CHAPTER 24

51.8K 896 8
                                    

"Mommy!" Napatigil ako sa paghahalo nang niluluto kong ulam para sa hapunan naming apat nang madinig ko ang pagtawag sa akin ni Rowan.

Lumingon ako sa gawi nun pinagmulan nang boses nito,

Pero di naman ito pumasok dito sa kusina.

Malamang may ibibida na naman sa akin ang bunso ko, naiiling na naisip ko at saka binalingan si Manang na kasalukuyan na inilalagay na ang gawa namin na gelatin sa may ref.

"Manang ikaw na po ang magpatuloy nito, tutal timplado na naman po itong sinigang na baboy" masuyong utos ko kay Manang na agad naman na tumango at lumapit sa akin tuloy kinuha na ang sandok para sya na ang magpatuloy.

Pagkaraan ay pumunta na ako sa kinaroroonan ni Rowan.

Agad naman na namataan ko si Rowan na nakatayo patalikod sa akin at nakatingin sa dalawang may edad na mag asawa na papasok sa may main door.

Tila napansin naman ako ni Rowan kaya lumingon ito sa may gawi ko saka patakbong lumapit sa akin at yumakap sa baywang ko sabay tingala sa akin.

"Mommy may lolo at lola na stranger na pumasok sa house natin" tila nagsusumbong na sabi nito sa akin sabay turo sa dalawang matanda na papalapit sa aming dalawa.

Napatingin ulit ako sa mga bagong dating at nang napagsino ko ang mga ito ay biglang natataranta akong lumapit sa mga ito karay karay si Rowan.

"Tita Marivic.....Tito Cesar napadalaw po kayong bigla dito" agad na sinalubong ko ang mga magulang ni Jake, nagmano ako kay Tita Marivic at Tito Cesar pagkatapos.
"Ahm....si Jake po wala pa po baka po na traffic, at si Johanna naman po nagshoshower po.... tuloy po kayo" anyaya ko sa mga ito.

Nagkatinginan ang mag asawa pagkaraan......

Ngumiti si Tito Cesar at bahagyang lumuhod para pumantay kay Rowan.

"Eto na ba ang kamukha kong walang kasing pogi na apo hmm?" Malambing na tanong ni Tito Cesar kay Rowan na lalong itinago ang mukha sa likod ko.

"Sinong nagsabi Papa?" Natatawang singit ni Jake na di namin namalayan na nandito na pala. "Sa akin kumuha ng gandang lalaki ang bunso ko di ba Rowan?" Malambing na tanong ni Jake sa anak namin na di ko namalayan na papunta na pala kay Jake.

"Daddy!" Matinis ang boses na sumalubong ito at dagli naman na kinarga ito ni Jake.

Natatawang tumayo naman na si Tito Cesar at namaywang kay Jake.

"At kanino ka kumuha nang gandang lalaki na pinagmamalaki mo hijo? Di ba sa akin dahil pinagbiyak na bunga tayong dalawa anak?" Nang iinis na tanong nito kay Jake na inilayo si Rowan sa Ama nang magtangkang kuhanin nito ang Apo kay Jake.

"Ako ang Ama Papa, kaya ako at ako lamang ang kamukha ni Rowan ko" ani Jake na ikinahalakhak nang Ama nito.

Napapitlag naman ako nang naramdaman ko na may tumapik sa akin at nakita ko si Tita Marivic pala ito.

"Tita! Ahm may kailangan po kayo?" Umiling ito at saka hinila ako papalayo kina Jake.

Nang makalayo layo na kami ay huminto ito at tinignan ako nang seryoso.

"Una sa lahat Reona, sorry dati kung malamig man ang pakitungo ko sa iyo dati, Di ka man maniwala pero magaan ang loob ko sa iyo lalo na nang alagaan mo sina Jake at Johanna at makita ko kung gaano mo kamahal sila....pero may kasi asawang tao si Jake at para sa akin di tama ang pagsasama nyo ni Jake" paliwanag nito.

Ngumiti ako at kinuha ang mga palad nito.

"Alam ko po Tita, Naiintindihan ko po ang sitwasyon nyo, may reputasyon kayong dapat ingatan,
Pangalan na dapat pangalagaan at Higit sa lahat ina din po kayo na katulad ko at wala kayong gustong mangyari kundi makita ang anak nyo na nasa maayos at magandang kalagayan" ngumiti ito at hinaplos ang mukha ko.

"Salamat Reona, ngayon alam ko na kung bakit minahal ka ni Jake nang sobra sobra at di ka nya magawang kalimutan kahit na kailan, napakabuti mo at malawak ang pang unawa, masuwerte ang Anak ko at minahal mo sya sa kabila nang mga di magagandang ginawa nun sa iyo at saka binigyan mo pa kami ng mga Apo na dalangin ko sana wag sa Ama kundi sa yo magmana ng mga ugali" anito pa at niyakap ako ng mahigpit.

"Tita....." di ko na napigilan na mapaiyak.

Masaya ako na di ko maipaliwanag.

"Shhh....Mama na Reona" wika nito.

"Tita?" Di makapaniwalang tanong ko dito.

"Mama na nga ang itawag mo sa akin kundi magtatampo na ako nyan" lalo akong napaiyak dahil sa sinabi nito.

"T--- Mama" tumango ito at muli niyakap ako nito.

"Welcome to the family hija" napatango ako dito.

Natatawang ito na mismo ang nagpahid nang panyong dala nito sa mga luha ko.

Maya maya pa ay nadinig ko na ang pagtawag sa amin nina Jake para kumain na at kapwa nakangiti na kaming lumapit sa mga ito.....

A REBOUND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon