CHAPTER 12: HEARTACHES BEGIN

7.7K 163 3
                                    

THIRD'S POV

Its been 2 months mula nung sinagot ni Eryl si Jam, so far so good naman yung relationship nila, mukhang masaya naman si Eryl ganun din si Jam, mukhang masaya sa pakikipaglaro nya,
Ilang beses na namin syang pinagsabihan na seryosohin yung relasyon nila pero matigas talaga, sa totoo lang sa ilang buwan na nakilala namin si Eryl napalapit talaga sya nang husto sa amin, hindi kasi sya katulad nung ibang mga naging gf ni Jam, na kay Jam lang na focus, sya iba, pati kaming mga kaibigan ni Jam kinilala nya, kung si Rexel nga na ubod nang snob sa babae nakakausap nya paminsan minsan, kaya natatakot akong masaktan sya,

"Hi Third, nakita mo si Jam, tsaka bakit mag isa ka asan yung iba?"tanong ni Eryl, andito ako ngayon sa HQ namin,

"Hindi eh, yung 4 may lakad daw pero si Jam hindi ko pa nakikita"

"Ganun? Sayang naman, may dala pa naman akong pasta, monsarry kasi namin ngayon," nakita kong malungkot yung mga mata nya

"Ok ka lang Ryl?" Tanong ko sa kanya

"Ha? a..e.. Oo naman, tara kainin natin toh sayang naman, tirahan nalang natin yung apat" kumuha sya nang plato at hinati yung dala nyang pasta,

Isa pa yan sa hinahangaan ko sa kanya, napaka maasikaso nya, parang pati kaming 5 nagka gf din sa katauhan nya, Kapag ganitong may dala sya kay Jam pati kami meron din, kapag ina asikaso nya si Jam pati kami ina asikaso nya, kung dati si Brix lang yung naglilinis nitong HQ,ngayon dalawa na sila, syempre dahil nahihiya kami sa kanya,ang ending pati kami nag lilinis na rin, Masasabi kong malaki talaga yung naging impact ni Eryl sa barkada namin,

"Ryl? Ok lang ba kayo ni Jam?"

"Oo naman, ok naman kami bakit?"

"Napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw malungkot ka, may problema ba kayo?"

Nakita kong yumuko sya na parang naiiyak,

"Pwede bang wag kang maingay sa Kuya ko, alam ko magka sama kayo sa basketball team, pati kay Jam o sa iba, pwede bang yung sasabihin ko atin lang" medyo may mga namumuong luha na sa mga mata nya,

"Promise, you can trust me, walang makaka labas"

"Hindi ko na kasi alam yung gagawin ko, pakiramdam ko nagbago na sya, hindi naman sya dating ganito, yung umaalis nang walang pasabi, dati araw araw nagtetext sya, ngayon last 2 days pa yung huling text nya sa akin,
May nagawa ba akong kasalanan Third?"
Tanong nya sakin habang umiiyak,

"Baka naman may problema lang sya na hindi masabi, tapos ginagawan nya nang solusyon on his own, saka nya nalang sasabihin nya sayo pag ok na"

"Pero mali Third, im his girlfriend supposed to be aside sa inyo na mga bestfriend nya, sakin sya dapat nagsasabi nang problema, pero hindi eh, iba yung pakiramdam ko, pakiramdam ko hindi talaga nya ako mahal" kitang kita ko yung lungkot sa mga mata nya habang sinasabi nya yung mga katagang yun,

"Wag ka ngang mag isip nang ganyan Ryl, mahal ka nun ok! Tsaka sapak abot nun samin kapag niloko ka nya, tsaka kilala mo si Jam right, ever since alam mo na hindi sya katulad ni Ivan na maloko sa babae,"

Amp Jam talaga to, nakakapag sinungaling tuloy ako nang wala sa oras, Ayaw ko na sana dagdagan yung kasinungalingang alam nya kaso thats the only way I know para ma relieve yung pain na nararamdaman nya, mukhang umepekto naman dahil kahit papano napangiti sya,

"Thanks! Kahit alam kong inuuto mo lang ako, Of course hindi mo yun gagawin, ilang years na kayong magkaibigan noh, samantalang ako almost 6 months nyo palang kilala, tsaka if ever na malaman kong alam nyo yung ginagawa nya, I won't get mad at you guys, I will understand, alam ko naman sa gangster world any form of betrayal is unacceptable,"

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon