"How could you Jake!" Napapikit ako sa lakas ng boses ni Papa.
After nang nangyari na pagtatapat ko kay Lucille nang totoo ay pinapunta agad ako nina Papa at Mama sa library.
Si Lucille naman ay tumalilis agad.
"She always lie to me Papa in the past,at di pa ako nadala lagi na'y naniniwala ako sa babaeng yun. She trap me in her web of lies, pinapanagot nya sa akin ang batang di ko naman kadugo kahit kayo niloko nya" paliwanag ko dito.
"That's not enough reason para papaniwalain kaming lahat sa hinabi nyong kasinungalingan nang kinakasama mo Adam!" Singit ni Mama na mugto na ang mga mata sa walang tigil na pag iyak.
"Walang kinalaman si Reona dito Mama! Kayo ang nag assumed na anak namin ni Lucille si Johanna,
Binigyan nyo ako nang ideya kung papaano magagantihan ang babae na yun!" Pagtatanggol ko kay Reona.Napasinghap si Mama dahil sa sinagot ko dito.
At napahawak ito sa dibdib nito at natatarantang agad na dinaluhan naman ito ni Papa."Jake!" Sita ni Papa sa akin.
Tumingin ako dito.
"Iniwan ko si Reona para gawin ang tama, ang panagutan ang obligasyon ko sa anak ko at kay Lucille Papa, alam nyo ba kung anung naramdaman ko nun?" Tanong ko sa mga ito.
"Gusto kong tumakas, iwan si Lucille at yayain na magtanan si Reona at magpakalayo layo pero di ko ginawa kasi ginawa ko ang tama pagkatapos ano? Niloloko lamang nya pala ako Papa, Mama" dagdag ko pa sa mga ito.
"Pero Jake....."
"Di ako nakakaramdam nang pagsisisi na ginawa ko yun kay Lucille pero nagsisisi at natatakot ako kasi di ko magawang ipagtapat sa babaeng mahal ko na pagkatapos ko syang paasahin at pasakitan pagkaraan ay iwan pagkatapos kinuha ko pa ang anak namin at pinaniwala sya na patay na ang anak namin at ang mas masakit pa ay ipaalaga pa sa kanya ang inaakalang anak namin ni Lucille where in fact anak naming dalawa si Johanna sa takot ko na mawala silang dalawa sa akin" naiiyak na paliwanag ko sa mga ito.
"Jake hijo" umiiyak na nayakap ako ni Mama.
"Di ko magawang ipagtapat kay Reona ang totoo dahil mahal na mahal ko sya....silang dalawa....
Ayaw ko na mawala sila sa akin Mama, Papa" tuluyan nang napaiyak ako sa balikat ni Mama."Then as soon as possible ipagtapat mo na kay R---reona ang katotohanan at tanggapin mo ang galit nya at ipagdasal mo na maiintihan ka nya" payo ni Papa sa akin.
Naiiyak na napatango ako dito.
"Pupuntahan ko lamang si Johanna Ma, Pa please excuse me" paalam ko dito.
Tumango ang mga ito at umalis na ako para harapin naman ang anak ko.
-----------------
"Johanna...." tawag ko sa anak ko na pahigang nakadapa sa kama nito.
"Go away! I hate you Daddy!" umiiyak na taboy nito sa akin.
Napakagat labi ako sa pinipigil kong mga emosyon.
Dahan dahan na lumapit ako sa kama nito at lumuhod malapit sa may ulunan nito.
"I'm sorry Johanna nagsinungaling ako sa'yo" umpisa ko dito.
"I said go away!" Mas lalo nitong sinubsob ang ulo nito sa unan.
"Johanna listen to me please hear my unreasonable reason pakiusap" sabi ko dito at hinawakan ang balikat nito pero di ako nito pinansin.
I just sigh and stare at my daughter.
"I always said to you na you look like your mother at totoo yun,
Kamukha mo sya at mahal na mahal ko kayong dalawa nang Mama Reona mo at para sa akin kayo ang pinakamahalaga para sa akin....
You know na mahal na mahal ka nya kahit ang alam nya ay di ka naman nya anak.....
Alam ko kasalanan ko lahat kung bakit naniwala ka sa mga nakikita mo at sinasabi nang mga taong nasa paligid mo, at di ko magawang itama yun,
Walang kapatawaran ang nagawa ko sa inyo ni Reona,alam ko yun,
At kung magagalit ka sa akin na lamang please,
Walang alam ang Mama mo dito, ako lamang kaya sa akin ka na lang magalit wag sa kanya kasi ang alam nya patay ka na nang isilang nya,
Marami akong pagkakataon na sabihin ang totoo kay Reona pero di ko magawa kasi natatakot ako na mawala kayo sa akin na dalawa" mahabang paliwanag ko dito.Nang wala akong makuhang reaksyon at malungkot na akma na sana akong aalis sa kwarto.
"Daddy" mahinang tawag nito sa akin.
Agad na lumingon ako dito at nakita ko na mugto na ang mga mata nito gawa nang walang patid na pag iyak.
Agad na lumapit ako dito at saka umupo sa kama nito.
"Johanna"
"Umuwi na tayo kay Mommy Reona magsosorry din po ako sa Mommy ko sa lahat nang bad words na sinabi ko sa kanya po pati na mga bad actions ko po Daddy" anito at napangiti ako saka nayakap ito nang mahigpit.
"Thank you Johanna for listening to me"
"Bata pa po ako Daddy at wala po akong alam sa mga kasalanan nyo, baby pa po ako nun eh,
kaya po dapat di ako masyadong magalit slight lamang po dapat at saka si Mommy naman po talaga pala ang Mommy ko at kasa kasama ko lagi, kaya po tara na umuwi na po tayo kasi gusto ko nang makita si Mommy, kay Mommy ka po dapat magpaliwanag" Sabi nito sa akin.Napangiti ako dahil sa sinabi nito.
"Yes Darling uuwi na tayo at ipagtatapat ko na kay Reona....
Sa Mommy mo ang totoo" sagot ko dito saka hinalikan ang noo nito."Ang Mam Reona nyo?" Tanong ko agad sa katulong namin nang makauwi kami.
"Eh Sir nasa baka nasa kwarto nyo po kagabi pa kasi di lumalabas baka masama na naman ang pakiramdam" sagot nito.
Tinignan ko si Johanna at saka hinawakan ang munting kamay nito.
"Tara na" anyaya ko dito at pumunta na kami sa kwarto namin ni Reona.
Pagkadating namin dun ay nagtaka pa ako nang makitang tila di naman nagusot ang kubre kama tanda na di ito tinulugan kagabi.
"Reona!" Tawag ko dito at pumunta sa dressing room sa pag aakalang nandun ito.
Pero wala ito dun aalis na sana ako nang mapansin ko ang note na nakadikit sa may salamin.
Kinakabahan na lumapit ako dun at dahan dahan na kinuha ang note at binasa.
Dearest Jake,
I'm sorry pero di ko na kayang makiamot sa atensiyon mo na dapat ay para lamang sa mag ina mo,
Aalis ako di dahil sumusuko ako sa'yo,
No I'm leaving because I love you so much,
That I cannot handle my growing jealousy in your love for your family,
Reona,
Naiiyak na napaluhod ako,
Di ako makapaniwala sa nabasa ko.
Nasaktan ako na halos ikamatay ko na ang desisyon ko na iwan ito...
Pero mas masakit pala ang iwan ka nang mahal mo na parang pinipiga ang puso mo sa sakit at gusto mo na lang isipin na di ito totoo,
Na panaginip lamang ang lahat nang ito at gusto mo nang gumising pero di mo pa din na magawang imulat ang mga mata mo.......