"Reona may nagpapabigay sa yo oh" wika ng co worker ko sabay abot ng bounquet of tulips.
"Kanino daw galing?" Nagtatakang tanong ko dito pero nakangising umiling ito sa akin.
"May nagdeliver lang nyan sa lobby at sakto nandun kami kaya kami na lang ang nagdala dito sa room natin" sagot nito pagkaraan ay lumapit ito sa akin at saka tinignan ang bulaklak at ang tarheta na nakalagay lamang ay ang pangalan ko.
"Ikaw ha may secret admirer ka pala di mo naman sinasabi sa amin" tukso naman nun isa pang kasamahan ko.
"Sira!" Natatawang sabi ko sa mga ito.
Nagpatuloy pa ang pagtukso nila sa akin na tinawanan ko lamang.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang mga ito na kakain daw muna sa fastfood na nasa tapat lamang ng hotel na kinaroroonan namin.Nang maiwan ako ay inayos ko na ang mga tulips sakto naman na may Vase sa suite kaya dun ko nilagay ang mga tulips.
Matatapos na ako nang pag aayos nang napansin ko na may nahulog na sobre na kasinglaki din nun tarheta na nakita ko kanina.
Agad na pinulot ko ito at saka binuksan at nakita ko na may papel dun at curious na binasa ko ito.
Tila tumigil ang oras nang mabasa ko ang nakasulat dun.
Reona,
How are you, na miss kita,
Did you know that, the night na umuwi ako sa bahay natin at nalaman ko na wala ka na,
Tila gumuho ang mundo ko,
And yet here you are, Finally nakita na kita please gusto ko na makausap ka, tayo lang dalawa kung pwede?Nandito lamang ako sa restaurant sa ground floor ng hotel na ito,
Please Reona, let me talk to you,
Maghihintay ako kahit gaano katagal,Jake,
Nanghihinang napahilamos ako nang mukha at muli ay binasa uli ang nakasulat dun.
Oh god paano n'ya nalaman na nandito ako? Tanong ng isip ko.
Possible kaya na si Johanna?....pero imposible di ko naman binigay ang address ko dito, naguguluhan na napatayo ako at nagpaikot ikot sa loob ng suite,Pupunta kaya ako or wag na? Napapikit ako pagkaisip na dapat di na ako pumunta pa pero tila bumigat ang puso ko nang maisip ko yun.
Argh! Bahala na nga! Naiinis sa sarili na pumunta ako sa comfort room para ayusin ang sarili ko.
Nang matapos na ako ay agad na umalis na din ako sa suite para makapunta agad sa naghihintay na si Jake.
---------------------
"Jake....." tawag ko dito nang makalapit na ako sa table nito.
"Reona!" Malaki ang ngiti sa mukha nito na agad tumayo at tinangka na halikan ako sa pisngi pero mabilis na umiwas ako.
"Sorry" paghingi ko nang paumanhin dito at ako na ang humila ng silya at agad na umupo sa tapat nito.
Natigilan ito sa kinilos ko pero di na ito nagtanong pa at umupo na uli sa silya nito.
Pinagmasdan ko ito at lihim na napamura sa sarili ko nang mapagtanto ko na napakagwapo pa din nito.
His jaw dropping masculine beauty that never fails to quiver my heart in excitement everytime he smiles either on me or to someone else.