaya ako nung naging kami, nagselos pa nga ako dahil mukhang may gusto si Rexel sa kanya, pero dahil sa pride iniiwasan kong iparamdam sa kanya yun,Kumuha ako nang yosi para sindihan, kaso wala yung lighter, kinapa ko yung bulsa ko, pero imbes na lighter papel yung nakapa ko, na alala ko, eto yung papel na binigay ni Third bago dumating si Eryl, dahan dahan kong binuksan tsaka binasa, mukha namang normal na love letter yung laman pero ang ikinagulat ko, yung last part
"I hope the next I fall, you will catch me again"
-Eryl Madrigal
You're "monkey girl"Biglang nag flashback sakin lahat
Flashback
GRADE 4 ANDREW RICAFORTE ACADAMEYAsan na naman kaya yung mga yun, iniwan na naman ako,
Sabi ko habang hinahanap sila Third, usapan namin sabay sabay kaming mag lulunch pero pinagalitan ako nang teacher namin dahil naiwan yung assignment ko kaya huli akong lumabas,
Napaupo ako sa ilalim nang puno, dito ako madalas tumambay kasi bukod sa tahimik mahangin pa,
Bubuksan ko sana yung stainless na baunan ko nang mapansin ko sa reflection na may tao sa taas, babae,Anong ginagawa nya dun? Siguro natatakot syang bumaba dahil baka isumbong ko sya, bawal kasing umakyat sa mga puno, aalis sana ako para makababa sya kaso tinatamad ako, bahala sya, aakyat akyat sya dyan tapos di sya marunong bumaba, imbes na umalis nag tulog tulugan nalang ako,
Maya maya naramdaman kong gumalaw yung puno, siguro bababa na sya, nang tumingala ako nakita kong nadulas sya at muntik nahulog mabuti nalang at mabilis ko syang nasalo kung hindi tyak pilay sya,
Mabuti nalang at nakapikit sya dahil hindi nya nakitang nakatitig ako sa mukha nyang napaka ganda. Nang dumilat sya hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin ko,
AKO: Unngoy ka ba? Yan na lang ang nasabi ko
GIRL: Huh? Hindi ah.
AKO: Anong ginawa mo sa taas?
GIRL: Binato kasi nang classmate ko yung bag ko sa taas kinuha ko lang, paliwanag nya sa sakin
Teka hindi ko pa pala sya naibababa, nasa ganung ayos kami nang biglang may sumigaw
GUY : Eryl!!!!! Hoy ikaw anong ginawa mo sa kapatid ko ha? Bakit mo sya buhat buhat,?
Agad ko syang binaba, Sya na yung nag paliwanag dun sa lalaki kung anong nangyari, nag pasalamat naman yung lalaki at hinila sya paalis, pero bago sila makalayo sumigaw ako,
Kung hindi ka Unggoy wag kang aakayat nang puno kung hindi mo alam panu bumaba, hindi lahat nang oras may tao sa ilalim para saluin ka, MONKEY GIRL!!
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORY
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sa dinami dami nang taong mamahin mo...