"Sa Akin talaga 'to ?" Di makapaniwalang tanong ko sa delivery boy habang hawak hawak ko ang basket ng puting rosas.
"Yes po Mam, pakipirmahan na lamang po ito" sagot nito at saka inabot sa akin ang papel na pipirmahan ko.
"O---okay" aniko dito at saka kinuha ang papel at pinirmahan ito pagkaraan ay nagpaalam na itong umalis.
Nang makaalis na ito ay pumasok na ako sa apartment ko at saka nilagay ang basket nang bulaklak sa center table at pagkaraan ay naupo ako sa sofa sa harapan nito.
Habang pinagmamasdan ko ito ay di ko mapigilan ang di mapangiti.
Lalo pa at nang makita ko ang card na kalakip nito.Hi My Reona,
Hope you like the flowers
That I sent for you
I used to remember
You like them
So much,So much that I start to like them,
Because of you,Jake,
Tila lalong lumuwang ang pagkakangiti ko dahil sa nabasa ko,
Para akong kinikilig na Ewan,Napapailing na kinuha ko na lamang ang telepono sa side table at nagsimula nang mag dial para matawagan ko na si Rowan,
Ilang sandali pa ay may sumagot na sa kabilang linya.
"Mommy!!!!" Agad na sagot ni Rowan na parang siguradong sigurado sya na ako yung tumatawag.
Natawa ako dito.
"Rowan, kamusta na ang baby ko?""Mommy I told you, di na ako baby" angal nito na muli ay tinawanan ko.
"Yeah, yeah.....kamusta na ang big son ko?"
"Okay naman po Mommy, ikaw po?" Balik tanong nito sa akin.
"Eto po namimiss na kita, gusto ko nga nandito ka na eh, alam mo ba na ang lungkot lungkot ni Mommy dito kasi wala ka" sagot ko.
"Wag ka nang malungkot Mommy, pero kung talagang namimiss mo talaga ako punta ka na dito ngayon na" napangiti ako at saka tinapunan muli nang tingin ang basket nang bulaklak na pinadala nang Ama nito sa akin.
"Gustuhin ko man baby di pwede kasi may meeting ako mamaya, Sorry ha importante kasi yun para mas malaki ang kitain ng Mommy at nang makahanap na ako ng yaya mo kasi madami nang pera si Mommy para lagi na tayong magkasama" sabi ko dito.
"Mommy naman eh di na nga po ako baby at saka okay lang po yun patience is a trait na namana ko po sa inyo Mommy so okay na po yun I'm willing very very willing to wait po" sagot nito na nagpangiti talaga lalo sa akin.
"I love you Rowan" malambing na sabi ko dito.
"Love you too Mommy lots of lots of love po" sagot din nito sa akin.
Natawa ulit ako at pagkaraan ay nagpaalamanan na kami sa isa't isa.Pupunta na ako sana sa kusina para magluto ng kakainin ko nang muli ay tumunog ang telepono ko.
Agad na dinampot ko ulit yun.
"Rowan may nakalimutan ka?" Agad na tanong ko sa pag aakalang si Rowan ulit yung tumatawag at may nakalimutan itong sabihin sa akin.
"It's not...........R---rowan" natigilan ako nang madinig ko ang medyo paos na boses ni Jake.
"Jake!!!!" Napaupo ako sa sofa at tila nanghina ako pagkadinig sa boses ni Jake.
Tila di na ako ma immune immune sa presensiya ng lalaki na ito.
Ramdam na Ramdam ko pa din ang malakas na kabog ng dibdib ko.