ERICKA'S POV
Asan na kaya yung Brent Baboy na yun, baka mamaya nakikipag landian na yun kung kani kanino, Humanda talaga sya kapag nakita ko syang may kasama syang iba lagot talaga sya sakin,
''Uy sino hinahanap mo dyan?" tanong ni Ivan, may kasama syang seksing babaeng kulay blonde ang buhok,naka akbay yung babae sa kanya at masama yung tingin sa akin.
''Si Brent Van nakita mo?" tanong ko sa kanya, hindi ko naman pinansin yung babae, sinadya ko talagang Van lang yung itawag sa kanya para isipin nung babae na close kami.
''Lagot ka, nag tatampo yun, bigla mo na lang kasing iniwanan kanina, saan ka ba galing'' –Ivan
''Hindi nga, nag paalam naman ako ah!" -Ako
''Kahit na, iniwan mo pa rin sya, tingnan mo nakasimagot'' sabi nya sabay turo sa may pinto nang Bar.
Nakita kong pumasok si Brent, nakasimangot nga at mukhang bad mood. Kasi naman eh, wala naman talaga akong balak na iwanan sya, kung hindi lang dahil kina Eryl at Natalie.
Flashback
2days before the party...
Cause tonight will be the night that I will fall for you over again don't make me change my mind....
Naalimpungatan ako nang marinig ko na yung kantang yun. simula kasi nung kinanta sakin ni Brent yan nagustuhan ko na kaya ginawa kong ringtone...
RINGTONE...ibig sabihin may tumatawag...sino kaya to, ang aga aga naman mambulahaw. Kinuha ko yung phone ko at tiningnan kung sino yung caller.
ERYL'S CALLING....
Teka hindi roaming to ah.. ibig sabihin nakauwi na sila?
''Hello Ryl, nakauwi na kayo?" –Ako
''Yup, pero wag kang excited, wala pa kami sa Manila, andito kami sa Cebu, may dinaan lang kami''- Eryl
''What? Kelan bAlik nyo dito'' –Ako
''Baka bukas, favor naman Rick, may ipapagawa kami sayo'' –Eryl
''Ano naman yun?" –Ako
At yun nga, hiniling nya sa akin na alamin ko lahat nang details sa birthday ni Third, dahil isusurprise daw nila si Rexel at Jam. Ang weird noh? Si Third yung may birthday, pero si Rex at Jam yung isusurpise. Syempre wala naman akong nagawa kundi pumayag sa dalawang yun, as if naman makakatanggi ako di ba.
Kinabukasan ako mismo yung nag sundo sa kanila sa airport. Hindi ko pinaalam kahit kanino na dumating na sila, lalo na kay Brent, kasi alam ko hindi nun matitiis na hindi mag daldal sa mga ka gang nya.
'BESSYYYYYYY.......'' Sigaw ko kay Eryl nang makita ko syang palabas nang arrival. Agad naman nya akong nakita at nilapitan.
''I miss you bessy.....'' –Akog
''I miss you too. Kanina ka pa?" –Eryl
''Medyo lang naman, Hi Nat! Hi Kuya Mart! Hi Kuya Earl! Welcome back to Manila'' bati ko sa kanila nang makalapit sila sa akin.
''Thanks Rick'' sagot ni Kuya Earl, si Kuya Mart naman tumango lang habang si Natalie nakangiti.
''Let's go, baka may makakita satin dito isumbong pa tayo sa mga yun'' yaya ni Natalie, syempre alam ko kung sino yung mga tinutukoy nya.
Paggaling sa airport, dumiretcho kami sa bahay nila Eryl, nag handa kasi yun mga maid nila nang konting salo salo para sa pagbabalik nila. After namain kumain dumiretcho kami sa kwarto ni Eryl, doon daw nya ididiscuss yung plano para sa bukas.
BINABASA MO ANG
HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORY
RomanceLove comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect story to show how FRIENDSHIP conquers RIVALRY................. "Sa dinami dami nang taong mamahin mo...