REX'S POV
Isang buwan na mula nung nag start yung summer vacation. Kahit walang pasok nag usap usap kami na dapat once a week magkikita kita pa rin kaming magbabarkada. Maliban pa dun sa regular date nang mga couple. Parepareho naman kasi kaming walang gagawin ngayong bakasyon. Sa bahay lang. kung may aalis man babalik din kaagad kaya may time pa rin kami para magkita kita. At ngayon nga andito ako kina Eryl para sunduin sya. Pupunta kasi kaming EK ngayon kasama yung iba.
''Oh? Kanina ka pa?'' tanong sakin ni Earl habang pababa sya nang hagdan.
''Hindi kadarating ko lang, asan na si Eryl?'' tanong ko sa kanya.
''Andun sa taas, ni ransack yung closet nya. Pupunta lang kayong park pero kung mag ayos akala mo ikakasal'' sabi nya habang naka simangot. Malamang nagtalo na naman silang dalawa.
''Ayaw mo sumama?'' tanong ko sa kanya.
''Ayoko ngang maging chaperon nyo, tsaka busy ako may pinapagawa si Kuya Martin'' –Earl
''Minsan lang, para naman mag enjoy ka. Hindi yung parati ka nalang nakakulong dito sa mansion nyo'' –Ako
''Oo nga kuya, tsaka kasama naman yung iba hindi ka mabobored dun'' sabi ni Eryl habang mababa sya nang hagdan. Napatulala na naman ako sa suot nya. T-shirt sya na pink, maong short na maikli tapos converse na black. Astig! Favorite porma nya talaga yan pag gumagala kami.
''Ayoko! Wala ako sa mood gumala'' –Earl.
''Dali na Kuya...sama ka na please.....'' pilit ni Eryl sa kanya sabay nguso. Hehehe ang cute nya talaga.
Sa huli wala ring nagawa si Earl kundi ang sumama. No choice sya.
Pagdating naming sa meeting place lahat sila nagulat nang makitang kasama naming si Earl. Eto kasi yung unang beses na sasama sa gala naming si Earl. Madalas kasi syang tumannggi kapag niyayaya naming sya, kahit sa mga inuman.
''ABA! Himala! Sumama ka Master Earl!'' sabi ni Ivan sa kanya. Nung malaman nilang ''Master'' ang tawag k okay Earl, ''Master'' na rin yung itinawag nila.
''Pinilit lang ako ni Eryl'' nakasimangot nyang sagot.
''Tara na guys... excited na akong mag roller coaster'' –Ericka.
''Sus.. wag kang sisigaw mamaya huh!!'' –Brent
Kanya kanya kami nang kotseng dala. Sa kotse ni Jam kasama nya si Nat. si Brent at Ericka naman. Tapos kami ni Eryl. Si Brent kasabay ni Ivan. Tapos tig isang kotse si Earl at Third. Ayaw kasi sumabay ni Earl kay Third.
Quarter to 2pm nasa EK na kami. Kumain muna kami saglit nang lunch bago naglakad lakad. Una kaming sumakay sa roller coaster dahil yun yung request ni Ericka. Kagaya nung una naming punta dito takot na takot naman si Eryl. Hindi na naman maintindihan yung sigaw nya. At ang mayabang na Brent. Akala mo kung sinong matapang, yung pala sisigaw din. Tinalo pa ni Ericka. Pareho lang silang mag pinsan. Si Brix din kapit na kapit kay Third kaya inulan sya nang mura kay Third. Si Ivan naman walang reaksyon kasi si Earl ang katabi na wala ring reaksyon. Basta naka upo lang, Hindi man lang umiimik o nagsasalita.
''Eryl yung kuya mo ba Android? Wala man lang kareareaction'' sabi ni Ivan pagbaba namin. Umalis saglit si Earl kasi may narecieve na tawag. Nagpunta sa tahimik na lugar parea magkaintindihan sila nang kausap nya.
''Wag kang maingay, sasamain ka dyan'' sabi ni Eryl.
''Ayaw ko na syang katabi. Parang Andriod walang emosyon'' –Ivan'
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORY
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sa dinami dami nang taong mamahin mo...