CHAPTER 13

58.8K 1K 30
                                    

Mugto na mga mata na bumangon ako sa kama nang makita ko na ala singko na nang umaga at agad na pumunta na sa shower room para maligo.

Di kasi agad ako nakatulog kagabi after namin na mag usap ni Jake,
Tila nakukunsensiya ako na di ko sinabi dito na wala naman iba na mahal ako,

Na siya pa din ang laman nitong puso ko....

Pero kasi natakot ako na pag inamin ko yun baka di ko na masupil pa ang puso ko at magmakaawa na tanggapin akong muli ni Jake,

Di yun tama may pamilya sya na dapat alagaan,
Anak na dapat palakihin....

Anak...... napatigil ako sa pagsasabon ko sa katawan ko pagkaalala ko sa kataga na iyun,

Tama lamang ang desisyon mo Reona,
Kung ikaw lang kahit anu pa ang kayang ibigay sa'yo ni Jake di mo lang tatanggapin, lulunukin mo pa.....

Pero di na pwede yun Reona may anak ka na ulit na dapat isipin,
Anak na dapat alagaan, intindihin,
Makakaya mo ba na lumaki sya na pangalawa lamang kayo ni Rowan sa buhay ni Jake?

Di ba hindi? Gagad ng isip ko.
Napapikit ako at saka kagat labi na tumango sa tanong ng Isip ko.

Tama, I'm sorry Jake pero alam ko na pag nalaman mo ang tungkol kay Rowan di ka papayag na di ka makilala nito,
At yun ang ayaw ko na mangyari, ang muli ay magkaroon ka uli ng puwang sa buhay ko, namin ni Rowan....

After kong matapos na maligo ay nagsuot na ako ng t shirt na puti at jogging pants at kumuha ng towel sa maleta ko,

Routine ko na na mag jogging araw araw tuwing umaga pwera lang pag umuulan kasi yun lang ang time na libre ako.

Napabuntung hininga ako pagkaisip na malamang pag nagsimula nang mag aral ng nursery si Rowan malamang itigil ko ulit ang pagjojogging para maasikaso ko ito kapares nun time na nagsimula nang mag aral si Johanna.

Tila bumigat ulit ang dibdib ko pagkaisip ko kay Johanna,
I miss that baby na ngayon ay dalagita na,

Naalala ko ang mga time na kaming tatlo na naglalaro sa park, nagsisimba nang magkakasama, kumakain ng sabay sabay at nagkukwentuhan at nagtatawanan tatlo,

Ipinilig ko ang ulo ko at saka tinampal ng dalawang palad ko ang pisngi ko at ngumiti ng maluwang para mawala sa isip ko ang mag ama.

After na gawin ko yun ay maingat na lumabas na ako sa suite para di magambala ang mga kasama ko na himbing pa din sa pagtulog.

---------------------

Hingal na napaupo ako sa bench na nakita ko at saka uminom sa bottle water na dala,

Nang tapos na akong uminom ay akma sana akong magpupunas ng pawis ko nang may dalawang kamay nang gumawa nun.

Agad na tumingala ako sa pagkagulat ko at mas lalo pa akong nagulat nang mapagtanto ko na kay Jake ang mga palad na yun.

"Jake! Anung ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko dito.

Di ito sumagot at sa halip ay umupo sa tabi ko.
Kinakabahan na umusog ako para makaupo ito.

"Jake di mo pa ako sinasagot!" Sabi ko ulit dito.

"I know that every morning you run in the park or in the subdivision and since alam ko na may conference kayo I guess it and took the opportunity na alam ko na magjojogging ka pa din and I'm right" anito and then he held my right hand to his left then he intertwined it.

I silently sucked my breath at his answer and my heart betray me because nauna pa syang tumakbo sa akin sa lakas ng rigodon ng dibdib ko.

"Jake stop it, di tamang tignan na magkasama tayo"

"Will he mad at you?" he softly asked.

At seconds I don't know what he is talking about but then the face of Rowan slip at my mind and I nod at him.

"Do you love him?"

"Yes I do with all of my heart" I answer him wholeheartly.

Because he is our Son,
A part of you I free to love and love me back, sigaw ng puso ko.

"S--sya ba mahal ka din kapares ng pagmamahal mo sa kanya?" I glanced at him and wondering what the hell he imply.

"Yes mahal nya ako at alam ko na akin lamang siya"sagot ko dito.
Yumuko ito at ilang sandali pa humarap ito sa akin.

Malapit na malapit......

Nagtama ang mga mata namin at naaninag ko sa mga mata ni Jake ang lungkot ang pangungulila,

Di ko napigilan na hamplusin ang pisngi nito gamit ang kaliwang kamay ko.

Napapikit ito, tila nasiyahan sa kinilos ko pagkaraan muli ay nagmulat ito ng mga mata nito at tila muli ay nalunod ako sa mga emosyon na nakabalot sa mga itim na mata nito at di ko napigilan ang sarili ko na mapapikit.

Pagkapikit ko naramdaman ko na lang ang pagdampi ng malambot na labi nito sa labi ko,
Tila nanunukso, humihiling ng pagtugon sa akin at di ko napigilan na tugunin ang halik nito.

Katulad pa din nang dati ang lasa ng halik nito, masarap, mapaglaro, mapag akit na makakalimutan mo ang lahat wag lamang itong matapos,

Hingal na naghiwalay ang mga labi namin at saka pinagmasdan muli namin ang isa't isa.

Di nagtagal namumulang nagyuko ako ng paningin ko.

"Reona..." tawag nito sa akin at tinaas ng isang daliri nito ang baba ko.

"Jake..."di ko alam pero tinawag ko din ang pangalan nito.

Nagliwanag ang gwapong mukha nito at sumilay muli ang ngiti sa labi nito.

"Reona can you feel it nandito pa din ang spark ang pagnanasa natin sa isa't isa ang pananabik natin na madama muli ang mga labi nang bawat isa" wika nito.

"It's just a kiss Jake, please wag kang mag isip ng iba pang dahilan" namumulang sagot ko dito.

Umiling ito at muli tinangka na halikan ako pero agad na umiwas ako at tumayo na.

"I had to go ahead Jake may gagawin pa ako" paalam ko dito.

Aalis na sana ako nang hawakan nito ang kamay ko.

"Reona please....bumalik ka na sa akin,sa amin ni Johanna we need you, want you back in our lives please" pakiusap nito.

"Jake alam mo na di na pwede"

"I'm willing to bet everything Reona na mahal mo pa din ako,I feel it to your kiss just a moment ago" umiling ako dito.

"No Jake halik lang yun"

"Reona...."

"Listen Jake may pamilya ka na dapat alagaan at ako naman ay kuntento na sa buhay ko, please lang wag munang guluhin pa" pakiusap ko dito.

"Pero Reona si Lucil------"

"Jake please stop!" Di ko na napigilan na tumaas ang boses ko.
Natigilan naman ito at napatitig sa akin.

"Jake may apat lang na klase nang pagmamahal sa mundo yun , nawawala, minawalan, nawawalan,at pang huli pinapahalagahan at kahit isa dun wala akong nadama sa iyo kaya Jake please tantanan mo na ako hayaan mo naman na makalimutan na kita!" Sabi ko dito at pigil ang pag iyak na tumakbo ako papalayo dito....



A REBOUND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon