CHAPTER 63: ALMOST A LOVE STORY

5.1K 115 16
                                    


REX'S POV

Last day na naming sa Batanggas ngayon, mamayang gabi babalik na kami ng Manila. Ang paalam kasi namin hanggang Sunday lang, isa pa tawag na ng tawag si Earl kay Eryl, ganun din yung mga Kuya ni Ericka. Gusto pa nga sana naming mag extend., kaso ayoko namang sirain yung pangako ko kay Earl na uuwi kami ng Linggo, baka kasi hindi din a payagan si Eryl sa susunod.

Katatapos lang naming maligo sa dagat. Andito kami sa sala para magpahinga bago mag byahe pabalik ng Manila.

''Paano ba yan guys, back to the real world na bukas'' sabi ni Brent habang nanonood kami ng Basketball.

''Oo nga eh.. sana maulit pa to noh?'' sabat naman ni Brix na nalalaro ng cellphone nya.

''Oo naman, next year. Pero sa ibang lugar na naman.'' Sabi ni Eryl habang nakasandal sa akin.

''Next year kina Brent tayo sa Palawan'' –Jam

''Oo ba, tagal na rin akong hindi nakakauwi doon'' sagot naman ni Brent habang nakahiga sa hita nya si Ericka.

Maya maya biglang bumaba si Ivan galing taas, may hawak syang baraha,

''Guys sino gusto card games?'' tanong nya. Hindi kami sumagot kasi wala naman kaming kahilig hiligsa card games. Marunong oo, pero hindi hindi naming hilig. Pero iba yung mga girls, bigla silang nabuhayan ng dugo.

''AKO! AKO! AKO!'' sunod sunod na sigaw nila Eryl.

''Ok game! Ang matalo may consequence huh!'' –Ivan

''Sure! Yun lang pala eh! Boys vs girls tayo! 2 on 2, kayo ni Brix, kami ni Eryl'' sabi ni Natalie. Nagkatinginan naman si Brix at Ivan sabay ngiti.

''Game!'' –Ivan

Si Ivan yung unang nagbalasa nung baraha, tong its yung laro nila. Nasa likod lang nila kami ni Jam habang si Brent naman at Ericka, nasa likod nina Eryl at Natalie.

''HOY BRENT! Bakit andyan ka? Dito ka kaya, boys vs girls nga di ba?'' sita ni Ivan sa kanya.

''Hindi naman kami kasali ah! Tsaka ayaw ko dyan, tyak talo na kayo?'' sagot naman ni Brent

''Paano mo naman nasabi huh?''-Ivan

''Tingnan mo nga yan, maghawak nga nang baraha hindi ka marunong, manalo pa kaya?'' sabi ni Brent sabay turo sa kamay ni Ivan, nun lang namin napansin na nakikita yung mga baraha nya kasi hindi nya hawak ng mabuti.

''Madaya kayo! Naninilip kayo ah!!'' –Ivan

''Tumigil ka na nga Ivan! Ang dami mong salita! Tumira ka na!'' sabi ni Eryl, minsan talaga ang ikli nang pasensya nang babaeng to!

Pareho kaming nagkatinginan ni Jam nang bigla nyang tinapon yung Jack na spade, nasa kanya rin kasi yung Queen at King.

''Amp! Buo na yun! bakkit mo tinapon?'' tanong ni Jam

''Kasi matatalo ako sa bilangan mamaya!'' sagot nya. Patay nah! Hindi nga sya marunong maglaro.

''WALA NAH! TALO NA TAYO NA TAYO GUYS!'' sigaw ni Jam nang makitang dinampot ni Natalie yung tinapon nyang Jack at dinagdagan nang 2 pa,

''Loko ka! Lakas nang loob mong maghamon nang baraha, hindi ka naman pala marunong mag laro. '' –Ako

Hindi nga kami nag kamali, after 3 rounds, talo silang dalawa.

''Paano ba yan, panalo kami. Talo kayo!'' nangaasar na sabi ni Nat.

''Oo nga, so gagawin nyo lahat nang gusto namin'' sabi naman ni Eryl na parang kumikislap kislap pa ang mga mata.

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon