CHAPTER 21

56K 911 22
                                    

"Wow!" Namamanghang napabulalas ni Rowan nang makita nya ang kwarto niya.

Nakangiting tumakbo papalapit si Rowan kay Jake at nagpakarga.

"Ang ganda Daddy, Thank you po!" Anito at pinugpog ng halik ang pisngi ni Jake.

"Welcome Son" natatawang sagot naman ni Jake dito at saka iniangat si Rowan at saka nagpaikot ikot ito.

Napahagikhik si Rowan,

"Ako din Daddy!" Singit ni Johanna saka tumalon sa likod ni Jake at tatlo silang nagpatihulog sa malambot na kama.

Malakas na mga tawa nilang tatlo ang pumailanlang sa kwarto ni Rowan.

Napapangiting namasdan ko silang tatlo.

"Ipapahanda ko na kay Manang ang meryenda natin apat ha una na muna ako" paalam ko sa tatlo na tuloy pa din ang paghaharutan.

Naiiling na lumabas na ako nang kwarto at bumaba na sa ikalawang palapag at saka pumunta sa may Kusina.

"Manang" tawag ko sa kasambahay ni Jake,

"Mam Reona may kailangan ka po?" Nakangiting tanong nito sa akin.

"Ahm.....makikisuyo sana ako na paki tulungan nyo naman po ako na maghanda ng meryenda nun tatlo" sagot ko dito.

"Ay opo Mam halina kayo" anito at inaya na ako papunta sa may counter table.

Pagkaraan nang mga isang oras ay natapos na din namin ang paghahanda ng meryenda namin,

"Manang baka po pwede na  kayo na po ang maghanda sa may mesa at tatawagin ko lamang po yun Mag aama sa taas"  masuyong utos ko dito habang tinatanggal ang apron ko.

"Opo Mam, ako na pong bahala dito" tugon naman nito kaya agad na nagpaalam ako dito at umakyat na sa ikalawang palapag nang bahay.

"Jake, Johanna, Rowan handa na yung meryenda baba muna ta-----" natigilan ako sa pagsasalita nang buksan ko ang kwarto ni Rowan at napansin ko na tahimik at wala na silang tatlo sa kama.

Saan nagpunta yung mga yun?

"Ay!" Napasigaw ako nang biglang may bumuhat sa akin na matitipunong mga bisig.

Nilingon ko ito at nakita ko si Jake at nakangising nakangiti sa akin at mabilis na kinintalan ako nang halik sa labi ko.

Pati na sina Johanna at Rowan na pigil na pigil na humahagikhik.

"Jake!" nabulalas ko at sa pagkagulat ko ay dinala ako nito sa may kama at sabay kaming bumagsak,

Kasunod namin ang dalawang bata at nag dive ang mga ito sa kama.

"Jake ha?" Natatawang banta ko dito nang inamba ba nya ang mga daliri nya sa may tiyan ko,

Ngumisi lalo si Jake at pagkaraan ay kiniliti ako nito.

Napahalakhak ako at nagpakiwal kiwal dahil sa walang patid na pagkiliti nito sa akin.

"S---stop it Jake! Help me babies stop your Daddy on nonstop tickling me please...haha stop it Jake....haha!" Napapatawang hingi ko nang tulong kina Johanna at Rowan.

Kaagad naman na tumulong naman ang dalawa at tumayo silang dalawa at dinaluhong si Jake,

"Awts, suko na si Daddy!" Natatawang nagtaas  ito nang dalawang kamay at nang huminto ang dalawang bata ay niyakap niya ang mga ito nang dalawang braso,

"Gutom na ako Daddy Ate Mom" angal ni Rowan at saka bumangon at niyakap ako.

"Yes... Jake? Johanna?" Anyaya ko sa mag ama na bumangon na din.

"Lika na kayo kids at magrecharge muna tayo then we played again" ani Jake at binuhat na si Rowan.

Habang ako naman ay hinawakan si Johanna at sabay sabay na lumabas na kaming apat nang kwarto.....

----------------

Excited na bumaba ako nang sasakyan dala dala ang basket of white lilies,

Nang mailock ko na ang kotse ay sabik na tinalunton ko ang daan papasok sa sementeryo,

Papunta sa puntod nang panganay ko,

How long has it been?

Four? Five years?

Madami akong dapat ikuwento kay Roxanne....tungkol kay Rowan at sa Ama nya, tungkol sa amin nang Ama nya,

Natigilan ako nang may pamilyar na pigura na nakatayo sa harap nang puntod ni Roxanne,

"Ms. Lucille?" Nagtatakang tawag ko dito nang mapagsino ko dito.

Humarap ito sa akin,

Maganda pa din ito gaya nang dati,

"A--anung ginagawa mo dito sa puntod nang anak ko?" Takang tanong ko dito.

Ngumisi ito at pinasadahan ako nang tingin.

"Anak mo?" Bakas nang pang uuyam ang boses nito.

"Ahm....Ms. Lucille di ko yata gusto ang tono nang boses mo?" Pormal ang mukha na sabi ko dito.

"Oh I'm sorry let me rephrase my tone..." tumikhim ito at saka hinarap ulit ako.

"Pwede mo na bang sagutin ang tanong ko Ms. Lucille" tinaasan ako nito nang kilay at dumako ang paningin nito sa dala dalang bulaklak ko.

"Oh I see.....Jake didn't tell you the truth" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"May dapat pa ba akong malaman mula kay Jake?
At saka napasimple lamang nang tanong ko Ms. Lucille.... anung ginagawa mo dito sa harap nang puntod nang anak ko?" Madiin ang boses na tanong ko dito.

Ngumiti ito nang mapakla at saka nameywang.

"Bakit di mo itanong kay Jake?" Sagot nito saka tinalikuran ako,

Mabilis na hinabol ko ito at saka hinawakan ang braso nito.

"Di mo pa ako sinasagot Lucille"

"Bitiwan mo ako!" sigaw nito saka pinalis ang kamay ko na nakahawak sa braso nito.

"Sagutin mo ako Lucille nang matino, at malaya ka nang makakaalis" wika ko dito.

"Really you want to know the truth? Baka magulantang ka pag nalaman mo na"

"I Don't care!" Naiiritang sigaw ko dito.

Natigilan ito at pinagmasdan akong maigi saka napapalatak na napailing.

"Fine, kahit may usapan na kami ni Jake wala namang masama di ba? Ikaw naman ang may gusto nito eh, And I want to get even with him" ani Lucille.
"Di mo naman anak yan binibisita mo eh, anak ko yan" tila bulkang sumabog sa pandinig ko ang sinabi nito.

"That's not true! Tell me ginugood time mo lamang ako!" Naiiling na sigaw ko dito.

That's next to impossible!

Alam ko patay na ang anak ko!

Nakita ko mismo ang anak ko na hindi na humihinga!

"Bahala ka if ayaw mong maniwala  sa akin, kung gusto mo tanungin mo pa si Jake if you want" nakakalokong ngumisi ito sa akin saka tinalikuran ako at iniwan na ako sa harap nang puntol ni Roxanne.....

Windang ang kalooban na tila di pa  din ako makapaniwala sa sinabi ni Lucille.....

Kung totoo man ang sinasabi ni Lucille na...na anak nya talaga si Roxanne...

Nasan na ang totoo kong Anak?


A REBOUND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon