NATALIE'S POV
Last day nang pasok ngayon. Umpisa na nang summer break bukas. Traditionally kada mag eend yung school may farewell party. Para yun sa mga grade 12 na gragraduate na, para din sa mga mag tratransfer out sa ibang school. Kadalasan umaga ginanap yung farewell party, pero ngayong taon ang sabi ni Eryl gabi daw para maiba naman. Sa bagay pabor yun kasi sa umaga maraming estudyanteng nag hahabol nang clearance at special project kaya kadalasan hindi na sila umaatend ng Farewell Party. Lahat naman yata nang estudyante yun ang problema maliban nalang syempre sa Empire Kings, kay Eryl at Earl. And speaking of Empire Kings, simula nung bumalik ako hindi pa rin kami nag uusap ni Jam. Pakiramdam ko nga iniiwasan nya ako. Kapag lumalapit ako lumalayo sya. Kapag naman kakausapin ko sya ang ikli parati nang sagot nya. In short simula nung bumalik kami cold treatment sya sa akin. Siguro dapat na akong masanay.
''Eryl anong meron bakit inaayos yung quadrangle?'' tanong k okay Eryl habang kumakain kami nang Ice cream. Ang alam ko kasi sa covered gym gaganapin yung party, pero may nagtatayo nang stage sa labas. Malapit pa sa flag pole.
''Ewan ko. Baka may program mamaya?'' sagot nya sakin.
''Program? Di ba dapat sa covered gym? Bakit dyan? Tsaka bakit hindi mo alam? Ikaw may ari nang school di ba?'' tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat naman sya habang inuuboa yung ice cream.
''Eryl?'' tawag ko ulit sa kanya.
''Bakit?'' –Eryl
''Asan sila Rex? Bakit parang hindi ko nakikita?'' tanong ko sa kanya. Ilang araw ko na kasing napapansin na hindi sila magkasama ni Rex. Pati yung iba hindi ko rin nakikita.
''Ewan, ang sabi nila may inaasikaso lang daw sila'' sagot nya sakin.
''Na ano? Lahat sila?'' –Ako
''Hindi ko alam eh. Oo lahat sila. Tungkol yata sa Gangster World, ganun'' –Eryl.
Hindi na ako sumagot, wala naman kasi akong alam sa gangster society.
''EH si Ericka hindi ba pupunta mamaya?'' tanong ko ulit sa kanya nang maalala ko si Ericka. Kagaya nang Empire Kings, hindi ko rin sya nakikita.
''Pupunta yata pero mamaya pa, susunduin pa yata ni Brent'' – Eryl
''Ah.. ang lungkot naman pag ganitong dalawa lang tayo'' –Ako
''Bakit hindi ka ba masayang kasama ako?'' tanong nya sa akin.
''Hindi naman sa ganun, pero mas maingay kasi pag marami tayo'' –Ako
Mas gusto ko kasi yung maingay yung paligd ko, para hindi ko maalala yung mga bagay bagay na nakakapag pasakit sa akin.
''Alam mo Nat? mabuti pa mag mall tayo para hindi boring. Mamaya pa naman yung party'' yaya nya sa akin. Sabagay mamaya pa nga naman yung party, tsaka wala rin naman kaming gagawin dun kaya pumayag na ako.
Pagdating namin sa mall, sa boutique agad kami dumiretcho. Namili sya nang damit na isusuot nya para mamaya. Ako naman walang balak bumili. Marami naman kasi akong pwedeng suotin mamaya, pero nagpilit si Eryl na pumili ako, sya daw ang magbabayad. Nung tumanggi ako sya mismo yung pumili nang damit at nagbayad sa counter. Sunod kaming nag punta sa bilihan nang shoes, sya ulit yung pumili nang sapatos at nagbayad sa counter.
''Ang galante mo yata ngayon Eryl, anong meron?'' tanong ko sa kanya. Papunta naman kami ngayon sa Salon.
''Wala naman. Last day nang school year ngayon dib a? so dapat maganda tayo'' sagot nya sabay kindat.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORY
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sa dinami dami nang taong mamahin mo...