CHAPTER 20

59.2K 963 27
                                    

Alumpihit si Reona at nakayuko na nilalaro ang mga kamay niya.

Nandito kami sa may sala,

Kanina pa kami magkaharap pero wala sa amin ang tila gustong mauna magsalita.

Sina Johanna at Rowan ay nasa balkonahe at magkalaro na agad silang dalawa.

Habang ang mga kaibigan ni Reona ay nagpaalam na maggrogrocery at sinama ang anak nila.

Bahagyang tumikhim ito at saka tumitig sa mukha ko nang tuwid.

"I'm sorry" sabi nito na ikinapagtaka ko.

Kunot noo akong napatitig dito.

"What for?" Tanong ko dito.

"Sa di ko pagsasabi sa'yo nang tungkol kay Rowan" tugon nito sa akin.

Napangiti ako dito at saka kinuha ang kanang palad nito at marahang pinisil.

"You have your own reasons to do that, don't feel bad about it,
As a matter of fact ako dapat ang mag sosorry sa'yo kasi pinangunahan kita at pumunta na agad kami dito ni Johanna kasi she was so excited to meet her baby brother kaya eto kami ngayon at pinuntahan kayo dito" napangiti ito at  saka  napayuko at umiling  saka ang nakahawak kong kamay sa palad nito ay hinawakan din nito.

"I want the excistance of Rowan  be a secret to you when we meet again because I'm afraid that when you know about him....you take him away from me at nun magkaayos na tayo...." Reona sigh.  "I'm not ready to tell about him to you even when you started to courting me" anito.

"Reona....."umiling ito at saka misty eyes na muli  ay tumingala sa akin.

Hinaplos ko ang mukha nito at maingat na pinahid ang luha na malapit nang tumulo pagkatapos ay hinalikan ko ang noo nito at kinabig ito palapit sa akin at niyakap nang mahigpit.

"Reona lahat nang tao may tinatagong sekreto na gusto nilang itago na lang sa sarili nila....
Kahit ako may mga sekreto din sa'yo na ayaw kong malaman mo,
Kaya naiintindihan ko na di mo magawa na  agad sabihin sa akin ang tungkol sa Anak natin" sabi ko dito.

Humigpit pa lalo ang pagkakayakap ko dito na pakiramdam ko ay dito ko kinukuha ang lakas nang loob para ipagtapat ang sekretong pinakakaingatan ko at kinatatakutan ko na malaman nito.

"God pakiusap, sana bigyan nyo ako nang lakas nang loob para magawa kong ipagtapat kay Reona ang malaking kasalanan na nagawa ko dito" pipil pakiusap ko sa diyos.

"Thank you Jake" wika nito saka kumalas na ito sa mga bisig ko.

Akma na sanang ibubuka ko ang bibig ko  para simulan ang gagawin kong pagtatapat nang biglang tinawag nina Johanna at Rowan kami.

Sabay pa kami kapwa napalingon sa dalawang patakbo nang papunta sa amin.

"Daddy! Mommy! Sabi ni Ate ipapasyal nyo daw kami sa Enchanted Kingdom now na daw po" nakatawang wika ni Rowan sa aming dalawa.

Pagkaraan ay umupo ito sa mga hita ko,
Nakasunod dito si Johanna na umupo naman sa tabi ni Reona.

Nakangiting bumaling sa akin si Reona na ginantihan ko din nang ngiti saka marahan na ginulo ang buhok ni Rowan.

"Itanong mo muna sa Mommy mo kung papayag s'ya" sabi ko kay Rowan.

Bumaling naman agad ito sa ina.

"Mommy papayag ka po di ba?
di ba?" Tanong ni Rowan sa ina nito.

Natawa naman nang mahina si Reona pagkatapos ay saka tumango ito.

"Yehey! Daddy, Ate Johanna pumayag na si Mommy kailan ba po tayo aalis?" Ani Rowan.

"Gusto mo pagkadating ng mga Tito at Tita mo aalis na agad tayo eh at iuuwi ko na kayo sa bahay natin" tugon ko dito saka tumingin kay Reona.

Namula agad ang magkabilang pisngi nito.

"Yeah Mama Reona tama si Dad saka ready na ang kwarto ni Rowan pinaayos na ni Daddy kay Manang yun nasa gitna nang room ko at room nyo ni Dad" singit naman ni Johanna na lalong ikinapula nang mukha ni Reona.

"Eh? May Room ako na sarili?" Halata ang galak sa boses ni Rowan at saka kumuyapit sa leeg ko at pinaliguan ako nang halik sa mukha pagkaraan ay bumaba ito sa akin at pumunta kay Reona naman.

"Mommy ihahanda ko na ang maleta ko saka yun bag nyo po para pagdating nina Tito Damian at Tita Danna aalis na agad po tayo" paalam ni Rowan sa ina saka bumaling kay Johanna. "Tara na po Ate Johanna sa room namin ni Mommy" anyaya nito sa kapatid at magkasama na ang mga ito na pumunta sa kwarto malapit sa may kitchen.

Amuse na sinundan ko nang tingin ang dalawang anak ko hanggang makapasok na sila sa kwarto, saka muli ay binalingan uli si Reona.

"He's so witty and smart" wika ko dito na nakangiting tinanguan naman nito.

"Yeah mana sa'yo eh" anito.

Kinuha ko muli ang kanang palad nito at dinala sa labi ko at mabining kinintalan ng halik ito.

"Please sumama ka na sa akin, bumalik ka na sa akin, sa amin ni Johanna, kayong dalawa ni Rowan.... and don't worry I will continue to courting you but with a twist" wika ko dito saka biglang kinabig at hinalikan nang mariin ang labi nito, ilang segundo na natigilan ito pero pagkaraan na mahismasmasan ito ay buong rubdob na tinugon nito ang halik ko.

Kapwa kami hingal nang magkalas ang mga labi namin,

Ngumiti ako dito at pinaraanan ng hintuturo ko ang namamagang bibig dahil sa paghahalikan namin na katatapos lamang.....

"I miss your lips Reona" I said seductively oh her that instanly she blushed again.

I cupped her heart shape face and stare lovingly at her,

"Please be mine again Reona,
For Rowan, for Johanna, for me to be completely start our family all over again, but this time just the four of us please" I softly asked to her.

She stare back at me,
Tila nag aalinganan sa isasagot nya.

"Please Reona" pakiusap ko uli dito.

Gumalaw ang mga mata nito at pagkatapos ay umiwas nang tingin at bahagyang ginalaw ang mukha.

Tila napugto ang hininga ko sa sobrang saya nang tumango ito sa akin.

Agad na kinabig ko uli ito.

"Thank you Reona" tila maiiyak na ako sa sobrang saya na nararamdaman ko dahil sa pagsang ayon ni Reona na muli ay magsama na kami.

But this time sisiguraduhin ko na,
Na may basbas na nang simbahan ang pagsasama naming uli,

"Ang saya mo ha, nakalimutan mo nang ipagtapat kay Reona ang totoo na anak nya din si Johanna at di pa ito patay gaya nang akala nya!" Sigaw nang utak ko sa akin.

Napahigpit ang pagkakayakap ko kay Reona nang maalala ko yun,

"Maybe next time, yes next time....
I promise I will tell Reona the truth......"







A REBOUND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon