CHAPTER 48: MISSING YOU

5.8K 125 5
                                    



NATALIE'S POV

Almost 2 weeks na simula nung dumating ako dito sa Japan at nagka ayos kami ni Eryl, simula nun parati na kaming mag kasama, sa pag shoshopping, sa pag gagala, kahit sa mga family gathering nila parati nya akong sinasama. Sobrang saya ko at Ok na rin kami ni Earl, mukha lang pala syang masungit,pero ang totoo sobrang kulit nya, at napaka bait pa. Hindi ako makapaniwala na tinanggap ako ni Eryl bilang isang kaibigan, ngayon hindi na ako nag iisa, hindi na ako mawawalan nang kakampi¸kasi andyan na sya, sila ni Ericka. And speaking of Ericka, kausap namin sya ni Eryl ngayon sa skyp.

''Kamusta kayo dyan, mukhang nag eenjoy kayo ah'' –Ericka

''Oo, snow na kasi dito, ikaw kamusta kayo dyan, kayo na ba ni Brent'' –Eryl

''Hindi pa noh, asa kang sagutin ko agad yung baboy na yun, maghirap sya noh'' – Ericka

''Baka mamaya mapagod yan kakahintay sayo'' – Ako

''Edi mapagog sya'' Ericka. Habang tumatawa.

''Nga pala si Rex ba Ryl, tinawagan mo na? Masisiraan na nang bait yun, Hindi ka daw nag paparamdam ni text o tawag o viber o skype o email wala , hindi ko naman sinabing nag kakausap tayo'' – Ericka

''Hayaan mo sya, narerecieve ko naman yung mga message nya sa akin, para ma miss nya ako nang todo, parusa nya yan, tsaka hayaan mo munang mag bonding sila ni Jam, panigurado namiss nila yung isa't isa.'' – Eryl

Oo nga pala,binalita samin ni Ericka nung isang araw na nagka ayos na si Rex at Jam, hindi pa namin alam yung buong detalye pero ang mahalaga ayos na sila, buo na ulit ang EMPIRE.

''Hayaan ka dyan, nag rereklamo na si BRENT BABOY KO, wala na daw ginawa si Rexel kundi kulitin sila na puntahan ka, baka daw kung ano nang nangyari sayo dyan dahil hindi ka nag paparamdam, hindi ko lang masabi na nagpapakasarap kayo mag shopping habang sya nasisiraan na nang ulo kaka isip sayo. Mabuti kamo at busy sila sa birthday ni Third kaya dinedeadma nila si Rexel ngayon, kung hindi naku Ryl... malamang sa mga oras na to nasa JAPAN na yung mga yun.'' – Ericka

Tumawa naman nang malakas si Eryl, Mula kasi nung dumating ako dito hindi pa nya tinatawagan o kinocontact si Rex, mag papa miss daw muna sya. Sit Rexel naman wala nang tigil kaka pm sa kanya, lahat na yata nang means of commuicatio ginawa na nya.

''Hayaan mo, one of this day uuwi na kami, may tinatapos na lang sila Kuya,'' sabi ni Eryl, kahit hindi naman talaga namin alam kung kalian yung uwi namin,

''Ikaw din Nat, tinatanong na ni Jam kung bakit pati ikaw hindi na nagpaparamdam, narinig ko sa usapan nila nung isang araw'' – Ericka

''Uyyyy....namimiss sya ni Jam'' pang aasar ni Ery, hindi nalang ako sumagot, ayaw kong paasahin yung sarili ko sa isang bagay na alam kong malabo.

Hindi ko pa rin kasi tinatawagan si Jam mula nung dumating ako dito, ayaw kasi ipaalam ni Eryl na nag kaayos na kami at magkaibigan na kami, gusto kasi nyang I surprise yung dalawa.

''Oi basta ha!pag uwi nyo pasalubong ko, dapat tig isa kayo'' – Ericka

''OO ba, gusto mo yung kasing laki pa nung pasalubong ni Kuya eh'' –Eryl

''Wag na Eryl. Kung ganun din lang naman'' – Ericka

Kahit hindi ko alam yung tinutikoy nila, nakitawa na lang ako, mukha kasing naiimagine ko na kung ano yun, based sa mga kwento ni Eryl.

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon