"Mommy!" Matinis ang tinig na sigaw ni Rowan habang pasalubong sa akin.
Natatawang inuumang ko ang dalawang braso ko para yakapin ito.
"Rowan Baby namiss kita" malambing na sabi ko dito.
"Mommy di na po ako baby" angal nito at nakasimangot na tiningala ako.
"Sorry nakalimutan ko po" nakangiting ginulo ko ang buhok nito.
"You always forget it Mommy, but I love you po so much, so you're forgiven na po" anito at niyakap ako nang mahigpit at inihilig ang mukha nito sa balikat ko habang ako naman ay kinarga na ito.
"Mama na nga po si Rowan ko ang bigat bigat na eh" natatawang puna ko dito.
"Because Mommy I eat and eat lots of gulay and fish tapos Rice po kasi po ang sabi ni Titser ko po maganda daw po yun para mabilis lumaki daw po ang bata" sagot nito saka bumaba sa pagkakakarga ko at tinaas ang magkabilang manggas nang T shirt nito inimuestra ang dalawang braso nito nito sa akin.
"See Mommy I have a muscle" nakangising pagyayabang nito sa akin.
"Muscle baka taba" biro ko dito.
"Taba man ito Mommy ngayon, bukas muscle na po ito" anito.
Natawa ako lalo dito."Naku halika ka na nga at pumasok na tayo sa loob ng bahay" anyaya ko dito saka hinawakan ang munting kamay nito.
"Ang Tita Danna at Tito Damian mo saka si Jessica nandyan ba sila?" Tanong ko dito habang naglalakad kami papunta sa bahay.Tumango ito.
"Opo nanonood kami nang TV po nang makita kita po kaya agad na lumabas ako po saka sinalubong po kita" sagot nito saka bumitiw sa pagkakahawak ko at nagpatiuna na ito para buksan ang Narrang pintuan.
"Tita Danna! Tito Damian! Jessica nandito na po si Mommy!" Sigaw nito pagkapasok na pagkapasok naming dalawa.
Agad na sinalubong kaming dalawa ni Rowan ng mga ito.
"Uy friend mukhang hiyang tayo sa Maynila ah gumaganda lalo tayo eh" nakatawang puna ni Danna sa akin.
"Ikaw talaga Danna oh lagi mo na lang akong binobola"
"Di nuh ang blooming blooming mo kaya" pinagmasdan pa ako nitong mabuti. "Para kang in love" bulong nito sa akin na agad na ikinainit ng magkabilang pisngi ko.
"Danna!" Humagikhik lamang ito sa akin.
"Tita Danna, Mommy magmeryenda na daw po tayo sabi ni Tito Damian" mula sa kusina ay patakbong lumapit sina Rowan at Jessica sa amin ni Danna.
"Halika ka na" anyaya ni Danna sa akin saka hinila na ako pasunod dito.
Naiiling na nagpatinaod ako dito papuntang kusina.
--------------------
"Hurry Daddy faster" magaling na utos sa akin nang magaling kong panganay.
Naiiling na natatawa na binilisan ko bahagya ang pagpapatakbo nang sasakyan.
"Eto na po binibilisan na po mahal kong anak"
"Daddy naman kasi why did you let Manong Fred having day off 'yan tuloy ikaw pa Daddy ang nag dradrive you be gonna pagod na mam'ya pag nakarating na tayo sa house nang Friends po ni Mommy" angal nito saka nakapout na humalukipkip.
"Importante kasi ang pupuntahan ni Manong Fred at matagal na nya itong inaabiso sa akin" sagot ko dito na di inaalis ang paningin ko sa tinatahak na daan namin.
"Okay po,ikaw lang naman Daddy inaalala ko po"
Napangiti ako at saka inabot ang buhok nito at bahagyang ginulo."It's okay and being you here with me give me so much energy so don't worry" sagot ko dito.
Ilang sandali pa at nakarating na kami sa Address na nasa report.
"Oh gosh! Daddy I'm so excited na po na mameet ang baby Brother ko" wika ni Johanna at sya na ang nagtanggal nang seat belt nya.
Pagkapatay ko nang makina nang sasakyan saka nagtanggal na din ako nang seat belt ko ay magkasabay na kaming bumaba nang sasakyan.
Lihim na kinakabahan talaga ako sa gagawin ko na pagpapakilala namin dalawa kay Rowan.
Pati na ang magiging reaksiyon ni Reona.
Kung magagalit ba ito o maiinis sa pangunguna ko sa kanya,
Alam ko na malabong matuwa ito sa desisyon ko na magpakita at magpakilala kay Rowan nang di nito nalalaman na alam ko na ang lahat,
Pero kasi....nasasabik na talaga akong makilala ang isa ko pang Anak.
Kaya sana dasal ko ay di mainis o magalit si Reona na pinangunahan ko sya....
Alam ko na sasabihin din naman ni Reona sa akin ang tungkol kay Rowan pag handa na s'ya pero ayaw ko naman na ilihim sa panganay ko ang tungkol sa bunso ko.
Kaya di na ako nakatiis at sinabi ko na kay Johanna ang tungkol kay Rowan.
"Hey Dad look my baby brother" turo ni Johanna kay Rowan na papalapit na sa amin.
Kita kitang ito pagkat ang puting gate nang bahay ng kaibigan ni Reona ay malalaki ang awang.
Gusto ko na sugurin na agad ito at yakapin nang mahigpit pero kinalma ko ang damdamin ko.
Nakalapit na ito sa amin at binuksan na nito ang gate.
"Hello Rowan" agad na bati ni Johanna dito.
Kitang kita sa mukha ni Johanna ang galak nang nasilayan nya nang malapitan ang kapatid nya.
Kumunot ang noo nito.
Ngumiti si Johanna at lumuhod para magpantay silang dalawa.
"Ako nga pala si Johanna at eto namang gwapong Mama na ito ay ang Dad----" di na natapos ni Johanna ang pagpapakilala nya sa amin na dalawa dahil bigla na lang kaming tinalikuran ni Rowan at saka nagtatatakbong pumasok sa bahay.
Maang na napatingala na lang sa akin si Johanna na tila nagtaka din sa biglang pag iwan sa amin ni Rowan.
"Di lang siguro sanay makipag usap sa mga estranghero ang kapatid mo kaya iniwanan tayo dito" sabi ko dito at saka inalalayan si Johanna na makatayo na.
"You sure that Dad? Or maybe he doesn't like me?" nag aalalang sagot naman ni Johanna.
Bago pa ako makasagot ay nakita ko na lumabas na si Rowan hila hila si Reona!
Nang magtama ang mga mata namin ni Reona ay dagling namutla ito.
"See Mommy,Bumaba na sa barko si Daddy" nakangiting sabi ni Rowan nang makalapit na sa amin ni Johanna.
Di naman nakasagot agad si Reona dito.
"At saka pwede naman po palang magsama nang anak sa barko Mommy, Unfair naman po bakit ako lang ang naiwan? Bakit si Ate lang ang nasakay?" Tanong ni Rowan dito saka yumakap na agad sa akin ito at kay Johanna.
Di pa din sumasagot si Reona dito.
Basta nakatitig lamang ito sa akin.Ngumiti ako dito.
"We need to talk Reona" pakiusap dito.
Tumango naman agad ito.
"Yeah marami rami nga tayong dapat na pag usapan" tugon nito sa akin.