Abala ako sa pagpirma ng mga dokumento nang tumunog ang telepono sa tabi ko kaya binaba ko muna ang ballpen at saka dinampot ang telepono.
"Hello who's this?" Agad na tanong ko sa kabilang linya.
"It's me" agad na napasikdo ang dibdib ko nang madinig ko ang baritonong boses ni Jake.
"J--jake!" I exclaimed and then I hear Jake chuckled at the other line.
"Are you free this evening?"
"Ahm wait tignan ko lamang sa planner ko" sabi ko dito sabay kuha ko nang planner ko na kung saan nakasulat ang mga scheduled ko.
"Ahm after ng meeting ko mam'yang six wala na why?""Well I just to want invite you.....Ahm what I mean is I want the three of us to have dinner in your favorite restaurant, Johanna insisted na dapat kasama ka kundi magtatampo daw siya sa akin, So please can I get a yes to you?" Sabi nito sa kabilang linya at di ko napigilan ang mapangiti.
Nai imagine ko silang Mag ama sa utak ko na si Johanna nakasimangot at nakahalukipkip dahil di napagbigyan ang gusto at si Jake na pilit inaamo ang anak.
"Reona?" Napakurap ako nang tawagin ni Jake ang pansin ko mula sa kabilang linya kaya napahigpit ang hawak ko sa telepono.
"Yeah.....I mean of course basta para kay Johanna go ako d'yan" agad na sagot ko dito.
"Si Johanna lang? What about me?" Agad na kumabog ang puso ko nang pagkalakas lakas sa tanong nya na yun.
"Jake-----"
"Hey I'm just joking but really thank you Reona sa pagpayag sa imbitasyon ko na mag dinner date tayong tatlo" putol nito sa sasabihin ko dapat.
"Yes my pleasured so after my meeting ko pupunta na lamang ako dyan"
"Are you sure? Wait if kami na lamang ang sumundo sa iyo" pag aalok nito which make my heart sing in joy for Jake because I clearly see that he try at his utmost best na ipakita sa akin na nagbago na talaga sya.
Na willing sya na maghintay sa akin at manuyo hanggang maramdaman ko na ulit na kaya ko na ulit na magtiwala kay Jake.
At isa na nga dito ay ang pagiging maunawa nya at ramdam na ramdam ko ang effort nya na iparamdam sa akin na mahalaga nga ako para sa kanya.
Pati nga pagpapadala ng mga bulaklak inaara araw na nito at pag may time ito ay sinusundo pa ako nito sa opisina kaya madalas tinutukso ako ni Mira dahil dun na tinatawanan ko na lamang.
"It's okay Jake malapit lamang naman yun meeting place natin dun sa pupuntahan ko na meeting" tanggi ko sa alok nito.
"Are you sure?"
"Sure na Sure" sagot ko dito at nagpaalam na ako dito na marami pa akong gagawin.
-------------------
"Hey sorry na late ako" nagagahol na bati ko sa mag ama at nakipa beso beso sa mga ito nang makita ko na ang dalawa na naghihintay na sa akin sa mesa na nakareserved sa kanila.
"Di naman po Mama Reona kadarating dating lamang din namin" malambing na sagot ni Johanna sa akin habang si Jake naman ay tumayo at saka inalalayan ako na makaupo katabi nito.
"Order na po tayo?" Tanong ni Johanna sa akin na tinanguan namin pareho ni Jake.
Ilang sandali pa dumating na din ang waiter at pinaubayo ko na sa mag ama ang pag order nang kakainin namin.
After nun ay masayang nagsalo salo ng kaming tatlo sa hapunan.
At habang nagkukwentuhan kami at nagtatawanan ay nahiling ko na sana kasama namin dito si Rowan.
Di ko pa nga magawang ipagtapat kay Jake na may anak na ulit kami at naipagkamali nga nito na kasintahan ko yun at di ko na din tinama.
Love is not the issue here nor my fear of falling in love all over again to him,
Eh Mahal na Mahal ko pa din kaya ang hudyo na ito,It's the trust,
Oo pagtitiwala at pagiging totoo ko dito,
Walang secrets.....
Di tulad ngayon.Natatakot kasi ako sa magiging reaksiyon nito pag nalaman nito na nilihim ko dito ang tungkol kay Rowan.
I know Jake masama s'yang magalit pag nalaman nya na nagsinungaling ka sa kanya.
Na niloloko mo s'ya,He can be a shrewd and make your life miserable,
I know, ilang beses ko na yun nakita na ginawa nya sa mga tauhan nya na may di magandang ginawa sa kanya pati na yun mga taong akala nya ang kaibigan nya na niloloko pala sya,Yes di ko sya niloloko but may linilihim pa din ako dito.
At kahit may pagkakataon ako na sabihin dito ang tungkol kay Rowan ay tila di magawang gumalaw ng dila ko at isaboses ang tungkol sa anak namin.Kahit pa alam ko at ramdam ko na mahalaga ako sa kanya,
I don't want to be in Jake list of Enemy.As if on cue ay nag vibrate at tumunog ang cellphone ko na nasa bag kaya agad na kinuha ko yun sa pag aakala na related yun sa trabaho ko.
Pero natigilan ako nang makita ko sa screen na si Rowan ang tumatawag at saka kinakabahan na napatingin ako sa mag ama na akala ko ay abala sa pag kain pero si Johanna lamang pala yun kasi si Jake ay mataman na nakatitig pala sa akin.
Alanganin na ngumiti ako dito.
"Ahm excuse me lang ha, importante lamang kasi itong tawag sagutin ko lamang" paalam ko kay Jake at inimuestra ang cellphone ko dito.
Pormal ang mukha na tumango ito sa akin kaya dali daling pumunta ako sa may malapit sa comfort room.
"Rowan Anak, kamusta na ang baby ko!!!" Excited na bati ko sa anak ko.
"Mommy di na po ako baby eh" angal nito mula sa kabilang linya.
Napangiti naman ako sa pamilyar na sentimiento nito tungkol sa pagtawag ko nang baby.
"Opo sorry nakalimutan ko po peace na po tayo" natatawang pakiusap ko dito.
"Okay Mommy you're forgiven na po"
Natawa ako ulit at kinamusta nito ako at saka tumawag para mag goodnight sa akin.
"Goodnight din sa malaking Mama dyan and I love you so many lots and lots of love sa'yo"
"Lots and lots of love din po Mommy" anito at saka pinatay na nito ang kabilang linya.
Nangingiting tinago ko ang cellphone ko sa bag ko at umakma nang babalik kina Jake nang matigilan ako dahil nasa likod ko lamang pala si Jake.
Nadinig kaya nga ang usapan naming mag ina?
"It's that Rowan?" Nakangiting tanong nito sa akin.
Bigla nakaramdam ako ng kilabot sa kalamnan ko sa klase ng ngiti na nakalarawan sa mukha ni Jake.
"Yes" kinakabahan na sagot ko dito.
Lumapit ito sa akin at saka ipinulupot nito ang kanang braso nito sa beywang ko.
"Tara na kanina pa naghihintay si Johanna sa iyo baka inip na inip na yun" anito at iginiya na ako papunta sa mesa namin nina Johanna.