"What?!!" Di makapaniwalang sigaw ni Joey sa sinabi ko dito.
Naiiritang nag iwas ako ng tingin dito.
"Di nga Pare?"
"I told you already Joey and you know na ayaw kong umuulit nang nasabi ko na" sagot ko dito.
Excited na umupo ito sa couch sa harap ko at tinignan ako nang matiim."What?!" Ngumisi ito at saka umiling iling.
"At tapos Pare ikaw pa umiiwas, Tol kung iniisip mo pa si Lucille mo dapat wag na, kasi hiwalay na kayo at karapatan mo naman i pursue yun bagong pag ibig mo" nanunudyong sabi nito.
"Sinabi ko na di ba? Yun nangyari sa amin ni Reona,dala lamang yun nang malungkot lamang ako at isa pa nagtatampo ako kay Lucille dahil sa pasya nya pero di ako desperado para tumawid agad sa isang relasyon na di pa ako sigurado"
"O ayan na mismo nagmula na sa labi mo yan Relasyon thingy na yan eh ang ibig ko lang naman sabihin ay makipag date ka dyan sa nakilala natin sa party ko, tutal sabi mo nga compatible kayo sa kama at namimiss mo s'ya----"
"Joey ang bibig mo" namumulang putol ko sa sinasabi nya.
Natatawang nagtaas ito nang kamay.
"Opo di na pero seryoso Pare if attracted ka dyan kay Reona Girl di ka dapat maguilty kasi wala na kayo ni Lucille, ikaw din malay mo manawa na kahihintay yan si Reona Girl at maghanap yan nang iba---"
"Joey stop it!" Di ko mapigilan na mapasigaw ulit dito.
Ang isipin na baka nga magsawa si Reona sa kakahintay sa akin at maghanap na lamang nang iba ay nagdudulot ng bigat sa dibdib ko na bago sa akin,Dahil kahit madami ang nakapaligid kay Lucille na mga lalaki ay pakiramdam ko pa nga na proud pa ako kasi napakaganda nito.
Pero kay Reona.......
"Hay naku Adam maglinis ka muna nang utak mo ha baka puro kasi yan agiw at yan puso mo ipa ultrasound mo at baka magsalita na yan at sabihin sa yo na tama ako sa payo ko sayo" nadinig ko pang sabi ni Joey pagkaraan ay huminto ito at tinignan ang wallclock na malapit sa may pinto. "Oh shit three na pala, may meeting nga pala ako" tumayo na ito. "Gustuhin ko man na pangaralan ka pa di pwede at may trabaho pa ako" paalam nito.
Tumayo na din ako at hinatid ito hanggang sa may gate.Nang makaalis si Joey ay nanatili akong nakatayo sa may patio at nililimi sa isip ko ang napag usapan namin.
Sinabi ko dito na may nangyari sa amin nun nakilala namin sa Party nito at ako nga yun naka una dito tapos wala kaming malinaw na usapan sa kung anung meron kami,
Basta nung paalis na ako sinabi ko dito na kung may kailangan ito o kung sakali na may mangyari na di inaasahan tulad ng pagbubuntis ay binigay ko dito ang numero ng telepono nang opisina ko.
At di ko alam kung anung mararamdaman ko.
Kung maiirita, maiinis,
Maiilang...o matutuwa,Pagkat pirme na ay tumatawag ito sa akin para kamustahin ako kung okay ba ako o kumain na ba ako.
Ni minsan kasi wala pang nag alala at nagpapaalala sa akin ng tungkol sa health ko sa mga past girlfriends ko kahit si Lucille.
Somehow it makes my heart dance in joy sa mga simpleng salita na yun,
Kaya ayaw ko man ay pilit na iniwasan ko si Reona kasi natatakot ako sa mga bagong pakiramdam na nadarama ko.Pakiramdam ko parang mas matindi ang attraction at pagkagusto ko na makasama at maangkin ito higit kay Lucille.
At nun ginawa ko na iwasan ang mga tawag ni Reona ay parang may bato na dumagan sa katawan ko,
Parang nanlalata ako at aburido bagay na napansin ni Joey at dahil mausisa ito ay sinabi ko dito ang problema ko.
Tila sumasakit ang ulo ko kakaisip kaya pinakuha ko sa katulong namin ang susi ng sasakyan ko at dala ito ay umalis na ako nang bahay na walang tiyak na pupuntahan.
--------------------
Fuck! Fuck! Fuck! Naiinis na nahampas ko ang manibela ng kotse ko nang napagtanto ko na huminto ako sa harapan ng building kung saan ay nagtatrabaho si Reona.
Nang mahupa na ang inis at pagkapahiya na nararamdaman ko at saka tumingin ulit sa building sa harapan ko.
Ilang sandali pa ay tila tumalon ang puso ko pagkakita sa papalabas na si Reona.
Di ko mapigilan na mapangiti at saka napahilig sa upuan habang lihim na pinagmamasdan ito.
Pero agad din na napaupo ulit ako nang napansin ko na napahinto sa paglalakad ito.
Lumingon ito sa likuran nito at nakita ko na may humahabol na binata dito at saka magkasabay na muli ay lumakad ang mga ito.
Agad na inatake ako nang selos lalo't tila pamilyar sa isa't isa si Reona at ang kausap nya dahil nagtatawanan pa ang mga ito.
Di ko na napigilan ang sarili ko na bumaba nang sasakyan ko at pumunta kay Reona.
"Reona!" Tawag ko sa pangalan nito at tila slow mo na umikot ito.
Tila nagulat ito pagkakita sa akin.
Lumapit ako dito at saka inakbayan ito."Jake!" Tila naman natauhan na si Reona at napatingala sa akin.
Ngumiti ako dito at kinintalan nang halik ang mapupulang labi nito.And it feels heaven, nang madampi ko na ang labi ko sa labi ni Reona.
At isang sigurong desisyon ang nabuo sa isip ko.
I will take her make her mine and mine only and never will ever let her go....
For me to claim 'coz....
She was mine....."Di mo ba ako ipakilala sa kausap mo Reona?" Malambing na tanong ko dito nang tapos ko nang halikan ito.
Napakurap kurap ito at lumingon sa akin pagkaraan ay sa kasama pa nya at pagkatapos ay namula ito.
Napangiti ako lalo pagkat nag eenjoy ako sa mga reaksiyon ni Reona.
"Ahm..... ano Kyle si Jake...Jake si Kyle ka officemate ko" pagpapakilala nito sa amin.
Ngumiti ako dito at nakipag kamay na tinanggap nito.
"Shucks ang gwapo naman nitong dyowa mo Reona" malanding sambit ni Kyle na kinagulat ko.
Naramdaman ko na kumapit ang kamay ni Reona sa braso ko.
"I---Ikaw talaga Kyle" namumulang sagot ni Reona dito.
"Hmp... sige inggitin pa ako, naku dyan na nga kayo muna at baka nakakaistorbo na ako kaya eexit na muna ako bye Reona" paalam ni Kyle at nakipagbeso beso na ito kay Reona at pagkaraan naman ay tumingin sa akin.
"Ingatan mo yan friend ko ha"bilin nito at tumango ako bilang tugon.
Nakangiting kumaway na ito at umalis na kaya naiwan kaming dalawa ni Reona.
"Ahm Jake ba't ka nagpunta dito?" Alanganin na tanong ni Reona sa akin.
Ngumiti ako dito at muli dinampian ko nang halik ang labi nito.
"I want to invite you for a date, can I get a yes to you?" Malambing na tanong ko dito.
Napakurap ulit ito pagkaraan ay gumuhit sa mga mapupulang labi nito ang isang malaking ngiti.
At ang mga mata nito ay dagling nangningning."Of course Jake" agad na sagot nito.
Natatawang inalalayan ko ito papasok sa kotse ko at saka pinaandar ko na ito papaalis sa lugar na iyun.