13th Part

48.6K 909 25
                                    

"Johanna" tawag ko sa anak ko na katabi ko lamang.

Kasalukuyan na pauwi na kami sa bahay ng mga magulang ko pagkaraan na ihatid namin si Reona sa bahay.

"Why po Dad?" Nakapangalumbaba si Johanna sa may bintana at di lumilingon sa akin.

Napabuntunghininga na lamang ako at tinuon ang mga mata sa kalsada.

Alam ko na nalungkot si Reona dahil sa inasta nito kanina sa mall.

Ngumiti na lamang ito at pinilit na sumigla kahit na ramdam ko na gusto na nitong umiyak.

No, ayaw ko na lumala pa ang nararamdaman ni Johanna na di maganda kay Reona.

Kaya dapat matapos ko na ang mga dapat na asikasuhin ko para maipagtapat ko na kay Reona at Johanna ang totoo....

Na sila talaga ang tunay na mag ina....

Na kagagawan ko kung bakit inakala ni Reona na patay na  ang anak namin.

Alam ko na mali ako dapat sinabi ko na kay Reona ang totoo....

Pero naduwag ako.....

"Don't be mean to your Mama Reona, kundi magagalit ako sa'yo and I meant it" sabi ko dito.

"But Daddy, Grannie and Mom----"

"Don't listen to them, sa akin ka lamang makinig Johanna" putol ko sa pag angal nito.
"Listening to your Grannie is fine but to Lucille is not"

"Dad-----"

"She is a stranger Johanna, your only Mother is Reona and only Reona you understand?" Di lumilingon na sabi ko dito.

"But Dad" angal nito.

"You Understand?" Muli ay tanong ko dito.

Napasibi ito at tila pinipigil ang umiyak.

Pagkaraan ay napatango.

"Good Girl" ginulo ko ang buhok nito at saka muli tinuon ang paningin sa kalsada.

"Johanna" tawag ni Lucille kay Johanna nang salubungin nya kaming dalawa.

"Mommy!" Humalik agad si Johanna sa pisngi ni Lucille.

"Si Grannie po?" Pagdaka ay tanong ni Johanna dito.

"Nasa Living Room" sagot ni Lucille dito.

Agad na tumakbo ito sa loob nang bahay.

Lumapit si Lucille sa akin at tinangka na halikan ako sa pisngi pero mabilis na umiwas ako as always.

"Cold as usual" umiikot ang mga mata na sabi ni Lucille at nagdadabog na pumasok na sa loob ng bahay.

--------

"Jake gusto nang anak mo na ipasyal nyo sila ni Lucille bukas" natigilan ako sa gagawin sanang pagsubo at napatingin kay Johanna na ngiting ngiti.

Pagkatapos ay lumingon ako kay Lucille pati na kay Mama na tila hinihintay ang isasagot ko.

"Ma may----"

"Daddy please you promised that you treat me and Mommy so please" lumapit sa akin si Johanna at tila nagpapa cute na tinignan ako.

"Jake please para sa bata" ani Lucille.

Napapikit ako pagkaraan ay hinaplos ang mukha ni Johanna.

"Alright Darling" ngumiti ako dito.

A REBOUND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon