1st Part

59.9K 905 26
                                        

"Is this report already complete?" Tanong ko sa imbestigador sa harapan ko.

Tumango ito at saka sumagot.

"Yes Sir, apparently ang Rowan na po na gusto nyong imbestigahan ko ay lumalabas na anak po nang Reona Corpus eto po yun nakuha ko sa NSO na birth certificate" sabay abot sa akin ng isa pang envelop.

Naikuyom ko na lamang ang mga palad ko ng lihim sa kumpirmasyon na tama pala ang hinala ko sa bagay na matagal nang gumugulo sa isip ko.

Agad na kinuha ko yun at binuksan at nahigit ko ang paghinga ko dahil sa nabasa ko.

Agad din naman na binalik ko yun sa envelop at pormal ang mukha na hinarap ang imbestigador.

"At Mr. Montecarlo eto naman po ang mga larawan po nilang magkasama" anito at kinuha ulit ang mga folder at kinuha ang mas maliit na envelop at muli ay inabot sa akin.

Malakas ang kabog ng dibdib ko na tinanggap ito at huminga muna ako nang malalim at maingat na binuksan ito.

Tumambad sa akin ang mga larawan ni Reona na may kasamang bata na palagay ko ay nasa apat hanggang lima ang edad na parang carbon copy ko nun time na ganun din ang edad ko.

"Sige makakaalis ka na" utos ko dito. "Kunin mo na lamang sa secretary ko ang tseke ng kabuuang halaga nang pinag usapan nating presyo ng serbisyo mo at salamat for your job well done this second time around" ngumiti ako dito.

"Walang anuman Sir panu po mauna na ako" paalam nito at saka lumabas na nang opisina ko.

Naiwan akong muli na mag isa.
At muli pinagmasdan ko ang mga larawan ni Reona na kasama ang batang si Rowan.

Rowan..... napangiti ako nang malaki at saka hinaplos ang larawan ng mag ina ko na kapwa nakangiti at yakap yakap ni Reona si Rowan.

Tama mag ina ko,
Di na kailangan na pagtalunan pa pagkat walang duda na sa akin siya nanggaling.
Mula mata hanggang wangis ng mukha pati na ang prominenteng tangos nang ilong nito at kurba ng labi,

Walang duda na minana n'yang lahat sa akin.

Napuno din nang fondness ang mga mata nya nang pagmasdan nya ang nakangiting mukha ni Reona.

Damang dama nya sa larawan na ito ang umaapaw na pagmamahal nito sa anak nya....namin.

Tuloy muli ay nanariwa sa isip nya ang nakaraan.....

[][][][][][][][][][][][][][][][]

"What?!" Gulat na sigaw ko matapos sabihin ni Lucille na muli ay pumirma ito ng two years contract sa Model Agency nito sa Paris.

"Adam you know naman na matagal ko na itong pangarap di ba?" Malambing na wika ni Lucille at saka niyakap ako.

Napapabuntung hininga na lamang ako sa pagpipigil ko na magalit dito at isatinig ang pagtatampo ko dahil di man lamang ako nito kinunsulta sa desisyon nito na muli ay pagpirma.

Last year after din gawin nito na di magpaalam sa akin na pagpirma ng six month contract at mangako na after na matapos yun ay aasikasuhin na nito ang pagpapakasal na namin.

At eto nga excited na excited pa naman ako sa pagdating nito tapos eto pa ang isasalubong nito.

Ang muli ay pagpirma nito at  pagpunta muli sa Paris.

"Adam...." napapikit ako sa inis saka napasabunot ako sa buhok ko at kumalas sa pagkakayakap nito.

"Pag pumunta ka sa Paris this time around maghiwalay na tayo Lucille napapagod na akong maghintay sa iyo" sabi ko dito.

A REBOUND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon