ERICKA'S POV
Lunes na pero hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari nung Friday, totoo ba talagang nag propose nang panliligaw si Brent Baboy? Seryoso ba yun o part lang nang pakulo nila para mas lalong dumami yung boto nila, yung trip lang yun ngayon pa lang humanda na sya, hindi ko talaga sya papatawarin.
''Hi Empress Ericka, ang swerte mo naman,'' bati sakin ni Donna, isa sa mga classmate ko,
Anu Daw? EMPRESS ERICKA? Sino naman nag pauso nun? At saan nila nakuha yun?
Pagpasok ko sa classroom lahat sila nakatingin sakin, pati yung member nang QUEENS, pero hanggang tingin lang sila, simula kasi nung maging close namin ni Eryl yung member nang EMPIRE, wala nang nag tangkang mambully pasamin dito sa campus.And speaking of Ericka, bakit kaya wala pa sya? Mag uumpisa na yung first subject hindi pa sya dumarating, Sabi naman nya sa text na papasok daw sya.
Maya maya narinig kong nag kagulo yung mga nasa hallway, biglang nagtilian yung mga babae, yung mga classmate ko namang tsismoso naglabasan, mukhang alam ko na kung anong meron. Pagtingin ko sa bintana, saktong dating ni Brent Baboy, at nakatingin din sya, nakangiti pa.
GEEZZZ..... Hind ako sanay na nakangiti sya sa akin, mas sanay akong nakasimangot sya o di kaya galit o di kaya nang aasar. Sumandal sya sa pader sa tapat nang inuupuan ko, anong ginagawa nya doon? Hindi ba nya alam na may klase ako, at wala ba silang klase para tumambay sya doon?
''OI ERICKA, HINIHINTAY KA YATA NI BRENT LUMABAS''- Melody, sya yung leader nang E.Q remember?
''Bakit naman ako lalabas eh may klase tayo?'' sagot ko.
''Pakipot ka pa, akala mo namang kagandahan kang nerd ka, ewan ko ba kung anong nakita ni Brent sayo at nagustuhan ka, sawa na yata sa maganda, kaya sa nerd na napatol'' –Myca, member din sya nang EQ
''Bakit maganda naman si Ericka ah, nakita nyo nung Concert, ang ganda nya'' sabi ni Nico, classmate naming sya, may pa nerd din pumorma, pero hindi kagaya nang iba palaban sya.
''Oo nga, mas maganda pa nga sya kesa sa inyo eh'' sabat naman ni Paul. Best friend ni Nico
Hindi sila nakasagot, ako naman tahimik lang, paminsan minsan napapasulyap kay BRENT BABOY na hanggang ngayon nakatayo pa rin sa labas, Hanggang sa dumating yung first subject namin. Akala ko pag may dumating na prof aalis na sya, pero wala yatang balak umalis tong sira ulong Brent Baboy na toh, nakakainis na! Hindi ako makapag concentrate kasi andyan sya.
''Ms. Salazar, why don't you do outside and talk to Mr. Salcedo, mukhang kanina pa sya dyan'' – PROF
''NO miss, ok lang sya dyan, hindi naman sya tatagal dyan kung nahihirapan sya di ba'' sagot ko,
''Ok then lets processed'' –PROF
Gusto kong mag focus sa lecture nung prof naming pero hindi ko magawa, distracted ako sa presence nang BRENT BABOY na toh, dagdag pa yung mga babaeng pabalik balik na nag papacute sa kanya, nakaka irita. Pag labas nang prof namin lumabas din ako at lumapit sa kanya, agad naman syang ngumiti, ako naman sumimangot.
''FINALLY....naawa ka rin sa akin, akala ko hihintayin mo muna akong magkabunga bago ka lamabas eh'' – Brent
''Sino ba kasing may sabi sayong mag hintay ka dyan, tsaka bakit ka ba andito, wala ka bang klase?" –Ako
''Wala eh, absent yung Prof namin, tara kain tayo, nagutom ako kakatayo''-Brent
Habang naglalakad papuntang cafeteria hindi maiwasan na pagtinginan kami nang mga estudyante. Pag dating namin sa cafeteria umorder agad sya, at ang dami nyang inorder, pang isang grupo na yata yun, samantalang sya lang naman yung kakain.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORY
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sa dinami dami nang taong mamahin mo...