Tila may naramdaman siyang gumagalaw sa paligid nya kaya naman tinatamad syang nagmulat nang mata.
Pero tila nawala ang antok niya nang makita nya si Jake na may kinukuha sa may closet.
"Jake!" Tuwang sambit niya sabay balikwas nang bangon at agad na yumakap dito.
Pero natigilan siya nang di nito tinugon ang yakap niya kaparis nang dati,
Alanganin na tinapos ko na ang pagyakap ko dito at pinagmasdan ito.
"J-jake two days kang di umuwi, nag alala ako sa yo kung bakit di ka sumipot sa date natin and kung di pa ako tumawag kay Johanna di ko pa malalaman na dumating na pala si Lucille" maingat na pagsita ko dito.
Two days ago pa na inindian nya ako sa date namin,
At nalaman ko pa na dumating na si Lucille...
Kaya madaming katanungan sa isip ko na tanging si Jake lang ang makakasagot.Nakita nya na tumiim ang bagang nito.
"Yeah I'm sorry about sa di ko pagsipot sa supposed date natin,but
It was important na magkausap kami ni Lucille" sagot nito.Yes may iba pa bang Excuse,
Maliban sa Asawa mo,
Kay Lucille...
What's new?Pinilit ko na maging masigla ang tinig at mukha ko.
Kahit sa kalooban ko gusto kong magwala at magalit dito.Umaantak pa din sa dibdib ko ang selos at pagdaramdam sa sinagot nito.
Then I'm not as important as much as Lucille's level nor Johanna's level in your heart to feel just a little bit of importance and affection that I craved from you? tangis ng isip ko.
Masakit pero alam ko na totoo....
At dapat na magdesisyon na ako kung dapat pa bang ipagpatuloy ko ang pakikipag relasyon ko kay Jake.Ayokong gawin pero kailangan dahil di lang sa ako ang masasaktan dito,
Mayroon na uling munting buhay sa sinapupunan ko,
dapat na gawin ko ang tama kahit na masakit, kahit na mahirap....."T--then what gonna happen to us? Dapat na bang tapusin na natin ang mayroon tayo?" Nakangiti kong tanong dito.
"Hell No!" Sigaw nito.
"But....." madilim ang mukha na nilapitan ako nito at mariin na hinawakan ako nito sa magkabilang balikat ko.
"Just let me handle it.....and please just trust me on this" nakikiusap ang tinig na niyakap ako nito.
Napapikit na lang ako saka niyakap din ito.
Damn right! I always love and trust this piece of jerk,
Even if he hurt me,
I still be here for him...Because I do love him so much....
"Yes....but please don't make me wait too long" sagot ko dito.
"I promise....." anito saka kumalas sa pagyayakapan namin at saka tinaas ang mukha ko gamit ng kanang kamay nito at saka ako hinalikan ng mariin.
------------------------------
Excited na tinignan ko ang oras sa wristwatch ko at ngumiti ako nang maluwang nang makita na papalabas na sa classroom nya si Johanna.
Namimiss ko na kasi ito dahil mahigit limang araw ko na itong di nakikita,
Magmula kasi nang umuwi si Lucille ay di pa umuuwi sa bahay namin si Johanna.....As well as Jake is....
The day na nagkausap kami ay dumaan lamang pala ito sa bahay namin para kumuha ng mga damit nito at ni Johanna.