12th Part

45K 749 20
                                    

"'San ka galing Daddy?" Malambing na tanong ni Johanna sa akin nang salubungin nya ako.

Kadadating ko lamang galing sa bahay namin ni Reona para kumuha ng ilang mga damit.

"Sa Mama Reona mo" sagot ko dito at saka kinarga na si Johanna papasok sa loob nang bahay.

Lumabi ito at saka pilit kumawala sa akin.

"Why may problema ba?" nagtatakang tanong ko dito dahil sa reaksiyon nito.

Nakalasimangot na humarap ito sa akin saka humalukipkip.

"I hate her" naiinis na pumadyak ito.
Kumunot ang noo ko.

"Who?" Tanong ko ulit dito.

"Tita Reona" sagot nito.

"Tita Reona why? Yun na ang tawag mo sa Mama Reona mo?"

"Granny and Mommy said she have no blood ties with me, unlike Mommy, they said that she ruined our family that's why I hate her, sana mawala na sya sa buhay natin Daddy!" Sagot nito.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat sa tinuran nito.

Napalapit agad ako dito at saka hinawakan sa magkabilang balikat nito.

"Why did you said that cursed word" gigil na inalog alog ko ang munting balikat nito.

"D---daddy" umiiyak na tawag nito sa akin.

"Tinatanong kita Johanna!"

"Que horror Jake! Bitiwan mo nga ang apo ko at umiiyak na sya!" Singit ni Mama at kinuha sa akin si Johanna at pilit pinatahan.

"Hush darling di naman sinasadya nang Daddy mo na masaktan ka....tahan na Johanna" anito sa bata at saka matalim na tinapunan ako nang tingin.

Napatayo na lamang ako at pinagmasdan ang anak ko na pinapatahan ni Mama at inaamo.

"Son" napapitlag pa ako nang hawakan ni Papa ang balikat ko.

Napatingin ako dito at napansin ko ang dissapointment sa mukha nito.
Pati na din ang inis na nakalarawan sa mukha ni Lucille na nasa likuran ni Papa.

"Sa library tayo mag usap" utos ni Papa sa akin at napasunod na lamang ako dito.

Sinara ko agad ang pinto nang library nang makapasok na kami pareho ni Papa.

"Jake..." simula ni Papa nang makaupo ito sa couch malapit sa bintana.

"I just asked my daughter why she said that she hate her mother" paliwanag ko dito.

Kumunot ang noo ni Papa sa sinagot ko.

"But she is not her mother, Si Lucille Jake" pagtatama nito.

"No Papa para sa akin si Reona ang ina ni Johanna, wala nang iba at wala kayong karapatan na pangunahan ako sa pagsasabi kay Johanna sa mga ganitong mga personal na bagay, Papa ako ang Ama nya ako ang magde decide kung anung makakabuti sa anak ko, and please lang wag nyo nang ispolin ang bata,
At baka lumaking suwail" pakiusap ko dito.

"Pero Jake"

"Please Papa" napatitig na lamang ito sa akin saka bumuntunghininga.

"Jake, nandito na si Lucille, bumalik na s'ya for good kaya dapat tigilan mo na ang pagsisinungaling sa anak mo, sa pagpapaniwala na ang ka----"

"Di ko kabit si Reona Papa, don't say such crude and disgusting word to her Papa, she's not my mistress, She is my patner, My only Lover" madiin ang boses na putol ko sa sinasabi nito.

"Jake balik baligtarin mo man ang mundo pamilyado kang tao, di ka ba natatakot na kasuhan ni Lucille dahil nangangalunya ka" wika ni Papa.

"Di gawin nya Papa! She practically abandoned me for five, six years! And no letters no phonecalls whatsoever!" Naiiritang sagot ko kay Papa.

"Jake may dahilan sya, busy sya sa trabaho nya" pagtatanggol ni Papa kay Lucille.

"Really yun lamang ba ang dahilan?" Nakangising tugon ko dito.

Tumayo si Papa at naglakad papunta sa gawi ko.
"Jake mag usap kayong mabuti, ayusin nyo itong pagsasama nyo para sa anak nyo pakiusap hijo" lumapit ito sa akin at hinawakan ang palad ko at pinisil saka tinapik ang balikat ko at iniwan na akong mag isa sa library.

Yeah mag uusap talaga kami nang masinsinan........

----------------------

"Adam....." napatigil ako sa pagsimsim ko nang red wine sa glasswine ko nang madinig ko ang pagtawag sa pangalan ko ni Lucille.

Di ako lumingon dito pero ramdam ko na palapit na ito sa kinauupuan ko.

"Adam...." muling tawag nito sa akin at hinimas ang likod ko.

"What do you want?!" Asik ko dito.

Di ito agad sumagot at umupo sa tabi ko at kumuha ito ng beer at binuksan.

"So......when I work abroad....you have the nerve na kumuha ng kapalit ko at paalagaan pa dito ang anak natin?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa akin.

Nginisihan ko ito at saka pinilig pilig ang ulo.

"Of course Dear Lucille do you think magpapaka celibate ako para sa'yo? Dream on Lucille" sagot ko dito.

"If you want a bedwarmer, then bakit nga binahay mo pa ang malanding babae na yun?" Biglang nanglisik ang mga mata ko at kinuyom ko ang kamao ko.

"If she is flirt, then what is the right word to describe you?" Sarkastikong tanong ko dito at saka pinitik ang daliri at nakangisi na muli ay binalingan ito.
"Ah I know, A lecherous bitchy whore something like that"

Namula ang mukha nito at mabilis na sinampal ako.

Napatawa lamang ako nang pagak at di ininda ang pagsampal nito sa pisngi ko.

"Why tagos ba sa puso? O laman?"

"Shit ka Adam, how dare you to say that to me" Namumula sa galit na singhal nito sa akin.

"You ask why di ba?"

"Adam please, umuwi ako para ayusin ang pagsasama natin, sana naman makipag cooperate ka di na para sa akin para na lang sa anak natin, kay Johanna na lamang please" pakiusap nito at tinangkang lapitan ako pero mabilis na tumayo ako at lumayo dito.

Umiling iling ako dito at saka ngumisi pa lalo.

"Never My Dear Lucille, di na maisasaayos ang bagay na sa simula pa lamang ay Sirang sira na"

"Adam....."

"Now that you are finally back, maisasaayos na natin ang pagpapawalang bisa ng kasal natin" sabi ko dito at agad na namutla ito.

"No Adam! Di ako papayag! You hear me di ako papayag!" Sigaw nito at tinulak ako saka mabilis na iniwan ako sa kwarto.

Nang makaalis ito ay napahalakhak ako nang malakas at saka kinuha ang hawak ko kanina na wineglass at nagtoss sa akin pagkaraan ay inisang lagok ang lamang alak nito.

Whether you like it or not.....
I will make you surrender Lucille and I get what I want.......

You already lay all your cards on the table leaving you defenseless in my attack......

While all my ace card and trump is on my sleeve......

Ready to slay you anytime.......

A REBOUND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon