8th Part

47K 816 22
                                    

Dahan dahan na binaba ko na ang natutulog na anak ko sa kuna nya pagkaraan ay kinumutan ito saka maingat na kinintalan ng halik ang matambok na pisngi nito.

"Hey Johanna" bulong nang isip ko dito.

Johanna ang ipinangalan ko dito sa kabila nang pagpropotesta nila Lucille Mama at Papa dahil nga matagal na silang nakaisip nang ipapangalan sa anak kuno ko.

Naalala ko kasi na nakwento sa akin ni Reona dati na kundi Roxanne O kaya Johanna ang gusto nya na ipangalan pag nagkaanak sya nang babae.

"Why yun ang gusto mong pangalan?" Tanong ko pa dito.
Ngumiti ito at saka tumingala sa langit.

Maganda ang panahon nun bilog na bilog ang buwan at marami din bituin sa langit.

"Kasi gandang ganda ako sa mga pangalan na yun, at saka nga pala yun mga pangalan na panglalaki na Jonathan at Rowan gusto ko din s--sana na ipangalan sa magiging A--anak natin" namumulang nagyuko ito nang mukha pagkaraan na sabihin nya yun.

Natigilan ako pagkaraan ay napangiti ako at kinabig ko ito palapit sa akin.

"Johanna, Roxanne, Jonathan, Rowan ikaw at ako" nag angat ito nang mukha dahil sa sinabi ko.

Ngumiti pa lalo ako at saka hinagkan ang mapupulang labi nito.
Pagkatapos ay nagkatitigan kami.

"Pagbutihin natin para makabuo na tayo nang basketball team at ikaw ang manager namin" aniko dito.

"Jake!" Namumulang nakurot ako nito sa braso ko pero natatawang kinuha ko yun palad nya at hinagkan ang palad nito.

Napangiti ako nang mapait nang maalala ko yun.

Nalaman ko na Roxanne yun pinangalan nya sa inakala nya na anak nya kaya Johanna ang ibinigay kong pangalan sa anak namin.

Pagkaalala ko sa bata na yun ay napatawa ako nang pagak.

It's Lauren Gabrielle, yun dapat ang ipapangalan nila sa bata.

But eto nga at tumutol ko pagkat para sa akin di yun dapat ang ipangalan sa anak namin ni Reona.

"Kung di mo pala gusto yung pangalan na napagkasuduan dapat di ka umayon dati pa!" Naiinis na sigaw ni Lucille sa akin.

"Tama ang Asawa mo Jake" singit ni Mama.

Katulad ni Lucille ayaw din nito na di iyon ang ipangalan ko sa anak ko.

Ngumiti ako nang matamis sa dalawa na tila natakot sa ngiting pinakawalan ko.

"Anak ko yun, I have the right to decide what name I will give to her, and that's final" pagtatapos ko at iniwan ko na silang tatlo para puntahan ang anak ko.

"I love you so much darling, And I'm sorry if di natin kasama ang Mommy mo pangako pag naayos ko na ang gusot na ginawa ko pupuntahan na natin ang Mommy mo and then we will be a fine happy family, promise ko yan sa'yo darling" pangako ko dito.

Bahagya itong umingit pagkaraan ay ngumiti ito pero napakapikit pa din.

Napangiti ako nang maluwang.

"Sweet dreams darling" ani ko dito saka maingat na tumayo ako at pumunta sa may pinto saka dahan dahan na sinara ang pinto.

Habang papunta ako sa kwarto ko dahan dahan na napahinto nang mapansin ko ang bilog na bilog na buwan na kitang kitang ko sa malalaking bintana na nararaanan ko.

"What do you do now Reona, are you staring at the full moon are you sad? Are you Crying?, nagluluksa ka pa rin ba dahil sa ginawa ko?
I'm sorry Mahal kita, Mahal na Mahal kita Reona, pero nasasaktan din kita dahil sa pagkatao na meron ako,
Makasarili ako, oo alam ko,
Patuloy na nasasaktan ka dahil sa mga pinaggagagawa ko idagdag mo pa itong pinakamalaking kasalanan na nagawa ko sa iyo,
Pero pinapangako ko sa'yo pag naayos ko na itong sitwasyon na kinakasadlakan ko,
Haharap ulit ako sa yo, just like what I promised to you, I will chasing you, and imprisoned you in my arms never let you go,
And then make you fall in love to me again and again and again" bulong nang isip ko habang nakatingala pa din sa kalangitan.

"Adam...." napalingon ako kay Lucille na nakatayo mga isang dipa mula sa kinatatayuan ko.

Humarap ako dito at saka namulsa.
Pinasadahan ko ito nang tingin.

Dalawang buwan lamang at bumalik na sa dati ang katawan nito na para bang di nanganak.

"What do you need Lucille?" pormal ang mukha na tanong ko dito.

"I want to go back to Paris para ituloy ang nauntol na kontrata ko dun" anito.

Natigilan ako pagkaraan ay napangiti nang matamis dito.

Alam ko na one of these days ay sasabihin nya sa akin na muli ay babalik sya sa Paris.

Kinausap ko na ang may ari nang Model Agency na naka kontrata ito at sinabihan ang mga ito na kulitin at ipaalala kay Lucille ang tungkol sa nabinbin na kontrata nito.

Knowing Lucille di yun makakahindi sa offer.

She's a Famewhore.

"What about Johanna? She was just two months old? Iiwanan mo agad?" Kunwa ay naiinis na tanong ko dito.

"Adam please understand me may kontrata ako" pakiusap nito.

Lihim na napangiti ako.
Umaayon ang lahat sa plano.

"Then go, ikaw naman lagi ang nasusunod right?" sagot ko dito.
Tinalikuran ko na ito na may malaking ngiti sa labi ko.

-----------

Excited na pinindot ko ang doorbell sa unit ni Reona.

Binalingan ko ang natutulog na anak ko na umingit bahagya.

"Hush darling sandali na lang at makikita at makikilala mo na ang Mommy mo" wika ko dito.
Nagmulat ito ng mga mata at ngumiti sa akin na wari ay naiintindihan ako.

Ilang sandali pa ay may nagbukas na nang pinto.

Pero napawi ang ngiti sa mukha ko nang di si Reona ang nagbukas nang pinto.

"Sino pong kailangan nila?" Tanong sa akin nang medyo matanda nang babae.

"Ahm....si Reona po nandito po ba?" Tanong ko dito.
Kumunot ang noo nito sa tinanong ko.

"Pasensiya na hijo pero walang Reona na nakatira dito, at saka kakalipat lamang namin dito" tugon nito sa akin.

Lumaylay ang balikat ko sa sinagot nito.

Malinaw na lumipat na si Reona at nagpasya na na kalimutan ako.

Agad na nagpasalamat ako dito at umalis na sa unit na yun.

Malungkot at gulo ang isip na sumakay ako sa sasakyan ko.

"Balik tayo sa bahay Baste" utos ko sa driver pagkatapos.

Tumango ito at ilang saglit pa ay umalis na ang sasakyan ko sa lugar na yun.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan ang kakilala ko na imbestigador.

Ilang saglit pa ay sumagot na ito.

"Sir?" Anang nasa kabilang linya.
Pamilyar na ito sa numero ng cellphone ko.

"Find Reona Corpus asap" agad na utos ko dito.

"Yes Sir!" Agad na tugon nito at tinapos ko ang tawag saka napatingin sa bintana nang sasakyan.

"I will find you Reona no matter what,
Remember what I promised to you?
Jake never once break a promised......."

A REBOUND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon