Napapailing na pinatay na lang nya ang Cellphone nya at saka muling nilagay sa shoulder bag niya.
Kanina pa kasi tawag nang tawag si Jake or rather this whole week pa pero ayaw nyang sagutin.
After last time na kumain ito sa unit ko ng lunch ay iniwasan ko nang sagutin pa ang mga tawag nito sa akin.
Aaminin ko na natatakot ako kasi baka muling mahulog ang loob ko sa kanya...
Okay mahal ko pa rin si Jake but the fact is may asawa na siyang tao at saka baka ako lang ang nag aasumed na may ibig sabihin ang mga kilos at salita niya,Kaya hangga't maaga,
Hangga't kaya ko pa, ako na lang ang iiwas dito,
Dahil baka sa huli ako pang muli ang magmakaawa na balikan nya ako kaparis dati,Mamaya maya pa ay may dumungaw sa cubicle nya.
"Ano Reona tuloy ba tayo ma'mya?" Tanong ng katrabaho nyang babae.
"Yes count me in" nakangiting sagot ko dito.
Niyayaya kasi ako nang mga ka officemates ko na makipag group date at pumayag ako tutal for fun naman lang ito.At saka single naman na ako matagal na,
Siguro it's about time na na makahanap na ako ng bagong pag ibig at baka sakali makalimutan ko na si Jake,Who knows di ba?
Pagkaalis ng officemate ko sa cubicle ko ay agad na pumunta na ako sa ladies room para mag retouch ng make up ko at ayusin muli ang sarili ko.
Pagkatapos ay lumabas na ako at sumama sa naghihintay ng mga kasamahan ko at saka sabay sabay na kaming umalis.-------------
Pagdating namin dun sa meeting place ay agad na kinawayan kaming apat ng isang grupo ng apat din na lalaki,
Agad na pumunta kami dun at agad na nagpakilala.It turns out na same building lang pala kami pero ibang kumpanya lamang,
Kaya pala pamilyar na yun mga kasama ko sa apat na lalaki.Agad na nagpakilala kami sa isa't isa at tila may mga pares pares na pagkat sila sila na lang na mga magkakaharap ang magkakausap,
Maliban sa amin ng kaharap ko."Hi, I'm Carlo Agustin and you are? Pakilala ng kaharap ko sabay lahad ng palad.
Palagay ko nasa mid twenties lamang ito,
Cute ito at singkit ang mga mata saka maputi.Ngumiti ako dito at inabot na dito ang kamay ko para makipag handshake.
"Reona Corpus, nice to meet you" sagot ko dito.
Ilang sandali pa ay palagay na ang loob ko dito,
Masarap kasi etong kausap,
Kalog, makuwento ito at madalas napapatawa talaga ako sa mga jokes nito.Halos maghahating gabi na kaya nagkayayaan na din kami na umuwi na.
Si Carlo na ang nagprisinta na ihatid ako sa unit ko kaya pumayag na ako.
Mukha naman kasing di ito gagawa ng masama at kaibigan na din ang turing ko dito.------------------
"Thanks for the ride Carlo" wika ko kay Carlo after na makababa ako sa kotse nito.
"You're welcome and can we meet again just the two of us.....say this sunday are you free?" Tanong nito sa akin.
He's Cute but no Darling wag kang pumayag agad at baka akalain nya na easy to get ka lang,
Matuto ka na! Pangaral ng isip ko."As much as I want too may pupuntahan kasi ako this coming Sunday kaya sorry" hingi ko nang paumanhin.
That is partly true pagkat binibisita nga nya si Roxanne tuwing linggo at di pa sya pumapalya,