CHAPTER 1

95.6K 1.3K 172
                                    

Pagod na napaupo ako sa couch at itinaas ang mga paa ko sa gilid nito.
Pagkatapos ay tumingala ako sa kisame at mataman na tumitig dito.

Makaraan ang ilang minuto ay agad na tumayo na ako at pumunta sa may shower room para maligo.

After kong ayusin ang sarili ko ay agad na umalis ulit ako sa unit ko para pumunta sa anak ko para bisitahin ito.
Namimiss ko na kasi si Roxanne.

After two hours ay nakarating din ako sa kanya,
Pagkatapos kong ilapag sa may lapida nito ang bulaklak na dala dala ko ay umupo ako sa tabi ng lapida nito at sinindihan ang dala kong kandila.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay marahan na hinaplos ko ang bawat titik na nakaukit sa may lapida.

Roxanne anak, kamusta ka dyan, masaya ka ba?
Namimiss mo ba si Mama? Napapangiting kausap ng isip ko dito.

Kasi ako miss na miss na kita,
Ang daya mo kasi eh,
Ang sabi ko naman sa'yo nun nasa tummy pa kita,
Ikaw lang ang magpapasaya sa akin,
Kasi ang Papa mo may iba nang pamilya,

Mahal na Mahal kasi nya yun Girlfriend nya na yun na Asawa nya,
Pero kahit na wala kang Papa,
Nandito naman ang Mama,
Para Mahalin ka at Alagaan kasi ikaw ang ala ala nang Papa mo,

Pero ang daya mo eh,
Bakit ka kasi sumama sa Guardian Angel mo?
At iniwan mo ang Mama mo samantalang alam mo naman na ikaw na lang ang dahilan ko para mabuhay ako,
Ulila na si Mama mo kasi matagal nang Patay ang mga lolo at lola mo,
Tapos basta na lang akong tinapon ng Papa mo,
Kaya ikaw na lang ang dahilan ko para huminga pa,
Pero siguro okay na din eto,
Baka nga di ka para sa akin,
I miss you Anak, naiiyak na kausap ko kay Roxanne,

Nang malaman ko na buntis ako,
Binalak ko na sorpresahin si Jake,
Sabihin dito na magkakaanak na kami,
Naisip ko na bakasali mahalin nya ako,
Di ko na inaasahan na panagutan nya ako,
Basta tanggapin nya ang anak namin,
Si Jake ang unang lalaking minahal ko at tanging pinag alayan ng katawan ko,
Halos sa kanya na uminog ang mundo ko, pakiramdam ko nga humihinga lang ako para dito.

Pero yun nga, huling pagkikita na pala namin yun gabi na yun,
Huling beses na nadama ko ang katawan nito,
Ang nakakalasing na mga halik nito,
Nadama ang init na hatid ng pagyakap nito sa akin,
Pagkatapos pala nun ay ang walang pagdadalawang isip na pagtapon nito sa akin,
Para kay Lucille Alonzo,

Pagkatapos kong umiyak nang buong magdamag,
Naisip ko na may Anak pa ako na dapat alagaan at mahalin,
Kaya inayos ko ang sarili ko at di na ako nagtangka pa na maghabol pa kay Jake at ipaalam dito ang tungkol sa magiging Anak namin.

Pagkaraan nang dalawang buwan nabalitaan ko na nagpakasal na ang mga ito,
Napakarangya at Napakaelegante nang naging kasal nila Jake Adam Montecarlo At Lucille Alonzo,
Tinawag pa nga itong Wedding of the Year,

And After that napag alaman ko din na pareho pala kaming On the Way na.
At ang nakakatawa pati araw ng kapanangakan ng mga baby namin pareho kami,
Kasi napa aga nang dalawang buwan ang panganganak ko,
At pareho din kami ng Hospital na napuntahan,
But sadly ako namatayan ng anak,
Si Roxanne,
Patay na daw eto nang isilang ko,

Habang si Lucille naman ay napakalusog ang ipinanganak nito,
Babae din, Johanna ang ipinangalan nilang Mag asawa.

How Irony of Life di ba?
Lahat nang gusto mo di mo makuha kuha,
At naiinggit ka na lang sa mga ibang tao na di pinapahalagahan ang meron sila na wala ka,

Madalas nakukuntento na lang ako sa pagtanaw kay Jake mula sa malayo,

Hanggang Ngayon kase Mahal na Mahal ko pa din eto,
Di ito nawala,o nabura man lang, marahil natabunan lang ng tampo,
Pero kahit anong gawin ko,
Di ko magawang magalit dito kahit konti lang,

Nang napansin ko na ubos na ang kandilang sinindihan ko kanina ay dali daling pinahid ko ng kamay ko ang mga luha na pumatak sa mga mata ko at mapait na napangiti.
Pagkaraan ay tumayo na at nagpaalam na sa anak ko at nagsimula nang lumakad palayo sa puntod nito.

------------------------------------

"Overtime ulit teh?" Natawa ako nang mahina sa tanong ng ka officemate ko.

"Oo eh, ang dami kasi nagkapatong patong na eh sa friday na kailang itong mga reports na eto" sagot ko dito.

"Hmph.. ikaw na ang masipag, oh sya una na ako, see you na lang bukas teh" anito at nakipagbeso beso na ito sa akin.

After nitong makaalis ay muling pinagtuunan ko nang pansin ang report na ginagawa ko para matapos na agad eto at maumpisahan ko na ang susunod.

Simula nang natanggap ako sa trabaho ko na ito ay nagpaka busy na ako sa trabaho ko para mapawi kahit saglit ang pangungulila ko kay Roxanne.

Matatapos na ako sa report ko nang biglang tumunog ang telepono sa tabi ko.
Napapitlag pa ako at tinignan ang oras.

Seven o'clock lang pala ng gabi.

Dinampot ko agad ang telepono.

"Hello, may I help you?" Agad na tanong ko sa caller habang panay ang review ko sa report ko kung ayos ba ito o may kailangan pang baguhin.

"Reona, Reona Corpus?" Agad na tumahip ang dibdib ko sa pamilyar na boses sa kabilang linya.
Awtomatikong nabitiwan ko ang report na hawak ko.

"Y--yes S--speaking who's this?" Kinakabahan na tanong ko dito.

Maybe I'm wrong, that's next to imposible baka ka boses lang,
Wala naman etong dahilan para hanapin at tawagan ako dito sa bagong kumpanya na nilipatan ko, tanggi nang Isip ko.

"It's me.....Jake Adam, have you already forget my voice?" Anito sa kabilang linya.
Ramdam ko sa boses nito ang pagdaramdam.

O baka imagination ko lang?

"Ahm.....sorry" napatikhim ako at nag isip ng sasabihin ko.
"Yeah.....I remember, nagulat lang ako kasi kakalipat ko pa lamang dito sa new work ko, tapos nalaman mo na ang number nito" kaila ko dito.

"I have my ways, and nagpalit ka din ng number ng cellphone mo,
Pati na yun Unit mo wala ka na nun pumunta ako" sita nito sa akin.

Napalunok ako sa pagsita nito.
That time kasi umalis na ako dun sa dating unit ko para makalimutan ko na din ang sakit nang pag iwan nito sa akin pati na ang pagkamatay ng Anak namin.

"A--about that time kasi nakakita ako nang mas maganda kaysa dun sa dating unit ko kaya agad agad na lumipat ako, eh ikaw bakit ka napatawag? may kailangan ka ba?"

"Yes"

"And what it is?" Kabadong tanong ko dito at napahigpit pa ang hawak ko nang telepono.

"I need your help" sagot nito.

A REBOUND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon