CHAPTER 65 : THANKS TO YOU

5.5K 113 9
                                    

NP: A Thousand Years

Walang nag-akalang darating pa ang araw na ito, araw na kung saan magsasama sama kaming lahat sa isang okasyong inakala naming hindi na mangyayari. Buong barkada halos kumpleto, lahat ng tao masaya para sa kanya, pati langit mukhang nakikisama, hindi masyadong mainit, makulimlim na tila nagbabadyang umambon, pero sabi nga nila blessing daw yun. Hindi maiwasang mamangha ang lahat sa kanya habang naglalakad sya suot ang kulay puting damit papunta sa lalaking buong buhay nyang minahal. At kahit natatakpan ng belo ang kanyang mukha, hindi maitatago nito ang labis nyang kasiyahan. Sa wakas, makalipas ang 6 taon, ikakasal na sya sa lalaking buong buhay nyang pinangarap, lalaking una't huli nyang mamahalin, lalaking papangakuan nyang ano man ang mangyari, hindi hindi na nya iiwanan. Salamat sa isang taong naging dahilan nang lahat ng toh.

FLASHBACK: 4 years ago

Kakatapos ko lang magiimpake ng gamit, ko ng biglang tunog yung phone, iidlip pa naman sana ako dahil halos wala akong tulog kagabi. Anong oras na kasi nagsimula yung Program kagabi, naghabulan pa kami ni Jam, tapos sinamahan ko pa sya magdamag. Hindi ko n asana sasagutin yung tawag dahil unregistered number naman, kailangan kong matulog dahil mamaya na yung alis ko papuntang States, at didiretcho pa ako sa Engagement party naming ni Ken, pero sa di ko maipaliwanag na dahilan, bigla kong pinindot yung answer button.

''Hello, sino to'' tanong ko sa nasa kabilang linya.

''Eryl toh Natalie'' sagot nya. Eryl? Oo nga pala, bago matapos yung foundation week, hinigi nya yung number ko.

" O hi! Bakit ka napatawag?" –Ako

" I heared from Kuya that you're leaving tonight, is it true?" –Eryl

" Yes, I'm going to States" –Ako

"You're leaving Jam? You will marry Kenneth?" Tanong ulit nya. Hindi na ako nagulat na alam nya, malamang sinabi na ni Martin.

"Yes" tipid kong sagot.

"No! You're not leaving anywhere, and you're not marrying Kenneth" mariin nyang sabi. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata.

"I'm sorry Eryl, but I have to. Babagsak ang negosyo ng Papa ko kapag hindi ko ginawa to, and I can't take it. " naiiyak kong sabi. Sa totoo lang ayaw kong umalis at iwanan si Jam, pero mas pipiliin kong iwanan sya kesa sya ang sisihin ng Papa ko kung bakit mawawala sa amin ang pinakamamahal nyang negosyo.

"Remember the day when you ask my brother kung anong dapat mong gawin para ibalik namin yung share naming sa kumpanya nyo, I have my answer now. Stay here. Stay with Jam, don't leave him. Kung talagang mahal mo sya, prove it to him, wag mo syang iwan for the second time. Hindi ka pa ba nadadala Natalie? You're repeating the same mistake you did 3 years ago. iniwan mo sya kaya nya nagawang saktan ako, kung iiwan mo ulit sya sinong sunod na taong sasaktan nya? C'mon Natalie. I'm giving you a chance to prove yourself. Don't leave, I'll make sure everything will back to normal." –Eryl

Hindi ako nakasagot, natulala ako. Inisip ko kung kaya ko ba yung pinapagawa nya. Alam ko kahit mag stay ako, hindi na nun mababago yung katotohana na iniwan ko sya noon, at iba na ang mahal nya ngayon. Pero tama sya, I have to prove myself. Kailangan kong patunayan na mahal ko sya, by staying on his side no matter what. Dahil wala na sya sa linya, I just texted her na payag na ako sa gusto nya. She didn't reply, but after 20 minutes I receive a call from Dad that everything is back to normal. Hindi ko na kailangan umalis at pakasalan si Kenneth. Again, I was shocked. Sa loob ng ilang minute kayang nyang baguhin yung buhay ng tao,"

End of Flashback

Yes, it's me. I'm Natalie Joyce San Juan – Samonte. Kapag ako nag mahal totoo walang biro seryoso, pero minsan may mga pagkakataon talagang kailangan mong talikuran kung taong mahal mo para matawag kang mabuting tao, minsan kailangan mong isakripisyo yung kaligayahan mo kung kapalit nito ang kaligayahan ng mga taong mahalaga sayo. Pero salamat na lang at may mga taong handing baguhin ang tadhana mo.

HEARTACHE OF A GANGSTER: ALMOST A LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon