BRENT'S POV
''ANO? UMALIS? SAAN PUMUNTA? SINO KASAMA?'' gulat kong tanong kay Ate Monicka nang sabihin nyang wala doon si Ericka.
''Ano kasi Brent....a...e....sinama ni Kuya Erick..umuwi muna sila nang US...kasama nila si Eryl. Si Eryl na daw magpapaliwanag pag balik nila'' paliwanag naman nang ate nya.
''Kasama si Eryl? Teka kausap ko si Eryl kagabi, wala naman syang binanggit na may lakad sila, at mas lalong wala silang sinabing lalabas sila nang bansa. Ano ba talagang nangyayari? Kagabi buong magdamag ko syang hindi makontak, hanggang kaninang umaga tapos ngayon wala pala sya sa Pilipinas'' naiinis kong sabi sa ate nya.
Dahil hindi ako makatulog kakaisip kay Ericka, nagpunta ako ngayong gabi dito sa kanila, dapat sana kaninang umaga pa kaso si Tita Brigitte, yung mama ni Brix nagpasama saglit sa mall, bibili daw nang mga gamit para sa bago nilang negosy. Wala si Brix dahil sinama ni Tito Xavier sa company nila, kaya wala akong nagawa kundi samahan sya, at gabi na kami natapos.
''Mabuti pa Brent hintayin mo na lang silang maka uwi next week, sila na yung magpapaliwanag sayo'' sagot naman ni Ate Monicka.
''Sige te salamat'' sabi ko. Agad akong tumalikod pabalik sa kotse ko. pag pasok ko dinail ko agad yung number ni Rex, agad naman syang sumagot, parang badtrip yung boses nya.
''ANO YUN BRENT?'' bungad nya sa akin.
''Si Eryl ba nakausap mo?'' tanong ko.
''Hindi! Kanina ko pa tinatawagan hindi nag riring yung phone nya, pumunta ako sa kanila umalis daw sila ni Earl kaninang hapon. Hindi alam nang mga maids nila kung saan nagpunta.'' Sagot nya sa akin.
So magkasama nga sila ni Ericka.
''Magkasama sila ni Ericka, ang sabi nang ate ni Ericka nagpunta silang US kasama yung Kuya nila.'' –Ako
''What? How come? Eh magkausa[p lang kami ni Eryl kagabi, wala syang sinabi na aalis sila. Ano yun biglaan? Tsaka bakit hindi man lang nag paalam sa atin?'' –Rex
''Yan nga din yung tanong ko, kita nga tayo sa HQ bukas'' –Ako
''Ok sige, susubukan ko munang kontakin si Eryl' –Rex
Hinintay ko munang ibaba nya yung phone bago ko pinatay yung sakin.
Dahil sa badtrip ko pag dating ko sa bahay, hindi ko man lang napansin na andoon pala si Brix.
''Tol anong nangyari? Bat mukhang Semana Santa yang mukha mo?'' tanong nya habang naka upo sa sofa namin.
''Si Ericka nasa US kasama si Eryl' sabi ko habang dirediretcho sa hagdan papuntang kwarto.
''What? Bakit?'' tanong nya pero hindi ko na sya sinagot.
Dumiretcho ako sa kwarto at humiga. Iniiisip ko kung may nagawa ba akong mali o kung nagalit ba sya sa akin pero wala talaga akong maisip na dahilan para umalis sya nang hindi nag sasabi, tsaka bakit nya kasama si Eryl?
Kinabukasan maaga pa lang nasa HQ na kaming lahat. May pasok kami mamaya kaya sinadya naming agahan yung punta.
''Ano bang problema? Bakit nagpatawag kayo nang meeting?'' tanong ni Third. ''Alam nyo bang aalis si Eryl at Ericka papuntang US ngayon?'' tanong ni Rex.
''What? Bakit? Anong meron?'' –Ivan
''Hindi rin naming alam. Ayos naman yung pag uusap naming nung sang araw tapos bigla ko na lang nalaman na nakaalis na sila ni Ericka kahapon'' –Rex
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORY
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sa dinami dami nang taong mamahin mo...