7th Part

47.3K 792 60
                                    

Masakit ang ulo na nagmulat ako nang mga mata ko at saka mabilis na bumangon nang madinig ko ang pagtawag nina Papa at Mama sa akin.

Hangos na lumabas ako nang kwarto kung saan ako natulog kagabi.

"Why Papa?" Tanong ko agad dito pagkakita ko kay Papa.

"Ang Asawa mo manganganak na!" Imporma nito.

"Ho! Teka po susunod na ako!"

"Dalian mo Jake, nasa Van na kami,sumunod ka na lamang" ani Papa at pumunta na ulit sa unang palapag nang bahay.

Agad na kumuha ako basta na lamang nang damit at dali dali itong sinuot saka nagmamadaling sumunod na sa mga ito.

"It's hurts Mama, mamamatay na yata ako sa sakit!" Namimilipit sa sakit na sigaw ni Lucille.

Nakalarawan sa mukha nito ang di maipintang sakit.

"It's alright Lucille, ayan na pala si Jake, Baste pakiandar na ang Van at pupunta na tayo sa hospital dalian mo!" Utos agad ni Mama sa driver namin nang makasakay na ako nang sasakyan.

"Jake natatakot ako" yumakap agad si Lucille sa katawan ko.

Marahan na nilayo ko ang katawan nito sa akin.
Ngumiti ako dito at saka pinisil ang palad nito.

"Everything's gonna be fine, don't worry" sabi ko dito.

Makalipas ang ilang minuto ay nakadating na din kami sa hospital.

Agad na sinakay sa strecher si Lucille at isinugod na agad sa Emergency Room.

Napaupo sa bench na malapit dun habang naghihintay.

"Anak" tawag ni Papa sa akin.

Napatingin ako sa mga magulang ko.

"Bakit po?"

"Uuwi muna kami nang Mama mo, ikaw na muna ang bahalang magbantay sa Asawa mo" ani Papa sa akin.

Agad na napatayo ako at nag aalalang napatingin kay Mama.

"Why Mama masama po ba ang pakiramdam nyo?" Umiling ito at ngumiti pagkuwan ay pinisil ang palad ko.

"May nakalimutan lamang ako, don't worry babalik naman kami mamaya" anito.

Tumango ako sa mga ito at ilang sandali pa ay umalis na ang mga ito.

Halos kalahating oras na ang lumipas bago lumabas ang doktor na nagpaanak dito.

Sinalubong ko agad ito.

"Doc ano na pong nangyari sa A--asawa at Anak ko po?" Nagtanggal muna ito nang face mask saka tumitig sa akin.

"Your Wife is fine, nakatulog  lamang sya,but your daughter did not make it" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito at napakagat labi ako sa pagpipigil na mapaiyak dahil sa malungkot na binalita nito.
Tinapik nito ang balikat ko.
"Bukod sa kulang s'ya sa buwan, nasakal pa sya nang umbilical cord nya kaya...." nanlaki ang mga mata ko bigla at napatingin ulit dito.

"Are you sure Doc? Baka namamali kayo tama lamang sa buwan ang Anak ko doc!" Napahawak ako sa puting coat nito.

"Di ako pwedeng magkamali she was just seven months pregnant,
I'm sorry for your lost"muli tinapik nito ang balikat ko at saka umalis na.

Naiwan ako na di makapaniwala.

Seven months?

She said to me that she was three months pregnant with a freaking ultrasound copy to boot and that was six months ago! Di makapaniwalang napaupo ako ulit sa bench.

A REBOUND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon