ERICKA'S POV
Haist sa wakas natapos din, akala ko wala nang katapusan yun. Grabe yung kaba ko kanina, ang hirap pala makipag sabayan kina Eryl at Natalie, akala ko mamamatay ako sa kaba.
''Ok ka lang ba sis'' tanong ni Kuya Enrico
Kuya ko nga pala guys, Enrico Joseph Salazar, taga South ridge Academy, napadpad lang yan dito kasi nanood nang performance ko.
''Ok lang ako Kuya, you can leave now, daanan mo na lang ako mamaya'' sabi ko, hindi kasi talaga dito yung punta nya, may date sila ni ate Loraine, napadaan lang sya para iabot yung gamot ko, eh sakto ako na yung nag peperform kaya nanood na muna sya, Anyway hindi alam sa bahay namin na mag peperform ako tonight, for sure kasi hindi ako papayagan ni Daddy.
''Ok sis, Call me kapag pauwi ka na, I'll pick you up''
''Ok, ingat ka, and kuya please don't tell Dad about this, nakita mo naman I'm okay lang so wag mo na sabihin pwede''
''Ok, I won't tell this to Dad, just promise me this won't happen again ok?"
''Ok I promise'' pangako ko, Hindi na talaga, kasi next year na ulit yung Foundation week, ewan ko ba naman kasi kung bakit ako napasama sama kina Eryl, sila lang naman tong may parusa pati ako nadamay.
''Rick let's go!" yaya ni Eryl, saan naman kaya kami pupunta
''Saan tayo pupunta, hindi ka ba manonood nang showdown nang mga lovers mo?" – ako
''Syempre manonood kaya nga tayo mag aayos, tsaka mamaya pa yun, last silang mag peperform '' – Eryl
''Kayo na lang ,mag ayos, ok na ko dito sa damit ko, mag jajacket na lang ako para hindi malamig'' –Ako, Nakalimutan ko kasing mag dala nang extra damit, nag mamadali kasi akong tumakas kay Dad kanina.
''Hindi pwede, aayusan ka namin, dapat maging maganda ka ngayon, mas maganda kesa samin'' –Eryl.
Sabi ni Eryl sabay hila sakin sa dressing room, kasunod namin si Natalie, pag dating naming doon ang daming damit na naka handa.
''Saan galing to, wala naman to kanina ah!" Tanong ko sa kanila,
''Pinadala ko yan sa Butler namin, gusto ko kasing maging maganda ka ngayong gabi'' –Eryl
''Ikaw nga dapat yung mag paganda di ba, kasi sayo yung show down na yun, bakit ako yung aayusan mo? – Ako
''Basta wag ka na nga maingay Ericka, basta ngayong gabi kami ang fairy Godmother mo'' sabi naman ni Natalie habang namimili nang damit.
Kung ano anong ginawa nila sa akin, ang dami nilang pinasukat na damit, kulang kulang 20 damit na yata yung naisukat ko, kaso hindi sila mag kasundo, hanggang sa yung cocktail dress na black yung pareho nilang napili, after nun pinalitan ni Natalie yung make up, from rockstar chick kanina, naging girl next door look naman ako, si Eryl naman yung buhok ko yung pinaki alaman, kung ano anong ginawa, kinulot plinansta, kinulot, plinansta ulit, hanggang sa ang ending kulot pa rin,
''Eryl pwede bang mag sneakers nalang ako, hindi naman ako komportable mag heels'' sabi ko sa kanya, kanina pa kasi sya hanap nang hanap nang heels na isusuot ko,
''HMM...sige na nga, baka kasi mapatalon ka mamaya, matapilok ka pa'' sagot nya
''Baka ka mo mapatakbo'' sagot naman ni Natalie.
Anong pinag uusapan nila, hindi ako maka relate, bakit ako tatalon at mas lalong bakit ako tatakbo, anong meron..
Maya maya biglang kumatok si King
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORY
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sa dinami dami nang taong mamahin mo...