"Sir baka daw pwedeng pakipirmahan na daw po itong mga papel na ito importante raw kasi to ayon kay Manager Santos" ani Tessa sa akin at inilapag ang folder sa tambak din nang mga folder na mesa ko.
"Pakisabi kay Santos irereview ko muna ito masyadong malaki ang itinaas nang presyo nang supplier natin" sagot ko kay Tessa na tumango naman agad at di ma nakipagtalo pa.
Agad din naman na umalis ito at naiwan na akong mag isa sa opisina ko.
Tatapusin ko lamang ang mga nasa ibabaw na mga papeles pagkat sabik na akong umuwi para makasama at makalaro si Johanna.Busy kasi ang mga magulang ko din sa mga parties at charity na dinadaluhan ng mga ito kaya kahit nandyan si Yaya Salome na nag alaga din dati sa akin at ngayon nga ang anak ko naman ang inaalagaan nito gusto ko pa din na personal na maalagaan ito lalo't di ko pa nahahanap si Reona.
Subsob ako sa pagbabasa nang tumunog ang cellphone ko.
Agad na sinagot ko ito nang mabasa ko ang pangalan nang tumatawag.
"Salazar" tawag ko dito.
"Alam ko na po kung nasaan nakatira pati na yun bago nya pong pinagtatrabahuhan nang taong pinapahanap nyo Sir pakibuksan nyo na lamang po ang email account nyo naipadala ko na ang impormasyon na kailangan nyo" anang nasa kabilang linya.
Napangiti ako nang maluwang dahil sa binalita nito.
"Good job Salazar and bukas ipapadeposit ko sa secretary ko ang balanse nang pinag usapan natin with bonus for fast result" sabi ko dito.
"Thank you Sir" anito at saka pinatay ko na agad ang cellphone ko saka binalingan ang computer at dali daling binuksan ko ang email account ko.
Nang makita ko at mabasa ang kailangan na impormasyon ko ay kadyat na tumayo ako at walang pakialam na iniwan ang tambak na trabaho ko.
-------------------
Pinatay ko na ang makina nang sasakyan ko dito sa parking lot at pinagmasdan ang building na bagong pinapasukan ni Reona saka binalingan ang anak ko na nakasukbit sa dibdib ko.
"Darling are you excited makilala at makikita mo na ang Mommy mo, and I'm sure matutuwa yun ang cute mo kasi manang mana ka talaga sa akin" wika ko dito at hinaplos ang matambok na pisngi nito.
Napatingin ito sa akin at saka muli ay pumikit napangiti ako dahil sa ginawi nito.
Huminga muna ako nang malalim at nanginginig na kinuha na ang cellphone ko at dinayal na ang numero ng opisina na kinaroroonan ni Rena.
Ilang saglit pa ay sumagot na ito at tila napugto ang paghinga ko dahil muli ay nadinig ko ang malamyos na boses nito.
"Hello, may I help you?" Anito sa kabilang linya at di ko mapigilan magalak.
Sa wakas......Reona.....
Sa wakas......
"Reona, Reona Corpus?" Tanong ko dito.
Ilang sandali na nawala ito sa kabilang linya at di ko mapigilan na mag panic at mag alala na baka pinagpatayan na nito.
"Y--yes S--speaking who's this?" tanong nito at nakahinga ako nang maluwag at sa kabilang banda ay nakaramdam nang pagtatampo kahit wala naman akong karapatan.
"It's me.....Jake Adam, have you already forget my voice?" Di ko napigilan na manulas sa bibig ko at muli nag panic ako na baka magalit na ito at di na ako kausapin pa.
No way!
Ako ang nang iwan, ako ang may malaking kasalanan sa kanya,
Aarte pa ako!
Buti nga kinausap ka pa! Kastigo nang utak ko.