"Paano Reona una na kami?" Tumango at ngumiti ako sa mga kasamahan ko sa trabaho.
"Yeah may bibilhin pa kasi ako para kay Rowan"
"Okay!" Ilang sandali pa ay naghiwalay hiwalay na kaming lima at ako naman ay pumunta ulit sa Bazaar na kinakitaan ko nun inuungot sa akin ni Rowan.
Di ko mapigilan na di mapangiti pagkaisip ko sa gwapong mukha nito habang nagbibilin na wag daw akong titingin sa ibang mga boys habang nandito daw ako sa Manila para sa Conference meeting ng kumpanya na pinagtatrabahuhan ko kundi magtatampo daw ito sa akin.
At kabisado ko magtampo ang unico hijo ko di talaga ako papansinin nun pag walang suhol.
Kaya nang maispatan ko ang laruang robot na gustong gusto nito ay dagling naisip ko na bilhin ito habang di pa nagsisimula ang conference meeting na sa makalawa pa naman gaganapin.
Kaya habang di ko pa nalilimutan at di pa ako busy ay bibilhin ko na agad para pag uwi ko sa Batangas sa linggo ay di na ako mag iisip pa nang ipapasalubong kay Rowan.
Speaking of Rowan.... di ko mapigilan ang saya na nadama ko pagkakita ko agad sa baby ko nang unang inabot ng midwife na nagpaanak sa akin si Rowan.
Pagkakita ko pa lamang dito lahat ng hirap dulot ng maselan paglilihi ko ay napawing parang bula at napalitang ito walang katulad na saya.
At naisip ko na it's worth it lahat nang hirap lahat nang sakit dulot ng pagsintang pururot ko sa Ama ni Rowan nawalang lahat.
Pagkayakap ko agad kay Rowan lahat ng frustration ko at pangungulila sa Ate nito na si Roxanne ay napunan lahat nito,
Naisip ko nga na sa wakas may matatawag na akong talagang akin lamang,
Na sa wakas di na ako mag iisa at may magmamahal na talaga sa akin na di ako nakikihiram lamang.Dahil kay Rowan mas napabilis ang pagkalimot ko sa sakit ng puso ko dulot ng ginawa ko na pagpapasya na iwan na nang tuluyan si Jake para di na ito mahirapan pa na mamili sa akin at sa mag ina nya.
At isa pang dahilan ay ang pagiging duwag ko na baka sa pangalawa ngang pagkakataon ay piliin na naman ni Jake sina Johanna at Lucille......
Iyon naman ang dapat at ang tama di ba?
Nakikiamot lamang ako at di ko pa hawak ang kalooban ni Jake.
At alam ko na baka di ko na makayanan pag nadinig ko mismo sa bibig nito ang pasya na kinatatakutan ko,
Baka di na ako makaahon pa.....Tapos ko nang bayaran ang laruan at paalis na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko.
"M--mama? Mama Reona?!" Nangunot ang noo ko at saka nagtatakang lumingon.
Nakita ko ang isang dalagita na naka school uniform na checkered maroon na palda at white long sleeved blouse at may blazer ito na plain maroon ang kulay at saka nga pala napakaganda at napakatangkad nito na aabot na yata sa dibdib ko to think na 5'6 ang height ko pagkatapos ang itim na itim na buhok nito na hanggang balikat ay nakalugay lamang at ang tanging adorno lamang ay clip sa kanang bahagi nang buhok nito.
"Y--yes do I know you?" Alanganin ang ngiti na sumilay sa labi ko.
"Mama Reona ikaw nga!" Sabi nito at sa pagkagulat ko ay yumakap ito sa akin.
Di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko sa sarili ko pamilyar ang init na nagmumula sa katawan nito di lang niya ma pinpoint kung anu at sino yun.
Agad na kumalas din naman ito at saka malaki ang ngiti sa pink na labi nito na tanging lip gloss ang ipinahid na tumingin sa akin.
"I'm sorry again little lady, but have me met before?" I asked her again.
"Mama Reona magtatampo na ako nyan sa inyo po eh" napapasibi sagot nito sa akin.