CHAPTER 25

107K 1.6K 192
                                    

"Mommy si Daddy po nasa telephone hanap po kayo" sabi ni Rowan nang lumapit ito at saka inabot sa akin ang cordless phone na hawak hawak nito.

"Thank you Rowan" wika ko dito at saka kinuha na dito ang telepono.

Agad naman na tumango ito at saka tumakbo na papunta sa mga lolo at lola nito pati na si Johanna na nasa may terrace.

"Hi beautiful" pambobola na agad ang bungad ni Jake sa akin.

Pinamulahan tuloy agad ako nang mukha.

"Jake ha aga aga nambobola ka na.....sige ka lalaki na nyan ang ulo ko at maniniwala na ako na maganda talaga ako" ganting biro ko dito.

Napatawa ito nang mahina.

"Di ako nambobola at saka para sa akin ikaw ang pinakamagandang Nanay ng mga Anak ko at pinakamamahal ko....I love you Reona" anito.

Napangiti ako nang malaki dahil sa walang pagkasawang pagsasabi nito nang mga kataga ng pag ibig sa akin.

Binubusog nito ang puso ko at pinupuno ng Bitamina nang pagmamahal ang pagkatao ko....

"Jake mas mahal kita" sagot ko dito.

"Alam ko Reona....ahm nga pala iimbitahan sana kita na mamasyal papasundo kita kay Mang Fred"

"Ha? Eh ang mga bat----"

"Don't worry nasabi ko na kina Mama at Papa na iiwan muna natin sina Johanna at Rowan dahil magdadate tayong dalawa"

"Okay mukhang di naman na ako makakatanggi pa sa date natin mukhang plinano mo na lahat eh"
Lihim na kinikilig na sagot ko dito.

"Para makasama ko ang mahal ko nang solo gagawin ko lahat lahat" mapanghibo ang boses na sagot nito sa akin.

Shit! Namura ko na lamang pagkat boses pa lamang nito ay sapat na para mag init ang buong katawan ko.

"Okay" nasagot ko na lamang at pinatay na ang telepono pagkaraan ay umakyat na ako sa itaas at pumunta sa may kwarto namin ni Jake para mag ayos na nang sarili.

Makalipas nang isang oras ay natapos ko na din iganyak ang sarili ko saka bumaba na ako para magpaalam kina Papa at Mama pati na sa mga bata.

"Mama...Papa" tawag ko sa mga magulang ni Jake nang makalapit na ako sa kanila.

Lumingon naman agad ang mga ito sa akin.
Ngumiti si Johanna sa akin at si Rowan naman ay patakbong lumapit sa akin saka kumuyapit sa baywang ko pagkaraan ay tumingala sa akin.

"Mommy ang ganda nyo po" humahangang sabi nito kaya hinaplos ko ang buhok nito.

"Thank you Rowan" pagkatapos ay lumapit ako kina Mama at Papa.

"Magpapaalam po lamang sana ako sa inyo kasi po si Jake gusto po nya na lumabas kaming dalawa kayo na po sana muna ang bahala sa mga bata" pagpapaalam ko sa mga ito.

"It's okay hija nasabi na ni Jake yan at nandyan na ang Driver pumunta ka na at mag enjoy because I assured you" lumapit si Mama sa akin at ginagap nito ang mga palad ko. " This will be your best date and best night ever" ngumiti ako at niyakap ang Mama ni Jake.

"Thank you Mama" wika ko dito at pumunta kay Papa.

Ngumiti ito at saka tumango.

"Mommy enjoy!" Ani naman ni Johanna at niyakap ako nang mahigpit.

After nun ay inihatid pa ako nang mga ito hanggang makasakay na ako nang sasakyan.

----------------

A REBOUND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon