EARL'S POV
It's hurting me to see her in this condition, nakahiga, tulog hindi alam kung gigising pa o hindi na, gusto kong mag wala pero pinipigilan ko yung sarili ko, Kung pwede lang sana makipag switch nang sitwasyon ginawa ko na,It's been one week mula nung nangyari sa Hades Mansion, isang linggo na rin akong hindi umaalis dito sa ospital, takot kasi si Eryl sa ospital, nagpapanic sya kapag nagising sya sa ospital tapos walang kasama,
Ang sabi nang mga doctor sucessful lahat nang operation, pero bakit ayaw pa rin nyang magising? Siguro choice na daw talaga nyang matulog muna,
"Princess kelan ka gigising? Miss ka na namin! PLEASE WAKE UP!!! Ang tagal mo nang tulog"
Paulit ulit ko syang kinakausap pero walang responce, ayaw kong mawalan nang pag asa na magiging ok sya,
"Siguro napagod ka sa mga pinagdaanan this past few days, ok lang kung magpahinga ka muna, just dont leave us ok? Ok lang na matulog ka kahit matagal basta pag ok kana gigising ka ha! Wag mo kami iiwan" naiiyak kong sabi,
Kilala akong si Grand nang U.S matapang, handang pumatay at mamatay, pero pag dating sa pamilya ko, lalo na kay Eryl tiklop talaga ako, bihira akong magdasal pero sa mga oras na to lahat na yata nang santo natawag ko na para humingi nang tulong, hindi kakayanin nang pamilya namin kapag may isang nawala, lalo na kung si Eryl,
Nasa ganun akong pag iisip nang biglang nag ring yung phone ko,
STEPHEN CALLING.......
"BOSS! Ayos na po yung pinagawa nyo, nailigpit napo namin lahat nang tao dun"
"Good! Make sure na wala kayong ititirang bakas nang Hades Mansion maliwanag?"
"Yes boss!"
Inutusan ko sila Stephen na bumalik sa Hades Mansion at iligpit lahat nang tao dun, inutusan ko din silang sunugin yung buong lugar , wala kasi akong maalala nung gabing pumunta kami, ang huling natatandaan ko lang, yung nakahandusay na katawan ni Eryl na puno nang dugo,
Tok! Tok! Tok!
"Earl, pinapatawag ka ni Martin, ako muna dyan" sabi ni Rex, mahigit isang linggo na rin sya dito, kaming tatlo yung nagpapalitan sa pagbabantay kay Eryl,
"Sige wag mong iwanan, at wag kang magpapasok nang hindi welcome dito" si Jam yung tinutukoy ko,
"Yes Master! Maliwanag "sabi nya habang nakangiti, mas magaan yung loob ko sa kanya kung ikukumpara kay Jam, hinalikan ko muna si Eryl sa noo bago ko sila iniwan,
Sana pag balik ko ok ka na,
ERYL'S POV
Ang ingay! Ang dami kong boses na naririnig, pero wala akong makitang tao, Nasaan ba ako?"Princess please wake up! Don't leave me'"
Si Kuya Earl ba yun?
"Kuya? Kuya Earl! Asan ka?" Tawag ko pero walang sumasagot, nasaan ba ako bakit puro puti yung nakikita ko, Naririnig ko yung boses nila pero hindi ko sila makita
"Mom! Dad! Kuya Martin! Kuya Earl!" Tawag ako nang tawag sa kanila pero walang sumasagot,
Nananaginip ba ako? Anung lugar ba to?
Maya maya may narinig akong nagsalita,
"Please give me a chance to love you, please wake up Eryl"
Parang pamilyar yung boses, kilala ko sya pero di ko matukoy kung sino,
Si Jam ba?
Hindi eh, iba!
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORY
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sa dinami dami nang taong mamahin mo...